WHO SHE IS NOW?
Tirik na tirik ang araw ngunit nangangalos akong tumatakbo papunta sa bahay n'ya.
"Lord please." My heart are racing. Nakasarado ang gate sa bahay n'ya kaya't inakyat ko nalang 'to.
"Hazel?! Where are you?!" Kabadong sigaw ko. Sinulong ko ang kusina, banyo at umakyat na sa hagdan. Kwarto n'ya agad ang tinungo ko.
Bumalagta sa'kin si Hazel na naka-upo malapit sa bintana, tulala na parang wala sa sarili. Agad kong iniscan ang palgid. Oh thank god! Wala syang ginawang kalokohan. Agad akong umupo sa unahan n'ya.
"Pagod na'ko, Rona. I want to end my life." Nakatulala pa din s'ya sa bintana.
"Tell me, anong nangyare sa inyo?" Tanong ko at umupo sa tabi n'ya. Pinagmasdan ko din ang kabuuan ng kwarto n'ya.
"Wala na 'e. Sawa na s'ya, nakahanap ng pamalit kaya ayun hahaha, naiwan na naman ako." Mahinang sambit n'ya.
"Hindi ka pa ba napapagod? Palagi nalang ah." I said.
"Gusto ko ng mawala." Saad n'ya. Kinutusan ko naman s'ya.
"Bakit kailangang ikaw ang mawala? Bakit hindi nalang yung nararamdaman mo?" Tanong ko pa.
"Hays." Buntong hininga n'ya. Hinawakan ko s'ya sa pisngi.
"Hindi ka naman nag iisa, nandito ako. I'll help you." Saad ko.
Sa lahat ng kaibigan ko, si Hazel ang pinakapinagtutuunan ko ng pansin, mahina kasi s'ya. Suicidal person.
"Rona!!! Si Hazel daw sinugod ng Girlfriend ni Jio! Pinakamuka na wala ng babalikan si Hazel!" Agad akong tumayo sa upuan ko sa sigaw ni Bianca. Agad kong inayos ang mga gamit ko at tumungo papunta sa kanila.
Mag isa lang s'ya sa buhay kaya hindi ko s'ya pwedeng pabayaan. Umakyat ako, buksan ang pinto ng kwarto n'ya.
"HAZEL!!!!" Hinigit ko s'ya at sinampal ng paglakas lakas, baka sakaling magising s'ya.
"Anong---?" Sinampal ko uli s'ya ng isa pa. Sinipa ko ang upuan na tinutungtungan n'ya kanina. Galit akong tiningnan s'ya.
"Gusto mong magpakamatay?! Dahil sa lalaki?!!?" Galaiting sigaw ko. Napaupo naman s'ya at umiyak.
"Hindi ko kayang wala s'ya." Isang sampal uli ang ginawad ko sa kanya.
"Kaya susuko ka? Susukuan mo ko? Ang hirap sa'yo, hindi mo minamahal ang sarili mo!" Sigaw ko.
"Natatakot ako, sinukuan na ako ng lahat, wala ng saysay kung mananatili pa ko dito." Umiiyak nyang tugon.
Lumambot ang puso ko, umupo ako't niyakap s'ya. Hinalikan ang kanyang noo.
"Shh, tutulungan kita, okay? Basta wag mo kong sukuan, wag kang susuko. Hindi ko kayang mawala ka. Isipin mo din ako, Hazel. Pagod na ko sa'yo pero hindi kita susukuan dahil alam kong sinusubok ka lang. Shh tahan na, nandito lang ako." Naiiyak kong tugon. Tumango naman s'ya.
Lumipas ang ilang araw ay lagi akong nasa tabi n'ya, halos gabi gabi syang naiyak pero hinayaan ko lang. Mas okay 'yon kesa kimkimin n'ya.
Tulungan ko s'yang makalimot. At bawat araw ay nakakatulong naman 'to.
Lahat kami ay nag aayos sa gaganaping swimming. Pagpunta namen sa resort ay di ko inaasahan na kasama si Jio pati ang nobya nito.
"Hazel, umuwi nalang tayo." Yaya ko dito. Taka naman 'tong tumingin sa'kin.
"Ha? Bakit?" Tanong n'ya, hinila ko nalang s'ya bigla pero pumalag s'ya, napatingin s'ya sa gawi ni Jio.
"It's fine. Hindi na ako yung dati, hayaan mo na." Saad n'ya. Kahit ayaw ko'y tumuloy pa din kami.
Hinarang naman s'ya ni Rea---gf ni Jio. Tiningnan s'ya nito mula ulo hanggang paa.
"Oh well, ba't sumama ka pa? Baka masaktan ka at magpakamatay na naman pag nagselos ka sa'min?" Mapang asar na tugon nito.
Sasabat na sana ako kaso hinawakan ni Hazel ang braso ko. Kung hindi lang ay talagang malilintikan sa'kin ang bruhang 'to!
"Hindi na s'ya si Hazel, Rea." Napalingon ako sa lalaking nagsalita. Si Yuri---kaibigan naming lalaki.
"Who is she now, then?" Maarteng tanong ni Rea. Nagulat ako sa mabilis na ginawa ni Hazel. Binuhusan n'ya si Rea ng cocktail na hindi ko alam kung sa'n n'ya nakuha.
"Hindi na ako 'yung Hazel na pumapayag na apak-apakan lang. Hindi na ako 'yung babaeng magpapaapi nalang ng ganon ganon lang. At hindi na ako yung babaeng sumusuko agad. And by the way, sa'yo na 'yan si Jio, maliit naman ang junjun nyan pwe!" Tumawa pa 'to ng mahina. What the heck?!
"Aba't---" Naputol ang sasabihin ni Jio ng humarang si Yuri sa kanya.
"Subukan mo s'yang saktan, ako makakalaban mo." Mayabang na tugon nito.
Aba aba may taga pag tanggol naman pala ang bestfriend ko! Hinigit na ko ni Hazel papaalis.
"Totoo bang okay kana?" Tanong ko ng makarating kami sa room na nakadestino sa'min. Tumingin naman s'ya sa'kin.
"Ang totoo nyan ay okay na, nandyan naman si Yuri at ikaw para sa'kin. Wala na kong mahihiling pa." Sambit n'ya. Inikutan ko naman s'ya.
"Anong meron sainyo ni Yuri?" Malisyosang tanong ko. Napangiti naman 'to.
"He's courting me. Ah basta!" Tawa n'ya pa. Napanatag naman ang loob ko, alam kong matagal na syang gusto ni Yuri at alam kong hindi n'ya ito sasaktan.
"Hello bebs, I'm happy for the both of you! Hindi ko inaasahan na aabot kayo sa ganto. Salamat Hazel kasi lumaban ka para sa'kin at para sa sarili mo. Sabi ko naman sa'yo masayang mabuhay di'ba?" Naiiyak kong tugon. "Naalala mo yung panahon na sukong suko kana? Akala ko hindi na kita mapapalaban uli, akala ko tuluyan mo na kong iiwan at susukuan. Pero salamat kasi lumaban ka kaya nakasama kita ng mas matagal. Thank you." Binaba ko na ang mic dahil feeling ko ay maduduwal ako sa sobrang pag iyak.
"Uhm, I want to thank you, too. Dahil sa'yo nawala yung dating Hazel na mahina. Nawala yung babaeng mabilis bumigay at sumuko. This is who I'am now, a girl with a wise mind, brave heart and strong personality, this is because of you. Nung oras na sinusukuan ko 'yung sarili ko, nanatili kang lumalaban. I'm so lucky to have a bestfriend like you, I really do. Don't cry na, makakasama sa baby mo 'yan." Lalo akong naiyak sa sinabi n'ya.
"CHEERS SA BAGONG KASAL!" Sigaw ng mga tao. Pinagmasdan ko naman si Hazel at Yuri, they're lucky to have each other.
Hindi ako nagkamali na pinaglaban ko si Hazel sa mga panahon na nanghihina na s'ya, at ngayon ay bubuo na s'ya ng pamilya kasama si Yuri. Nakaya n'ya lahat ng pagsubok na dumating sa kanilang relasyon, hindi na n'ya hinayaan na maging mahina uli s'ya.
That's what bestfriends do.
WAKAS.