Arianna's POV
"Mamimiss ka namin girl! Mag-iingat ka lagi dun ha? Huwag mo kaming kakalimutan." niyakap ko agad si Kylie para patahanin siya sa kaiiyak niya.
"Ano ba, hinding hindi ko kayo kakalimutan no! Tsaka kahit araw araw tayong mag video call okay lang. Huwag niyo ring pababayaan yung mga sarili niyo, kayo na ring bahala na magsabi sa iba ha?" sabi ko sakanila tsaka ko sila yinakap ng mahigpit ni Claire. Simula nung sinabi ni Julian yung nangyari about sa dad ko nagpabook na agad ako ng flight. At pare-parehas kaming walang tulog nila Kylie and Claire dahil tinulungan nila akong mag-impake. Si Julian naman aayusin na muna ulit yung mga papers namin sa school dahil sa states na ulit kami mag-aaral dahil kailangan. Kaya mauuna akong pumunta sa states kesa kay Julian.
"All right girls, 4:10 AM na, kailangan na nating ihatid si Arianna sa Airport dahil 5:00 AM yung flight niya." pagkatapos sabihin ni Julian yun kumalas na kaming tatlo sa pagkakayakap tsaka namin pinunasan yung mga luha namin.
"Tara na, baka maiwan ka pa ng eroplano." sagot ni Claire tsaka kinuha yung maleta ko at nauna ng lumabas kaya sumunod na agad kami sakanya.
Tahimik lang yung biyahe namin habang papunta sa airport. Hindi naman matagal yung biyahe kaya nakarating kami agad doon.
"Paano ba yan, see you soon. Mamimiss ko kayong lahat." tsaka ko sila yinakap.
"Mag-iingat ka doon ha? We will miss you." tumango ako sa sinabi ni Claire.
"Kailangan ko ng umalis, tatawagan ko kayo pagdating ko doon."
"Take care. Susunod agad ako." then Julian kissed my forehead.
"B-bye." tsaka ko na sila tinalikuran.
Cael's POV
Simula nung umalis sila Arianna dito hindi parin ako pumapasok sa loob ng bahay. Ilang minuto na silang umalis pero nakaluhod parin ako dito sa labas habang umiiyak. Nasaktan ko yung babaeng mahal ko. Galit na galit ako! Galit na galit ako sa sarili ko!
"Cael please pumasok na tayo sa loob. Ang daming lamok dito." rinig kong sabi ni Amber sa gilid ko pero hindi ko parin siya pinapansin. "Cael let's go." tsaka niya ako hinawakan sa braso pero agad kong tinanggal yun na ikanagulat niya.
"Masaya ka na? MASAYA KA NA BA HA?!!" sigaw ko.
"Cael--"
"ITO YUNG GUSTO MO DIBA?! ITO YUNG GUSTO MONG MANGYARI! YUNG MAGHIWALAY KAMI NI ARIANNA!" pilit siyang lumalapit sakin pero lumalayo ako. "MASAYA KA NA BA HA? ARE YOU F*CKING HAPPY NOW?!" inis na inis ako sakanya. Gusto ko pang sumigaw ng sumigaw pero hindi ko magawa! Bago ko pa siya masaktan pumasok na agad ako sa loob ng bahay namin tsaka ko agad sinarado yung pinto.
"Cael please, let's talk! Open the door please." hinayaan ko nalang siya dun tsaka na'ko umakyat sa kwarto ko. Tinawagan ko agad si Arianna pero hindi niya sinasagot, ilang beses kong tinry hanggang sa i-off niya yung phone niya kaya napabuntong hininga akong humiga sa kama.
Hindi ko namalayan na ilang oras na pala akong nakatitig sa kisame ng kwarto ko, nung tignan ko yung alarm clock ko 5:34 AM na pala. Gusto kong makausap si Arianna. Gusto kong maayos 'tong gulong 'to. Kaya dali dali akong pumasok sa banyo at naligo. Pagkatapos kong mag ayos agad agad akong bumaba pero pagbukas ko ng pinto nakita ko na nakaupo si Amber dun.
BINABASA MO ANG
Sealed With A Kiss (COMPLETED)
RomanceIt was all started when i was 16.... Cover is not mine, credits to the rightful owner. Date Started: May 27, 2020 Date Ended: November 17, 2020 Highest Rank Achieved #1 in sealedwithakiss