Chapter 19: Ex

335 72 2
                                    

Cael's POV



Hindi ko na hinayaan pa na magtagal yung pagkakayakap niya sakin, tinulak ko agad siya ng mahina tsaka na'ko tumakbo palabas sa Cafeteria. Narinig ko pa na tinatawag nila ako pero hindi ko na sila pinansin pa, takbo lang ako ng takbo hanggang sa makarating ako sa field. Umupo ako sa ilalim ng puno tsaka ko nanaman naisip yung mga panahon na kasama ko pa siya.




Flashback

Elementary palang kami nila Ethan nung nakilala namin si Amber, grade 5 kami that time. Si Amber yung kauna-unahang babae na naging kaibigan ko. Ang bait-bait niya, matulungin siya. Tapos kapag napapa-away kami nila Ethan siya lagi yung nagiging taga-awat. Hanggang sa maging high school na kami dun ko na-realize na more than friends yung tingin ko sakanya. Pero ayoko pang umamin, natatakot ako na baka kapag umamin ako sakanya baka layuan niya ako bigla. Ayokong mangyari 'yon kaya tinago ko nalang muna sa sarili ko yung feelings ko sakanya.




Hanggang sa mag grade 8 na kami, dumadami na yung mga umaaligid na lalaki sakanya. Kaya pinag-isipan kong mabuti kung aamin na ba ako.



'Umamin ka na Cael! It's now or never!'


Kaya napag-desisyunan ko na umamin na sakanya that day, dahil kapag hindi pa ako umamin baka mahuli ako. Kaya nung uwian na, tinanong ko siya kung pwede ko ba siyang makausap in private, at buti nalang pumayag siya.



"Ano bang sasabihin mo? Mukhang mahalaga yan ah?" tanong niya sakin habang nakaupo kami sa bleachers.



"Uhm..." kinakabahan ako, hindi ko alam kung kaya kong sabihin. Natatakot ako.



"Ano ba kasi yun Cael? Spill it."


Tumingin muna ako sakanya "I like you Amber." seryosong sabi ko. Nakita ko na nagulat siya sa sinabi ko. "It's okay kahit hindi mo'ko gusto but please, huwag mo akong layuan p--"


"I like you too Cael." nanigas ako sa sinabi niya. Parang naubusan ako bigla ng lakas, hindi ako makahinga, sobrang bilis ng tibok ng puso ko.



"Y-you l-li-ke me t-too?" utal- utal na tanong ko sakanya. Nakita ko siyang tumango kaya napangiti ako.


"Gusto kita Cael matagal na, but i'm afraid, i'm afraid na baka kapag nag confess ako sayo layuan mo nalang ako, natakot ako na baka ako lang yung may gusto, natakot ako na baka ma-reject ako. But now i'm happy that you like me too." hindi agad ako nakapagsalita sa sinabi niya. Parehas kami ng naramdaman, at parehas din pala kami ng nararamdaman sa isa't isa.



Simula nung matapos yung araw na 'yon, niligawan ko na siya. Sobrang saya ko dahil gusto din ako ng taong gusto ko. Lalo pa kaming naging close sa isa't isa. Hanggang sa dumating yung araw na sinagot niya na ako sa mismong araw ng birthday ko. Sobrang saya ko nung araw na 'yon. Para sakin nga that's my best birthday gift ever.



Tumagal kami ng ilang buwan. Hanggang sa dumating na yung 10th monthsary namin. As always may surprise ulit ako sakanya, and nagprepare ako ng dinner namin sa bahay. Hindi na kami pumasok nung apat dahil nagpatulong ako sakanila. Habang inaayos pa nila Yuan and Ivan yung table and habang pine-prepare nila Ethan and Felix yung food, tinext ko na si Amber kung nasaan na siya dahil alam kong kanina pa tapos yung klase. Naghintay ako ng ilang minuto pero hindi pa siya nagrereply kaya nakapag-decide ako na puntahan na siya sa school.


Sealed With A Kiss (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon