Chapter 1: The Incident

1.3K 152 24
                                    

Arianna's POV



First day of school na bukas, at pupunta na ako sa school namin ngayon dahil ililipat ko na yung mga gamit ko sa dorm. Isa akong transferee sa South High University (SHU) Grade 11 student na'ko ngayon. Nung grade 7-10 kasi ako, sa States ako nag-aral dahil doon naka stay si mommy at daddy. At ngayong senior high school na'ko dito na'ko sa Pilipinas mag i-stay with my Kuya Zach.


ZACHARY MACKENZIE my brother. Super strict niyan at sungit tsk!


"Hoy panget ano ba? Ano bang tinutulala mo diyan baka ma-traffic pa tayo niyan." ayan na at nagsalita na ang magaling kong kuya.


"Heto na nga diba? Tapos na'ko!" masungit na sabi ko sakanya sabay irap.


"Yung mga maleta mo nalagay ko na sa sasakyan. Wala ka na bang nakalimutan?"


"Wala na." badtrip naman kasi e! Hindi kami pwedeng makakalabas ng school kaya kailangan namin mag dorm. Makakalabas lang kami every weekends, vacation, or emergency.


"Tara na baka ma-traffic tayo"


Pumasok na kami sa sasakyan at nag drive na si Kuya papuntang school. Actually kinakabahan ako dahil wala pa akong kakilala doon. Sana naman nice yung mga tao dun huhuhu.


"Huwag ka ngang kabahan diyan, mukha kang tanga." kahit kailan talaga epal 'tong kuya ko na'to! Halata ba na kinakabahan ako?!


"Hindi ko maiwasan e, wala akong kakilala doon kaya normal lang 'to!" masungit na sabi ko


"Tsk! You're overreacting."


Hindi ko nalang siya pinansin. After 30 minutes nakarating na kami sa school. Pagkapasok mo sa mataas na black gate, agad bubungad sayo yung malaki nilang fountain. Tapos sa left and right sides may mga bench. Ang dami na agad ng students grabe, siguro nahanap na nila yung dorm nila kaya pa chill chill nalang sila.


"Bumaba ka na, nababa ko na yung mga gamit mo." naputol yung pag-iisip ko nung binuksan ni Kuya yung pinto ng shotgun seat, nakababa na pala siya. "I'm leaving, just text me if you need something, be a good girl." and hinalikan niya na ako sa noo.


"Yeah, I will. Thanks for the ride. Bye." and ni-wave ko nalang yung kamay ko. Nung hindi ko na makita yung sasakyan niya, huminga na ako ng malalim at pumasok na ako sa loob ng school. Nilabas ko sa backpack ko yung students handbook ko para hanapin yung dorm ko.


"So sa room 244 pala ako." mahinang sabi ko sa sarili ko.


Habang hinahanap ko yung Girls Dormitory nadaanan ko yung Main Building. Grabe ang laki naman, wala pa naman akong 'Sense of Direction' bahala na bukas! Nung makita ko yung Girls Dormitory huminto muna ako sa harap para mapag-masdan ko yung kabuuan. Hanggang 5th floor siya. Sa tabi ng Girls Dormitory, ay yung Boys Dormitory. Bali, sa left side yung sa girls and right side naman yung sa boys. Magkasing laki lang sila, magka-iba lang ng pintura.


Hinatak ko na ulit yung dalawang maleta ko at pumasok na sa loob. Pagkapasok na pagkapasok mo bubungad na sayo yung lobby. Madami ng Girls na nakatambay don, yung iba nagbabasa, yung iba naman nagpho-phone. Tuloy tuloy nalang akong naglakad hanggang sa makapasok ako sa elevator, tsaka ko pinindot yung 3rd floor dahil nandun yung room ko. Pagkalabas ko ng elevator hinanap ko na yung room 244 at binuksan na 'yon. Nabigla ako dahil may dalawang babae na nag-uusap don.


"Uhh, hi?" i said awkwardly tsaka ako ngumiti ng pilit.


"Hello!" they said in unison. They look nice.


Sealed With A Kiss (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon