Arianna's POV
After ng fieldtrip namin naging busy kami sa pagrereview. Wala akong ibang ginawa nung weekends kung hindi magreview. Actually nagpunta samin si Julian nung Saturday, sabay kaming nagreview. And kinuwento ko na din sakanya kung paano ko naging close sila Cael and yung iba pa. And nung Sunday afternoon naman sinundo ako ni Cael samin dahil sabay kaming pumunta sa school. Hanggang ngayon nga hindi parin ako makapaniwala na kami na.
And today is Monday, today is our exam. 4:00 AM palang bumangon na'ko kasi magrereview ako ngayon. May nagsabi kasi sakin na mas magandang magreview kapag bagong gising dahil mas active daw yung brain cells natin kapag bagong gising tayo, kaya ayun sinunod ko yung sinabi niya haha.
Nung 6:00 na nag- ayos na'ko dahil 7:00 AM yung pasok namin. And nung 6:35 na nagpunta na kami nila Claire sa Cafeteria para mag-breakfast.
***
Natapos agad ako sa exam namin kaya kailangan ko ng lumabas. Nagpaalam muna ako sa mga kaibigan ko bago ako lumabas ng room, sinabi ko na itext nalang nila ako kapag tapos na sila. 11:15 palang kaya tatambay muna ako sa dorm. Nung lalabas na sana ako sa pinto bigla akong tinawag ng adviser ko.
"Arianna?" tawag sakin ng teacher ko kaya nilapitan ko siya. "Can you give this to the guard?" abot niya sakin ng brown envelope kaya kinuha ko agad yun.
"Sure ma'am, no problem."
"Thank you."
"You're welcome ma'am." nakangiting sabi ko sakanya tsaka na'ko lumabas ng room. Agad akong lumabas ng building namin tsaka na'ko nagpunta sa may entrance para ibigay sa guard 'tong pinabibigay ni Mrs. Aguilar. Nung malapit na'ko sa may gate biglang nag-ring yung phone ko kaya agad kong kinalkal yung bag ko habang naglalakad hanggang sa may mabunggo ako.
"Shit! Sorry sorry! Hindi ko sinasadya." nasabi ko kaagad habang pinupulot yung mga gamit ko na nahulog.
"Sorry din, di kasi ako nakatingin e." tsaka niya ako tinulungang pulutin yung mga gamit ko.
"Sorry talaga ha? Hindi rin ako nakatingin e." sabi ko sakanya nung nakatayo na kami. Ngayon ko lang siya nakita dito ah. "Bago ka lang dito?"
"Here." abot niya nung brown envelope sakin kaya kinuha ko yun. "Yup, transferee ako. Actually ngayon lang ako papasok and naliligaw pa'ko."
'Bakit parang dumadami yung mga transferees?'
"Ah ganun ba? Paano niyan e ngayon yung exam. Ngayon ka din ba mag-eexam?"
"Yeah, mamayang hapon pa sabi sakin." sagot niya. Ah so, after namin magtest mamayang hapon siya naman. Hirap naman nun, siya lang mag-isa wala siyang makokopyahan charrrr HAHAHAHAHA.
"Saan ka ba pupunta niyan? Tulungan na kita." pag ooffer ko sakanya.
"Really? Oh, thank God! Sa dorm ako pupunta e, saan ba yun?"
"Sige sabay na tayo, doon din ako pupunta e. Pero wait lang iaabot ko lang 'to dun sa guard." sagot ko sakanya tsaka ako tumakbo papunta sa guard and binigay sakanya yung pinabibigay ni Mrs. Aguilar. "Let's go?" aya ko sakanya tsaka na kami nagsimulang maglakad.
"Why are you here pala? Hindi ka ba mag-eexam?" tanong niya.
"Tapos ko na e, kaya pinalabas na'ko. Bale hihintayin ko lang yung mga kasama ko na matapos, tapos mag-lulunch na kami. And after lunch test ulit." paliwanag ko sakanya.
BINABASA MO ANG
Sealed With A Kiss (COMPLETED)
RomanceIt was all started when i was 16.... Cover is not mine, credits to the rightful owner. Date Started: May 27, 2020 Date Ended: November 17, 2020 Highest Rank Achieved #1 in sealedwithakiss