36

4 0 0
                                    

A THOUSAND YEARS
×Kindly play 'A thousand Years' by Christina Perri while reading this.×


Taong 1782 ay nagkaron ng kaunting pagsasalo sa bahay ni Don Fernando. Si Don Fernando ay kilalang Mayor sa baranggay na 'yon. Lahat ng nasasakupan nito ay imbitado---mula sa mahihirap hanggang sa may kayang pamilya.

Nandon din sa handaang 'yon si Isaac---ang lihim na kasintahan ni Feliciana, ang nag iisang anak ni Don Fernando.

Habang nag kakasaya ang mga tao ay pumuslit ng pagkakaton si Feliciana at si Isaac upang magkita sa isang liblib na lugar. Ang pag-iibigan nila'y hindi mapagbibigyan. Si Isaac ay isa lamang magsasaka samantalang nagmula naman sa marangyang pamilya si Feliciana.

"Sigurado ka bang hindi tayo nasundan ng iyong amain, Feliciana?" Bagama't kinakabahan ay tumango lamang si Feliciana. Sana'y na sila sa gantong tagpo dahil madalas nila 'tong ginagawa.

"Nasasabik ako sa'yo, kamusta kana, Feliciana?" Naiiyak na tanong ni Isaac, matagal din silang hindi nakapagkita dahil laging sinasama ni Don Fernando si Feliciana nitong mga nakaraang araw.

"Isaac, kahit ako'y nasasabik din sa muli nating pagkikita nguni't marahil ay 'to na ang ating huling pagkikita dito sa lumang balon." Malungkot ang tinig ni Feliciana. Kahit s'ya ay labag sa loob ang gagawin nguni't kailangan.

"Anong sinasabi mo?" Takang tanong ni Isaac, naguguluhan s'ya sa sinasabi ni Felician. Ilang linggo lang 'tong nawala pero bakit ganto na?

"Isaac, mahal ko." Hinawakan s'ya ni Feliciana sa pisngi. Bakas sa mga mata ang sakit, ngunit wala syang pagpipilian. "Ako'y nakatakdang ipag isang dibdib sa isang lalaki. Ayokong madamay ka sa galit ni Ama, ayokong putulin n'ya ang buhay mo." Sabay sabay ang luhang tumulo sa kanyang mga mata.

"Hindi maaari. Sumama ka sa'kin, pangako bubuhayin kita." Mabigat ang pakiramdam ni Isaac. Umiling naman ang babae. "Parang awa mo na, hindi ko kaya." Nagmamakaawa nyang sambit.

Sa buong buhay n'ya ay si Feliciana palang ang inibig n'ya ng ganto. Natutuwa s'ya dahil hindi naging hadlang ang kahirapan n'ya para mahalin s'ya ng babae---ngunit matatapos din pala ang lahat.

"Hindi. Ipangako mo saking hindi. Makakahanap ka pa, Isaac. Pasensya na." Umiiling na tugon ni Feliciana.

"Aantayin kita, Feliciana. Aantayin kitang makapag-isip kung ano ang tama. Hanggang sa unang araw ng Pebrero, aantayin kita." Determinadong tugon ni Isaac.

Tumakbo na lamang papalayo si Feliciana. Ang sakit ng puso n'ya.

Ilang araw inisip ni Feliciana ang sinabi ni Isaac. Nalaman din ng babae na sa ikalawang araw ng Pebrero ang kanyang kasal. Naisipan nyang sumama nalang kay Isaac dahil 'to talaga ang tinitibok ng puso n'ya.

Kinagabihan ng katapusan ng Enero ay tumungo si Feliciana sa lumang balon---sila lamang ang nakakaalam ng tagpuang 'yon.

Madilim at malamig sa lugar na 'yon ngunit hindi n'ya 'yon alintana. Naghintay s'ya ng hanggang mag-umaga nguni't walang Isaac na dumating.

Hanggang sa dumaan pa ang mga araw, hindi 'to nagpakita sa babae. Lubos na kinakabahan si Feliciana nguni't ayaw nyang umalis sa lugar na 'yon dahil baka sakaling dumating 'to. Labis ang gutom at uhaw n'ya pero mas nangibabaw ang kagustuhan nyang antayin si Isaac.

Gabi na't nagbabadya ang ulan, nakaupo pa din si Feliciana sa tabi ng balon. Lamig na lamig s'ya. Hanggang sa bumuhos ang ulan---ilang araw na ang lumipas. Wala pa syang kain at tulog, sya'y nanghihina na.

Kasabay ng pagpatak ng ulan ay ang pagbagsak ng luha n'ya. Hindi na n'ya kaya.

"Isaac, kung mamamatay man ako sa kakahintay sa'yo, hindi ko 'yon pagsisisihan." Umiiyak na sambit n'ya. "Araw-araw ay hihintayin kita---hanggang may buhay ako ay mamahalin kita." Mapait na tugon n'ya. Tumayo s'ya at pinagmasdan ang kalangitan.

"Ipinapangako ko Isaac, mamahalin kita ngayon at sa libo libo pang mga taon. Naniniwala akong mahahanap kita---hindi man ngayon pero sa ibang panahon. Hahanapin kita, mahal ko." Huling saad n'ya bago nawalan ng malay, tumama ang kanyang ulo sa balon na syang dahilan ng kanyang pagkamatay.

Dumaan pa ang ilang mga taon, si Feliciana at Isaac ay nabuhay sa iba't ibang panahon. Nahahanap ni Feliciana si Isaac ngunit nagkakahiwalay sila sa buwan ng Enero at hindi na muling magkikita pa. Hanggang sa nabuhay na naman sila.

"Mahal na mahal kita, Fely." Saad ni Isaac kay Feliciana. Buwan ng Enero ngayon, taong 2020.

"Nahanap kita, mahal ko. Wag kang matakot kasi paulit ulit kitang mamahalin." Saad n'ya. Naramadaman n'ya ang kamay na humigit sa kanya papalayo kay Isaac ng lingunin n'ya ito ay nakita n'ya ang kaibigan n'ya.

"Hanggang sa muli, Fely!" Sigaw ni Isaac.

Ngumiti na lamang si Fely at umuwi na kasama ang kaibigan.

Matapos 'yon ay hindi na sila muling nagkita pa. Si Feliciana ay sumubok pang makasama si Isaac ng mahabang panahon ngunit lagi din silang nagkakahiwalay.

Ang hindi alam ni Feliciana ay hindi na talaga sila pa magkakasama ni Isaac pagtapos ng pagkikita noong Enero. Dahil noong una palang ay pinatay na ni Don Fernando si Isaac pagkatapos nilang magkita sa balon. Narinig lahat ng lalaki ang pinag usapan ng dalawa kaya't ng umalis si Feliciana ay agad nyang pinatay si Isaac at tinapon sa balon.

Kaya't kahit anong gawin ni Feliciana ay hindi sila ang nakatadhana sa isa't isa. Kasi bago pa sila magsama ng walang hanggan ay namamatay na si Isaac sa paulit ulit na dahilan. Namatay si Isaac bago pa sila magsama uli at tumakas---kaya't paulit ulit 'yung mangyayari hanggang sa kasalukuyan.


WAKAS.

One Shots CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon