AN:
Happy 600+ reads sa loob ng 1 month guys! Luv yahh <3
Enjoy reading ;)
Arianna's POV
10 minutes na akong palakad lakad sa buong campus! Kanina ko pa kasi hinahanap si Cael. Hanggang ngayon hindi ko parin siya mahanap.
'Bakit ba kasi kailangan ako yung sumundo? Ano bang trip ng lalaking 'yon at naisipan niyang mag walk out?! Tsaka anong nagselos yung pinagsasabi ni Ethan?! Tsk! Saan ko ngayon hahanapin yung lalaking 'yon??"
Nung mapagod ako kakalakad pumunta muna ako sa cafeteria tsaka bumili ng inumin. Nauuhaw na'ko kanina pa'ko naglalakad! Ang init panaman. Nung maubos ko na yung inumin ko naglakad ulit ako papunta sa building namin, i-che-check ko yung rooftop dahil baka dun lang siya nagpunta.
'Badtrip! Bakit ba kasi hindi ko naisip agad yung rooftop?! Malamang dun lang tatambay yung lalaking yun. Lagot ka talaga sakin Cael kapag nahanap kita!'
Tinakbo ko yung hagdan tsaka ako tumakbo sa hallway papuntang rooftop. Kaya nung makarating ako dun hingal na hingal ako.
Pagkalabas ko sa rooftop nakita ko siya na nakahiga sa bench habang nakapatong yung isa niyang kamay sa mga mata niya.
'Kanina pa'ko naghahanap tapos natutulog lang pala siya dito?!'
"HOY CAEL!!" sigaw ko sakanya kaya napa-upo siya sa gulat. "ALAM MO BANG KANINA PA KITA HINAHANAP TAPOS NANDITO KA LANG PALA, NATUTULOG?!!" sigaw ko habang lumalapit ako sakanya.
"Tss, sino bang nagsabi sayo na hanapin mo'ko?" cold na pagkakasabi niya.
Nagulat ako sa way ng pagsasalita niya ngayon, parang yung time na una kaming nagkita ang cold ng boses niya.
"A-ano ba kasing trip mo? B-bakit nag walk out ka?" kinakabahang tanong ko sakanya, di ko alam kung bakit ako kinakabahan. Masyado kasi siyang cold ngayon.
Imbis na sagutin niya ako, tumayo siya tsaka niya ako nilagpasan. Kaya hinabol ko siya tsaka ko siya hinawakan sa kamay niya.
"Ano bang problema mo ha?! Kinakausap kita tapos tatalikuran mo'ko?!" inis na tanong ko sakanya.
"Ikaw?! Anong problema mo? Natutulog ako dito tapos dadating ka tsaka mo'ko sisigawan?!" napa-atras ako sa sigaw niya, kaya nabitawan ko yung kamay niya.
"A-ano bang n-nangyayari s-sa--yo?"
"Ikaw yung problema ko Arianna! Nakakainis ka!" sigaw niya sakin.
"Bakit ako? Ano bang ginawa ko sayo ha?! As far as i know wala akong ginawa sayo! Basta bigla ka nalang nag-dabog kanina tsaka ka na nag-walk out! Tapos ngayon sasabihin mong ako yung nakakainis?! Ako yung badtrip dito Cael! Kanina pa'ko pa-ikot ikot sa lintik na campus na'to dahil sabi sakin ni Ethan hanapin daw kita kasi nagselos ka daw! Tapos ngayon sisigawan mo pa'ko?! Ano bang problema mo?!!" sigaw ko din pabalik sakanya, hingal na hingal ako after ko sabihin 'yon! Sobrang naiinis ako!!
BINABASA MO ANG
Sealed With A Kiss (COMPLETED)
RomanceIt was all started when i was 16.... Cover is not mine, credits to the rightful owner. Date Started: May 27, 2020 Date Ended: November 17, 2020 Highest Rank Achieved #1 in sealedwithakiss