4

30 1 0
                                    

LAST NIGHT WITH HIM


"Ano ba Kyler! HAHAHAHAHAH!" Tuwang tuwa ako habang kinikiliti n'ya ako.

Gusto ko s'yang sipain pero hindi ko magawa dahil natatakot ako na baka kilitiin n'ya ako ng sobra.

"Finally! You look so happy now." Nakangiting saad pa nito habang pinagmamasdan ang itsura ko.

Napatigil naman ako at napatitig sa kanya. Tumatawa s'ya pero agad ding tumigil para titigan ako. Kulay brown ang mata n'ya at kitang kita ito kahit medyo madilim.

"Ang gwapo ko ba? HAHAHAHA." Pang aasar pa nito sabay kindat. Kapal ng muka nito, ah! Napatitig lang naman ako.

"Yabang mo!" Bulyaw ko dito sabay batok. Sumimangot naman 'to agad.

"Arayy ha!" Pagsusungit nito. Niyakap ko naman s'ya agad.

"Thank you, Kyler. Nandyan ka lagi pag iniiwan ako nung kupal na 'yon!" Sabi ko pa sa kanya. Niyakap nya din ako pabalik. Tinutukoy ko ang nobyo kong paulit ulit na akong sinasaktan. Pero ewan ko ba, siguro gano'n talaga pag mahal mo.

"Basta ikaw, Ayessa. Wag ng malungkot, gala nalang tayo bukas, ha?" Pagpapasaya pa nito sa'kin. Tumayo naman ako agad at nagtatalon talon. Gustong gusto kong gumala si Kyler dahil sabay s'ya sa mga trip at kaartehan ko sa buhay.

"Ayieeee. Libre mo, ah? Ikaw nagyaya, 'e!" Sabi ko pa. Aba, mas mabuti na 'yung sigurado.

"Oo na! Adik ka talaga, 'e. San ba tayo gagala?" Tanong nito sabay kuha sa cellphone n'ya. Magwawattpad na naman 'tong kupal na'to. Inagaw ko kaagad cp n'ya at nilusot sa bra ko para hindi n'ya makuha, aba mautak 'ata 'to!

"Give it back to me, Ayessa!" Galit kunyaring sabi pa nito. Umiling naman ako kaagad at ngumiti.

"No no no. Foodtrip muna tayo ngayon. Tsaka bukas gagala tayo ih, kaya bawal kang magpuyat!" Pagsusungit ko pa. Agad naman s'yang tumungo sa direksyon ko at kinurot ang magkabilang pisngi ko.

"Aray ko naman Kyler!" Nakapout kong saad. Hinigit naman n'ya ko papuntang labas at sumakay ng kotse.

"Tara bili tayong pagkain." Sabi nito at nagmaneho na. Tahimik lang kami sa biyahe, s'ya seryosong nagdadrive habang ako naman nagseselfie lang sa cellphone n'ya.

"HOY BABAE TAMA NA 'YAN MAPUPUNO NA NAMAN GALLERY KO SAYO!" Sigaw pa nito sa'kin.

"Osya isasama kita!" Iritang saad ko pa dito at sinama s'ya sa picture. Kahit busy'ng busy s'yang magdrive pinipicturan ko pa din s'ya.

"We're here." Sabi nito at pinagbuksan akong pinto. Gentleman 'to mga pre.

Habang namimili kami ng pagkain nagvibrate ang cellphone ko. Natawag si Andrei, ang manloloko kong Boyfriend. Sinagot ko naman to at medyo lumayo kay Kyler.

"Oh ano na naman ipapaliwanag mo?" Masungit kong tanong dito.

"Sorry Honey. Mag usap tayo please." Pagsosorry pa nito, aba pagkatapos n'ya kong lokohin! Pero marupok ako hehe.

"Osige pupunta ko dyan sainyo." Sabi ko dito. Mahal na mahal ko to kaya keri lang maging tanga. Siguro gano'n naman talaga diba?

"Osige." Sagot nito bago pinatay ang tawag. Hanubayan wala man lang ily ganon?

Lumapit na 'ko kay Kyler.

"Uhh Kyler? Pwede bang bukas nalang tayo magfoodtrip? Mag uusap lang kami ni Andrei ha? Sorry talaga Kyler." Pagpapaalam ko. Lumungkot naman ang muka neto pero agad ding ngumiti.

"Ha? Okay lang, Ayessa. Hahatid kita." Sabi pa nito. Kahit halatang malungkot s'ya ay hinatid pa din ako. Tahimik ang naging biyahe namin.

"Dito nalang ako Kyler. Thank you, ha? Babawi ako bukas. Promiseeeee." Sabi ko dito at niyakap sya at hinalikan sa pisngi bago bumaba.

--
Umaga na ngayon at nag kaayos kami ng Boyfriend ko. Masayang masaya na ko. May date kami mamaya ni Andreiii hihi.

*Ringggg ringggggg*

Nagulantang ako sa ring ng cellphone ko. Si Kyler..

"GOOOODMORNINGGGGG!" Masayang bati ko dito.

"Sunduin na kita dyan? Ang saya mo yata, ah?" Tanong pa nito. Ugh shit may gala nga pala kami, pero may date kami ni Andrei.

Mahirap mang pumili ng sasamahan pero kakabati lang namin ni Andrei.

"Uh? Kyler pwedeng sa ibang araw nalang? Kakaayos lang kasi namin ni Andrei diba? May date kami Kyler. Sorry talaga." Sabi ko pa dito. Hys sorry.

"Kahit ngayong araw lang." Malungkot na saad nito.

"Sorry talaga Kyler." Malungkot sabi dito.

"Okay lang. Enjoy ha? Wag ng sad." Sabi pa nito bago ibaba ang tawag.

Osyaa aamin na nga ako!! Gusto ko si Kyler. Sobra sobra. Pero alam kong mali, Boybestfriend ko s'ya, ayokong masira pagkakaibigan namin at may boyfriend din ako. Ayokong magkagulo kaya mas gusto kong umiwas nalang.

Maya maya sinundo na 'ko ng Bf ko nag gala kami pero hindi ko na ramdam ang saya. Ewan ko ba, biglang nagbago. Siguro dahil paulit ulit na n'ya kong niloloko. Namimiss ko si Kylerr. Hys pero tama na! Kailangan kong umiwas.

"Cr muna ko babe ha?" Paalam ni Andrei, nasa isang restaurant kasi kami. Agad naman akong tumango.

"Sige." Ngiti ko pa dito.

Umalis naman s'ya agad. Pinagpatuloy ko lang ang pagkain ko. Narinig ko namang may tumutunog. Pagtingin ko sa upuan ni Andrei may natawag. Naiwan n'ya siguro. Sinagot ko naman ito dahil baka importante.

"Hello babe? Ano na? Di ka pa ba tapos dyan kay Ayessa? Kala ko ba nakikipagbreak kana lang? Kanina pa ko dito sa labas." Boses ng babae. Pinatay ko kaagad ang tawag at dinala ang gamit ko palabas. Naiiyak ako, ewan ko ba. Nasaktan pa din ako..

Pumunta ako sa bahay nila Kyler. Kumatok muna ako at agad n'yang pinagbuksan. Niyakap ko naman s'ya ng mahigpit. Umiyak lang ako sa kanya ng umiyak. Pinapasok naman nya ko at nagkwento lang ako ng nagkwento.

"Yana wag ng sad, okay? Dito ka nalang matulog mamaya ha? Magsasaya tayo magdamag." Pagpapasaya nito sakin, agad naman akong pumayag. Ilang beses ng tumatawag saken si Andrei pero di ko sinasagot.

*9pm

"HAHAHAHHAAHHAHAA TARANTADO!" Tawa ako ng tawa dito dahil sa kalokohan ni Kyler. Nag wig kasi sya at nagmake up tas nagbakla-baklaan sa harap ko.

"Ang bibig mo Ayessa!" Saway nito sa'kin. Agad ko namang hinataw bunganga ko.

"Sorry hindi na HAHAHAHHAHA." Sabi ko pa. Hinigit naman n'ya ko papuntang rooftop.

Ang ganda. Pag akyat namin bumungad saken ang isang higaan na may mga pagkain. Meron ding mga gitara. Mula dito tanaw na tanaw ang mga bituin na makikinang at ang maliwanag na buwan. Mahangin din dito.

"Ang ganda Kyler. Ngayon lang ako nakaakyat dito." Manghang sabi ko pa.

"Maganda talaga dito. Lagi akong nandito para makapag isip ng ayos. Tara dun higa tayo." Sabi nito at nagtungo kaming kama at humiga. Pinanood namin ang mga bituin.

"Ang sarap naman dito." Saad ko pa. Tahimik ang paligid.

"Alam mo bang gusto kita Ayessa?" Tanong nito na agad kong kinagulat pero hindi pa din ako umimik. "Kala ko hindi kita makakasama ngayon gabi. Pero salamat dahil dininig ni God ang huling ko sa kanya. Ang makasama ka sa huling gabi ko dito." Nakangiting sabi nito. Tiningnan ko naman sya at hinampas.

"Baliw kana talaga!" Sungit pang saad ko.

"Thank you kasi nakilala kita Yana. Thank you." Sabi nito at humarap sakin at inilapat ang labi sa labi ko. Hindi ako pumalag. Hinayaan ko s'yang halikan ako. Tinanggal nya ang labi n'ya sakin at tumitig sa mata ko. "I love you." Nakangiting sabi n'ya at tumulo ang luha sa mata n'ya. Agad ko itong pinunasan.

Umupo ako at kumuha ng pagkain.

"Tara kain tayo Kyler." Sabi ko.

Buong magdamag nagkwentuhan lang kami at nagkulitan. Masayang masaya ako dahil nakasama ko sya ngayong gabi. Sinulit namin ang bawat sandali.

"Tulog na tayo." Pagyayaya n'ya. Agad kaming bumaba sa rooftop at pumunta sa kwarto n'ya. Sanay na kong matulog katabi s'ya kaya walang problema.

"Sleepwell." Sabi pa nito at hinalikan ako sa noo. Niyakap ko naman s'ya at pinikit ang mga mata. Gusto ko na talaga s'ya, hindi ko na pipigilan ang nararamdaman ko.

Nagising ako bigla ng hindi ko malaman ang dahilan. Tumingin ako sa tabi at wala na si Kyler. Tiningnan ko ang orasan sa tabi ng kama, 7:00am. Bumangon ako at hinanap si Kyler baka nagluluto na 'yon.

"Kyler? Gising na 'ko!" Pagsigaw ko pa. Napagpasyahan kong aminin na sa kanya ang tunay kong nararamdaman.

Napuntahan ko na lahat ng sulok ng bahay ngunit wala talaga s'ya. Nasa'n kana? Bumalik ako sa kwarto at nakita ang maliit na box sa may sofa. May kung ano sa'kin na gustong alamin ang nasa loob non.

Lumapit ako don at dahang dahang kinuha at nilapag sa kama. Binuksan ko ito at nakita ko ang mga pictures namin. Sobrang damii. Bawat picture may nakasulat sa likod, ang date kung kelan kinuha ang pic at kung ano ang mga ginawa namin sa araw na 'yon. Napangiti ako. Meron din akong mga stolen shots. Haynako talaga 'to si Kyler. Pagkatapos kong tingnan ang mga pic nakita ko ang cellphone n'ya sa ilalim at may isang letter.

Dear Ayessapot,

Hi Ayessa. Sorry sorry sorry. Hindi dapat ako mainlove sayo pero di ko sinasadya. Thank you dahil nakasama kita sa huling gabi ko sa panahon n'yo. Masaya akong nakilala kita Ayessapot. Wag ng sad ha? Papangit ka nyan JAHAHAHHAHA. Joinks! Sana pagtagpuin tayo ng tadhana sa tamang panahon Ayessa. Ayoko pa sanang lisanin ang panahon na yan, kaso kailangan ko. Minahal kita sa maling panahon at maling pagkakataon. Ako si Kyler Elizalde na paulit ulit nabubuhay sa iba't ibang panahon. At ikaw si Ayessa Roswell na aking minamahal. Antayin mong magtagpo ulit ang landas natin Ayessa, papakasalanan na talaga kita. Mamimiss kita, okay? Antayin mo ko.

-Kyler Pogi

Pagkatapos kong basahin ang letter ay humagulgol na ko. Hindi 'to totoo diba? Iyak lang ako ng iyak. Biglang nagvibrate ang cellphone n'ya. Kinuha ko 'to at agad sinagot.

"Goodmorning." Bati sa'kin. Si Kyler. Sabi na nga ba niloloko lang ako neto e!

"Nakakainis ka! Niloko mo ko!" Pagsusungit ko pa.

"Totoo 'yon, Ayessa. Etong cellphone na to lang ang magiging koneksyon natin. Nasa ibang panahon na 'ko, mamimiss kita." Malungkot na sabi nito.

"Hindi ako naniniwala. Patunayan mo." Sabi ko. Bigla nalang akong napatingin sa harap ko, si Kyler. Nakasuot sya ng magsasakang damit. Nakatapat din sa tenga n'ya ang isang lata.

"Sorry. Babalikan kita pangako." Sabi nito. Tumayo ako at niyakap s'ya.

"Mahal kita Kyler, sobra sobra." Umiiyak ko pang sabi. Niyakap naman n'ya ako at nagsalita.

"Mahal din kita, Binibini ko." Sabi nito at hinalikan ako sa noo. "Hintayin mo ko." Huling salitang narinig ko sa kanya. Pagmulat ko ay wala na s'ya. Umiyak lang ako ng umiyak.

Nakilala ko ang lalaking namumuhay sa iba't ibang panahon. Minahal ko ang lalaking hindi ko kailanman makakasama. Tiningnan ko ang mga litrato namin. Buong araw lang akong umiyak. Kinagabihan napagpasyahan kong umakyat ng rooftop. Umiyak ako don at tiningnan ang mga pic namin. Habang tinitingnan ko ay tumunog ang cellphone ni Kyler. Agad ko itong sinagot.

"Kamusta ang binibini ko?" Tanong nito.

"Miss na kita, Kyler." Umiiyak na namang saad ko.

Nanglulumo na 'ko, gusto ko na s'yang makita. Sana'y sinulit ko 'yung oras na kasama ko pa s'ya.

"Konting hintay pa. Mahal kita." Sabi nito. Napahagulgol naman ako at sumagot.

"Mas mahal kita, maghihintay ako." Sagot ko.

Araw araw nakakausap ko sya pero hindi ko sya nakikita. Sapat ng marinig ang boses n'ya.

'Mahal kita Kyler. Mabuhay ka man ng ilang ulit sana ako pa din. Hihintayin kita.'

The last night with him is still the best memories I've had.

"True love can wait. Love needs patience and trust." I said while watching the stars.

WAKAS.

One Shots CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon