Claire's POV
Simula nung makilala namin ni Kylie si Arianna naging masaya kami lalo, dahil naging trio na kami. Pero nung makilala naming tatlo yung grupo nila Cael nagbago lahat yung buhay namin. May nasaktan at nasasaktan, may masaya, may malungkot, at may umasa at umaasa. Well, ganyan talaga ang buhay. Hindi puro saya, kailangan balance.
Gaya ngayon, malungkot ako at nasasaktan ako. Why? Kasi kaka confessed ko lang sa taong gusto ko na wala naman palang gusto sakin. Simula dati nung hindi pa close yung barkada nila samin lagi ko na siyang napapansin. Lagi ko siyang pinagmamasdan ng palihim. Hanggang sa naging close na yung barkada nila samin. Sabi ko sa sarili ko na This is it! Magiging close na rin tayo! And ayun na nga! Naging close kami. Lagi niya akong pinapansin, lagi niya akong sinasamahan, hanggang sa lalo akong na fall sakanya. Kaya nagdecide ako na umamin na sakanya sa rooftop kanina. Ang saya ko kasi finally aamin na rin ako sakanya. Excited ako na kinakabahan kanina. Pero pagkatapos ng confession na yun ang sakit! Ang sakit sakit! Akala ko may gusto rin siya sakin, pero akala ko lang pala.
FLASHBACK
Nakita ko siya sa hallway nun kasama yung mga barkada niya kaya tinawag ko siya, lumingon naman agad siya sakin tsaka lumapit.
"Bakit ka napatawag?" tanong niya pagkalapit sakin.
"Pwede ka bang makausap? In private sana." nahihiyang sabi ko. Baka kasi may makarinig kapag dito ako nag confess.
"Sure. Sa rooftop nalang?" tumango naman ako tsaka kami sabay na naglakad. Habang papalapit kami ng papalapit sa rooftop sobra sobra yung kaba ko.
"Anong sasabihin mo Claire? Mukhang seryoso yan ha?" natatawang sabi niya. Nakita ko nanaman yung ngiti niya kaya kahit papaano nawala yung kaba ko.
"I like you Felix. Simula dati may gusto na'ko sayo. Hindi pa tayo close may gusto na'ko sayo. I hope that you feel the same." diretsong sabi ko. Nakita ko na nag-iba yung facial expression niya kaya bigla akong kinabahan. Hindi na siya nakangiti ngayon.
Tinignan niya ako ng seryoso bago magsalita.
"Don't."
BINABASA MO ANG
Sealed With A Kiss (COMPLETED)
RomanceIt was all started when i was 16.... Cover is not mine, credits to the rightful owner. Date Started: May 27, 2020 Date Ended: November 17, 2020 Highest Rank Achieved #1 in sealedwithakiss