21

3 0 0
                                    

FALLING INLOVE WITH YOU

"Aljhay! Nasa'n kaba?!" Sigaw ko pag uwi ko ng Apartment namin. Nasa'n na ba kasi yung kupal na yon!?

Nakarinig naman ako ng kaluskos sa bandang kusina, patay ang ilaw dito. Dahan dahan akong lumakad papunta dito.

"HAPPYYYYYY 20TH BIRTHDAYYYY FAYE!!!" Masayang bati nila sa'kin. Nagluha ang mata ko sa supresang inihanda nila sa'kin. Nilibot ko ang paningin ko, si Aljhay na grabi ang ngiti at ang iba kong kamag anak. Agad silang lumapit sa'kin at binigyan ako ng mahigpit na yakap.

"Salamat ng marami. Nag abala pa kayo." Naluluhang sabi ko.

"Etong si Aljhay ang nagplano nito ih." Kinikilig na sambit ni Mama. Lumapit naman ako kay Mike at niyakap sya.

"Naappreciate ko baby. Sobrang thankyou." Sambit ko pa. Ngumiti lamang s'ya at hinalikan ako sa pisngi.

"Para sa prinsesa ko." Bulong pa nito.

Aljhay is my boyfriend. Mag aapat na taon na kaming mag jowa at nakatira na sa iisang Apartment. Everything was perfect, legal kami both sides at ngayon ay tinatapos nalang ang pag aaral namin upang makapagpakasal na.

Napaka responsable ni Aljhay sa lahat ng bagay. Tinuturi n'ya kong prinsesa at tinutulungan n'ya ko na tuparin ang pangarap ko. 2nd year college na'ko, doctor ang kinukuha kong course samantalang si Aljhay naman ay 3rd Year College, Engineering naman ang kurso nito. Sa tagal naming magkasama ni Aljhay, hindi ko akalain na susubukin kami ng Diyos.

Nakahiga ako sa dibdib ni Aljhay. Hating gabi na ngunit gising pa din kami, pinag uusapan ang mga bagay na gagawin namin pag kasal na kami.

"By gusto ko pag nagkaanak tayo, dapat successful na tayo sa dreams natin." Sambit ko dito.

"Opo kaya ngayon mag aaral muna tayo." Sabi nito.

Maya maya ay napag pasyahan na naming matulog. Kinabukasan mainit ang ulo ni Aljhay, sa di ko malamang dahilan. Pinilit ko s'yang pakalmahin ngunit nagmatigas s'ya, sa sobrang galit n'ya nasira nya ang mga papel na nirereview ko para sa darating naming exam.

Dahil don ay nag away kami. Lumipas ang mga araw nagiging mas mainitin ang ulo nito. Nang dahil dito, naaapektuhan na ang pag aaral ko dahil madalas ay iniisip ko kung ba't sya ganon. Hindi narin ako nakakapagreview dahil gusto n'yang s'ya lagi ang inuuna ko.

"Aljhay naman! Ano na naman ba problema mo!?" Bulyaw ko kay Aljhay. Naiinis na'ko sa kanya dahil lasing s'yang umuwi at sinira ang mga gamit ko.

"Wala kang pakialam!" Sigaw nito pabalik sakin. Hindi ako makapaniwala sa inaakto ni Aljhay ngayon.

"Girlfriend mo ko Aljhay! Kaya kung may problema ka dapat alam ko!" Naiiyak na sabi ko dito. Ngunit tumawa s'ya ng sarkastiko.

"Yun nga e! Girlfriend kita at Boyfriend mo ko! Pero ba't di mo sinabi na kelangan mong umalis ng pilipinas para sa pag aaral mo?!" Umiiyak na saad nito.

Nanlamig ako sa kinakatayuan ko at napatungo.

"Kailangan kong umalis para satin. Para sa pangarap ko." Malungkot kong sabi. Napasuntok naman sya sa pader.

"So iiwan mo ko?" Sambit ni Aljhay. Lumapit ako sa kanya at niyakap s'ya.

"Babalik naman ako baby. Pag nakapag tapos na ko, babalik ako agad. Tas magpapakasal tayo diba?" Pag papaalala ko pa. Hindi nagsalita si Aljhay at niyakap lang n'ya ko pabalik.

Lumipas ang buwan ay lumipad na ko papuntang ibang bansa. Hinayaan nya kong umalis para daw sa pangarap ko.

Pinagpatuloy ko ang pag aaral ko sa USA, lagi kaming nag vivideo call ni Aljhay at hindi ko maitatangging namimiss ko na sya. Lumipas ang ilang buwan napapansin kong lumalaki na ang tiyan ko, pero hindi ko to pinaalam kay Aljhay.

Lumipas pa ang ilang buwan ay naipanganak ko ang panganay ko ng di nalalaman ni Aljhay. Dumalang na makipag video call sakin si Aljhay, pero hindi ko yon binigyang pansin dahil alam kong busy lang sya sa pag aaral.

2years had passed at excited na kong umuwi ng Pilipinas.

"Excited ka ng makita si Daddy, baby?" Tanong ko sa tabaching ching kong si Yuri. Tumango lamang ito sakin.

Lumipad kami pabalik ng pilipinas pero sadyang napakasaklap ng tadhana sakin.

Bago kami dumiretso sa bahay ay nagsimba muna kami ni Yuri, saktong may kinakasal. Naeexcite lalo tuloy akong makita si Aljhay upang maplano na ang nakatakda naming kasal. Walang kaalam alam ang pamilya ko pati si Aljhay na uuwi ako ngayon. Saktong lingon ko sa Groom isang pamilyar na lalaki ang nakita ko. Aljhay...

Agad na nagbagsakan ang luhang nag uunahan sa pag patak. Para kong pinagbagsakan ng langit at lupa. Saktong napalingon samin si Aljhay, gulat ang tumambad sa muka nya. Agad akong lumabas ng simbahan, buhat buhat si Yuri at dumiretso sa bahay. Hindi ko namalayan na sinundan pala ko ni Aljhay.

Nagulat sila Mama sa biglaang pagsulpot ko, iniwan ko muna sa kanila si Yuri bago nakipag usap kay Aljhay.

"I'm so sorry, Ira." Nakatungong saad nito. Sa sobrang bigat ng pakiramdam ko, nasampal ko s'ya.

"Wala kang kwenta!!! Pano mo nagawa to sakin?" Umiiyak na saad ko. Tumingin sya sakin ng di makapaniwala.

"Ira, alam mong lalaki ako! May pangangailangan ako na hindi mo kayang ibigay dahil malayo ka! Kaya humanap ako ng iba, hanggang sa minahal ko sya at ngayo'y pinakasalan." Sigaw nito sakin. Natawa naman ako ng bahagya.

"May pangangailangan din ako pero di ko hinanap sa iba! Pero still Congrats sainyo. Kala ko pag uwi ko, magiging masaya tayo. Gustong gusto kong sabihin dapat sayo na 'Baby konti nalang doctor na ko, matutupad ko na pangarap ko.' Tas biglang boom, nawala lahat ng excitement. You know what? Falling inlove with you is the biggest mistake I've done!" Iyak ko pa. Sobrang sakit ng ginawa sakin ni Aljhay. "Dun ka masaya? Edi go, hindi ko ipagkakait ang karapatan mo sa anak natin." Dugtong ko pa. Gulat syang napatingin sakin. Sakto namang lumabas si Yuri, binuhat ko ang anak ko at iniharap sa kanya.

"Baby, say daddy." Sambit ko pa habang naiyak. Si Aljhay naman ay umiyak din at binuhat si Yuri mula sakin. Manghang mangha sya dito.

5years had passed, Ganap na Doctor na ko habang si Aljhay naman ay ganap na ding Engineer. Successful na kami parehas pati nadin sa pamilya. Tinuloy ni Aljhay ang pagpapakasal kay Andrea at tanggap ko na naman yon pero hindi nawala ang pagiging tatay nya kay Yuri.

Hindi lang si Aljhay ang successful sa lovelife dahil sa susunod na buwan ay ako naman ang ikakasal. Finally, nahanap ko ang lalaking tatanggap ng buo sakin kahit na may anak na ko.

Naging successful kaming parehas kahit hindi na sa piling ng isat isa. Minsan akala natin, sya na ang makakasama natin hanggang dulo ngunit magiging parte lang pala sya ng nakaraan mo.

Masaya na kami sa pareho naming pamilya at wala na kaming mahihiling pa.


WAKAS.

One Shots CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon