Chapter 10: Comeback

440 106 11
                                    

Arianna's POV

Nandito kami ngayon sa cafeteria nila Kylie and Claire, lunch time kasi namin. Hanggang ngayon inaantok parin ako. 10:00 PM nalang kasi kami naka-uwi, napahaba yung kwentuhan namin. Mabait nga si Dianne, sobrang jolly niya, sayang nga nagbreak sila ni Ethan e, bagay pa naman sila. And by the way, nagkausap na nga pala kami ni Ethan kagabi about saamin.





Flashback

Habang nagkwe-kwentuhan kaming 9 dun sa table namin nagpaalam muna ako na magpapahangin lang ako. Pumunta ako sa labas ng gate tsaka ako sumandal sa sasakyan ni Cael, pinag masdan ko yung mga bituin.

"Hey, anong ginagawa mo dito? Di ka ba nilalamok?" sabi ni Ethan na nasa tabi ko na din pala.

"Hindi naman, nagpapahangin lang. Ikaw? Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sakanya.

"May sasabihin kasi ako sayo." sabi niya kaya napalingon ako sakanya.

"Ako din may sasabihin ako sayo." sabi ko sakanya. Sasabihin ko sakanya na gusto ko na rin siya. "Pero mauna ka na." nakangiting sabi ko.

"Balak ko ulit ligawan si Dianne." nabigla ako sa sinabi niya. May part sa dibdib ko na sumakit. Ano pa bang magagawa ko e bagay naman talaga sila, sayang din yung 2 years na pinag-samahan nila.

"Ah ganun ba? Narinig ko nga kay Ivan na naging kayo pala. Bagay kayo." nakangiting sabi ko sakanya, pero deep inside medyo masakit.

'Bakit ba kasi ngayon pa? Ngayon pang gusto na rin kita?'

"Hindi ka ba galit sakin?" mahinang tanong niya.

"Hindi, bakit naman?"

"K-kasi sinabi ko na gusto kita."

"Okay lang, di mo naman mapipigilan yan e." pilit na ngiting sabi ko sakanya.

"Thank you." nakangiting sabi niya sakin. "Ano pala yung sasabihin mo?"

'Gusto kita'

Gusto kong sabihin yan pero di ko magawa, bakit ko pa sasabihin e hindi na pala niya ako gusto? Di naman ako martyr!

"May iba akong gusto." pagsisinungaling ko. Nakita ko na nagulat siya sa sinabi ko pero inayos niya din agad yung sarili niya.

"Ang swerte niya kasi nagustuhan mo siya." nakangiting sabi niya sakin, kaya nginitian ko nalang siya ng pilit.

'Oo nga e, ang swerte mo pero ang malas ko.'

"Oh sige na, papasok na'ko baka hinahanap na'ko ni Dianne. Pumasok ka na rin ah."

"Sige, maya-maya." sagot ko sakanya. Nung wala na siya bigla nalang tumulo yung luha ko sa kabilang pisngi ko.

Traydor kang luha ka.

Pinunasan ko agad yon kasi baka may makakita sakin. Pero bigla nalang nagtuloy tuloy yung pagtulo nila.

Napatigil ako sa pagpunas nung may nag-abot ng panyo sa harap ko, kaya kinuha ko yon.

"Okay ka lang?" tanong ni Cael sakin nung maka-upo siya sa tabi ko.

"Napuling lang ako, ang sakit sa mata." pagpapalusot ko.

"Tsk, narinig ko lahat." nabigla ako sa sinabi niya kaya tinignan ko siya.

Sealed With A Kiss (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon