8

10 1 0
                                    

LAST SMILE


Naglalakad kami ng Boyfriend kong si Maxwell sa Mall para bumili ng School Supplies. Magpapasukan na din kasi. 3years na kami.

Habang nagtitingin kami ng mga gamit ay biglang may umakbay sakin, sa amoy palang nito ay alam ko na kung sino s'ya.

"Oh Ryan? Kamusta?" I asked while smiling. Agad ko namang tiningnan ang boyfriend ko at matalas ang tingin na iginagawad nya kay Ryan.

"Eto ayos lang. Siguro next time kwentuhan tayo. Nagmamadali kasi ako Zhenya." Sambit nito sakin. Tumango naman ako at agad syang nagpaalam.

Matapos ang pangyayaring 'yon ay hindi na ko pinansin ni Maxwell dahil hindi ko man lang daw s'ya ipinakilala bilang boyfriend ko, baka daw kabit ko 'yon.

Sa tuwing nag aaway kami ni Maxwell ay nakakapagbitaw sya ng mga salitang masakit sakin.

"Ano Zhenya? Kabit mo 'yon no!?"
"Pokpok ka kasi!"
"Lahat nalang nilalandi mo Zhenya!"

Ilan 'yan sa mga sinasabe nya sakin, pero patuloy kong isinasantabi ang mga 'yon dahil nga mahal ko sya.

Madami naman talaga akong kaibigan na lalaki gaya ni Ryan, Ced, Ronnie at Nathan. Pero nakakapagtakang hindi ko na nakikita sila Ced, Ronnie at Nathan. Hindi na din sila nagpaparamdam sakin. Ang huling kita namin ay nung Birthday ko, pero pagkatapos non ay wala na silang paramdam.

Napatigil ako sa pag iisip ng tumunog ang cellphone ko, si Ryan. Agad ko itong sinagot. Nagkwentuhan lang kami ni Ryan. Hanggang sa narinig kong kumalabog sa kabilang linya at biglang namatay ang tawag. Ngunit ipinagsawalang bahala ko lamang 'yon.

Maya maya ay umuwi na si Maxwell na galit na galit, nagsasama na kami sa iisang bahay.

Tinanong ko s'ya kung san s'ya nanggaling ngunit hinablot nya lang ako at itinulak sa kama. Agad nyang hinubad ang kanyang damit habang papalit sakin, natatakot ako sa itsura nya. Pumaibabaw s'ya sakin at hinawakan ang maseselang parte ng aking katawan. Natatakot ako. Umiyak lang ako ng umiyak habang nag mamakaawang wag na nyang ituloy.

Nagtagumpay s'ya sa gusto nya, habang binababoy nya ko ay sinasaktan nya ko physically. Wala akong nagawa kundi umiyak.

"Kamusta na kaya mga kaibigan mo no? Sinabi ko na kasing wag silang lalapit sayo e, 'yan tuloy. Magkakasama na sila sa heaven." Saad nya na agad kong kinagulat.

"ANONG GINAWA MO SA KANILA!?" Umiiyak kong tanong pero tumawa lang sya at tinuloy ang pambababoy sakin.

Nang matapos s'ya sa pambababoy sakin ay bumaba s'ya upang ipagluto daw ako ng hapunan bago ako mawala sa mundo. Natakot ako. Agad akong kumuha ng lubid at sinampid sa taas. Nang maayos ko na lahat ay kumuha akong upuan at nilusot ang aking ulo sa lubid.

Umiiyak ako habang iniintay ang pagbabalik nya, nais kong masaksihan nya ang pagkawala ko.

Sa sobrang pagmamahal ko sa kanya ay nanaisin kong ako nalang ang pumatay sa sarili ko upang hindi madagdagan ang kasalanan nya sa diyos. Mahal na mahal ko si Maxwell, sya ang naging kakampi ko sa lahat pero hindi ko inaasahan na dadating kami sa puntong 'to.

Nang makarinig ako ng yabag ng mga paa---hinanda ko na ang sarili ko. Nang makapasok s'ya ay nginitian ko s'ya---ngiting hindi nya makakalimutan. Pagkatapos non ay agad kong sinipa ang silya. Habang nag aagaw buhay ako ay nakita ko ang kanyang muka. Puno ang mata nya ng pagsisisi, natataranta s'ya na syang naging dahilan ng pagbagsak ng dala nyang pagkain sa sahig.

"ZHENYA PATAWAD, WAG KANG BIBITAW PLS MAHAL NA MAHAL KITA." Sabi nya habang umiiyak at patakbong yumakap sa paa ko, pero huli na ang lahat hindi ko na kaya.

Mahal na mahal kita Matthew, sa sobrang pagmamahal ko sayo ay kaya kong kitilin ang sarili kong buhay, mapawalang sala ka lang.

Ngayon naintindihan ko na. Ang sobrang pagmamahal ay pwede mong ikamatay, pero wala akong pinagsisisihan. I'm so inlove with him. Hanggang sa huli sya pa din ang gusto ko.

Hindi ko na kaya, nanghihina na ako. Sa huling pagkakataon ay nginitian ko uli sya---ngiti na nagpapatunay na masaya ako kahit ganto ang sinapit ko basta maligtas lang sya sa kasalanan. Ngiting nagpapahiwatig na tanggap ko na ang kapalaran ko. Ngiting inaasam ko na sana'y madala nya hanggang kamatayan.

Agad dumilim ang paningin ko at naramdaman pagtigil ng puso ko. Dahan dahan akong pumikit. I love you for the last time Maxwell.

"Being too inlove can lead you to death, be careful with it." I said in my mind.

WAKAS.

One Shots CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon