KISAME
"Oh Sofia? Ayusin mo na yung mga gamit mo. Umakyat ka tas pumunta sa kaliwa, yung pangalawang pinto ang kwarto mo." Sabi ni Mama. Tumango naman ako at naglakad paakyat. Hinanap ko ang sinasabi ni Mama at agad ko yung natagpuan.
"Kalma lang. Sana walang Momo dito." Pagkausap ko pa sa sarili ko. Binuksan ko ang pinto at inilapag ang mga gamit ko, inilibot ko ang tingin ko sa kwarto. Malaki at malinis naman.
"Psssst!" Agad akong kinilabutan ng marinig ko 'yon. Agad kong inilibot ang paningin ko subalit wala naman akong nakitang kakaiba. Napatingin naman ako sa kisame. Tinitigan ko 'yun na para bang may kung anong bagay ang naroon---ng biglang may humawak sa balikat ko.
"Huy Sofia! Ano bang tinitingnan mo dyan? Ayusin mo na 'yang gamit mo at kakain na tayo." Paglingon ko ay si Ate pala. Tumango naman ako. Lumabas agad si Ate sa kwarto kaya agad kong inayos ang gamit ko at bumaba nadin.
--
"Kumain pa kayo ng madami." Sabi ni Papa. Agad naman naming sinunod.
"Maganda parin 'tong bahay. Ngayon lang ulit tayo nakabalik dito. Maganda pa din naman diba?" Tanong ni Ate. Oo nga naman, malaki tong bahay at halatang di pa masyadong nagagamit.
"May namatay daw kasi dito kaya walang gustong bumili. Kaya naisipan namin na bumalik nalang ulit dito. Maganda naman s'ya diba Sofia?" Tanong ni Mama saken. Agad akong lumingon sa kanya, parang may kakaiba sa tanong nya. Pamilyar din tong bahay sa'kin. Tumango nalang ako at nagpatuloy sa pagkain.
Nang matapos ang hapunan at umakyat na kami para matulog. Nakahiga na ko nun ng mapatingin ako sa kisame. Parang may kung anong bumabagabag sa'kin doon. Ipinagsawalang bahala ko na lamang 'yon at pumikit.
"Pssstt. Psssst. Pssssttt." Nagising ako sa naririnig ko. Unti unti kong iminulat ang mga mata ko at napatingin sa kisame. Dala ng pagtataka ko ay kumuha ako ng hagdan at binutas ang kisame. Pagkabutas ko pa lamang ay umalingasaw ang nabubulok na amoy. Nasusuka akong bumaba sa hagdan at kumuha ng bimpong pantakip sa ilong ko bago umakyat muli.
Pumasok ako sa loob ng kisame. Nakadapa akong umuusad. Habang gumagapang ako ay may nakapa ako, kamay. Agad ko tong hinigit at ito'y naputol. Sa sobrang takot ko ay agad akong bumaba sa hagdan at inilapag sa kama ko ang naputol na kamay. Parang--- hindi! Hindi maaari!
Agad akong kumuha ng martilyo at umakyat muli sa hagdan at sinira ng tuluyan ang kisame. At dun ko na nakita lahat. Nahulong ang mga bangkay. Natulala ako sa nakita ko. Paanong---?
Narinig kong bumukas ang pinto at don ko nakita ko sila Ate, Mama at si Papa. Nakangiti sila sakin ng mapait. Agad silang lumapit saken.
"Bat hanggang ngayon ay hindi mo matanggap ang nangyare satin?" Malungkot na tanong ni Mama.
"Kaya tayo nakukulong sa bahay na'to kasi hanggang ngayon hindi pa natin natatanggap ang katotohanan." Sabi pa ni Ate.
"Mahahanap din natin ang hustisya sa ating pagkamatay." Sabi naman ni Papa.
Umiiyak akong tumingin sa mga bangkay. Bangkay naming apat. Habang tinitingnan ko ang mga bangkay ay bumalik ang alaalang matagal kong binaon sa limot.
Isang gabing malamig, tulog ang lahat ng pasukin ang bahay namin ng mga di kilalang lalaki. Kinuha nila ang mga gamit namin. Nirape nila ko at si Ate. At pinatay naman nila si Mama at Papa sa harap namin. Tandang tanda ko 'yon. Inilusot nila ang mga bangkay nila Mama at Papa sa kisame. At isinunod naman nila kami ni Ate. Habang tinataga nila ko ay galit at lungkot ang nasa puso ko. Anong nagawa naming mali?
"Anak, tanggapin na natin." Naramdaman ko ang paghawak ni Mama sa balikat ko. Agad akong yumakap sa kanya.
--
Malungkot akong nakatingin sa bintana. Tinitingnan kung pano nila ibalot ang mga bangkay namin. Dahil sa masangsang na amoy ay nalaman ng mga taong may mga bangkay dito sa bahay kaya agad silang tumawag ng pulis para imbistigahan. At ngayon ay kinukuha na nila ang mga bangkay namin para ilibing. Habang pinapanood ko ay niyakap ako nila Mama.
"Tapos na ang lahat. Hayaan na natin ang Diyos ang managot sa may sala. Iniintay na tayo ng liwanag." Sabi ni Papa. Agad akong yumakap sa kanila. Naglakad kami papasok ng bahay at nakita na namin ang liwanag.
Kahit anong pagtatago ang gawin---maaamoy pa ding ang masangsang nitong amoy.
Isa isa kaming pumunta sa liwanag. Una si Papa, nakangiti syang pumunta sa liwanag at humarap samin. Sumunod naman si Ate at Mama. Unti unti akong naglakad papunta sa kanila at tinanggap ang katotohanan. Pumikit ako at kinalimutan ang mga nangyare at pinatawad ang may sala. Nawa'y gabayan kami ng Panginoon sa aming paglalakbay.
Patuloy kang mumultuhin ng iyong nakaraan kung patuloy mo 'tong babalikan.
WAKAS.