Arianna's POV
Kinabukasan ng umaga nagpunta ako sa Pampanga para icheck yung ginagawang company doon. Ilang oras lang yung biyahe at nakapunta na'ko dun. Una akong nagpunta sa office ni Dad para ayusin yung mga pinapagawa niya. Ilang oras akong naka-stay sa office niya at basa lang ako ng basa ng mga papers na nandoon. Nung nakaramdam ako ng bored lumabas na'ko ng office ni dad tsaka nagpunta sa ginagawang part ng company.
Nakita ko na maraming nagtatrabaho dun kaya naglakad lakad ako para tumingin tingin. May mga trabahador na bumabati sakin kaya tinatanguan at nginingitian ko nalang sila. Napatigil ako sa paglalakad nung may humawak sa braso ko kaya agad ko 'yong nilingon.
"Kung gusto mong magtingin tingin dito huwag mong kalilimutang isuot 'to." pakita ni Cael ng hard hat sakin. Kukunin ko na sana pero natigilan ako nung siya yung nagsuot sakin nun dahilan para maamoy ko yung pabango niya dahil sa sobrang lapit niya. "It's for your safety."
"T-thank you." usal ko pagkatapos niyang ikabit 'yon tsaka na'ko tumingin sa ibang direksyon. Hindi ko alam pero bigla akong nahiya sakanya sa hindi malamang dahilan. Ang engot mo naman kasi Arianna e.
Nagsimula na ulit akong maglakad lakad para tignan yung ginagawa ng mga nagtatrabaho dun. "Ilang months pa bago matapos 'to?" tanong ko kay Cael dahil naramdaman kong sumusunod siya sakin at para mabawasan din yung awkwardness.
"Mga 7 months nalang siguro tapos na'to." tumango tango ako sa sagot niya. "Anong oras ka nagpunta dito?" liningon ko siya dahil sa tanong niya, saktong paglingon ko nagtama agad yung paningin namin kaya agad din akong nag-iwas.
"Mga around 10:30 siguro ako nakadating." agad na sagot ko.
"Did you eat lunch?" hindi agad ako nakasagot sa tanong niya. Shit, anong oras na ba? Bakit hindi ako nakaramdam ng gutom? "Don't tell me na hindi ka pa kumakain? 3:00 PM na."
"N-nakalimutan ko e."
"Nakalimutan mo?!" nabigla ako nung medyo tumaas yung boses niya.
"May g-ginawa kasi ako sa office ni dad kaya hindi ko namalayan yung oras."
"Alam mo bang masama magpalipas ng gutom ha? Tapos ikaw ginagawa mo par--"
"Teka, why are you shouting?" putol ko agad sa sinasabi niya kaya nakita ko din na natigilan siya sa tanong ko. "Sinabi ko ngang hindi ko namalayan yung oras diba?"
"I'm sorry." tinignan ko lang siya saglit tsaka na'ko naglakad paalis doon.
"Bakit niya ba ako sinisigawan? Ginagawa niya nanaman yung mga ginagawa niya dati nung kami pa. Nakalimutan niya bang hindi niya na'ko girlfriend? Kung magalit naman siya dahil lang nalipasan ako ng gutom akala mo boyfriend ko! Daig niya pa si Kuya Zach e." bulong ko sa sarili ko. Lakad lang ako ng lakad hanggang sa narinig kong tinawag ako ni Cael kaya huminto ako at dahan dahan siyang nilingon.
"Arianna wait!"
"Kung papagalitan mo nanaman po ako dahil hindi po ako nakakain sa tamang oras, pasensiya na po Engineer Lee. Ngayon palang po ako kakain." agad na bungad ko sakanya. Nakita ko na natawa siya sa sinabi ko kaya kinunutan ko siya ng noo.
"I'm sorry na nga po diba ma'am?" ako naman ngayon yung natawa. Hindi ko alam pero natawa ako sa pagtawag niya ng ma'am. Oo nga pala boss niya ako ngayon dahil anak ako ng pinagtatrabahuhan niya.
BINABASA MO ANG
Sealed With A Kiss (COMPLETED)
RomanceIt was all started when i was 16.... Cover is not mine, credits to the rightful owner. Date Started: May 27, 2020 Date Ended: November 17, 2020 Highest Rank Achieved #1 in sealedwithakiss