31

4 0 0
                                    

THE GIRL IN THE MIRROR


Habang nagsscroll ako sa fb ay may nabasa ako.

"At 3:00am, your reflection in the mirror is not you."

Napailing naman ako, so creepy. Pero gusto kong itry, wala namang mawawala diba? Tumingin naman ako sa relo at 12am palang. Dahil maaga pa ay naglaro muna ako sa cp ko.

Maya maya ay 2:30 na. Naghanda na ko, kumuha ako ng upuan at nilagay sa tapat ng salamin. Tinitigan ko ang sarili ko, wala namang iba. Naglibang libang muna hanggang mag 3am.

Nakatitig lang ako sa salamin ng mag iba ang expression ko sa salamin. Isang babaing masayahin. Nakangiti sya sakin na parang nagkukwento pero hindi ko marinig. Muka syang makulit, ang ganda din ng kislap ng mga mata nya. Pero sandalii, nilapitan ko ng sobrang lapit ang salamin. Pumikit ako ng mariin at tumingin ulit sa salamin, istura ko na ulit ang nakikita ko, malungkot, umiiyak at nag iisa.

At dun napagtanto ko, hindi nga ako yung nasa salamin, kundi kakambal ko. Ang kakambal kong napatay ko sa selos, sobrang pagsisisi ang naramdaman ko.

Muli ay tumingin ako sa salamin, andon sya. Nakangiti, at sya'y nagsalita. "Masarap bang mabuhay?" Sabi nya ng nakangiti, ang maganda ngang ngiti ay napunta sa nakakakilabot na expression. Umiling lang ako ng umiling at humingi ng tawad sa nagawa ko. Nang tingnan ko sya ay galit ang nasa mata nya, lumabas sya sa salamin at sinakal ako, sa sobrang takot ko at binasag ko ang salamin. Kasabay ng pag kabiyak ng salamin ay ang paglalaho nya.

Umiyak lang ako ng umiyak. Tama nga sila, hindi ako ang nasa salamin, kundi ang kakambal ko. Nakatulog nalang ako non sa sobrang iyak ko.

Nang magising ako ay nasa isang madilim na lugar na ako. Isang salamin lamang ang nagbibigay liwanag, agad akong lumapit dun. Teka parang may mali. Maya maya ay may lumitaw sa salamin, ang kakambal ko.

"Gusto kong maranasan mo ang buhay ko sa loob ng salamin, dyan ka muna. Ako munang bahala sa katawan mo." Nakangiti nyang sabi.

Panong? Andito ako sa loob ng salamin, at sya naman ang nasa katawan ko. Kahit sobrang takot ko ay hinayaan ko sya.

Lumipas ang ilang araw ay napanood ko kung pano nya babuyin ang katawan ko. Wala kong nagawa kundi umiyak. Hanggang isang araw ay lumapit sya sa salamin.

"Patawad kapatid, gusto ko pang mabuhay." Sabi nito habang hawak ang isang martilyo.

"Anong gagawin mo? Hindiii! Maawa ka sakennn!" Umiiyak na pagmamakaawa ko.

"Binasag mo ang salamin kung san ako nakakulong, kaya ngayon ay gaganti ako. Paalam kapatid." Sabi pa nito.

"Mahal kita, Yena." Huling sambit ko at kasabay ng pagtulo ng luha ko.

"Mahal din kita, Yana. Patawad." Sabi nya bago binasag ang salamin.

Kasabay ng pagbasag ng salamin ay ang unti unting pagkawala ng liwanag. Nakulong ako sa isang madilim na lugar. Mag isa na naman ako. At bilang ganti ay kukunin ko ang mga taong nakatingin sa salamin, pagsapit ng alas tres ng madaling araw. Ipaparanas ko sa kanila ang takot na nararamdaman ko ngayon.


WAKAS.

One Shots CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon