Chapter 36: His Side

364 60 3
                                    

Cael's POV



Simula nung bumalik na ulit siya dito sa Pilipinas hindi ko na tinanggal yung dalawang mata ko sakanya. Everytime na nakikita ko siya agad ng tititig yung dalawang mata ko sakanya. Minsan nga natatanong ko sa sarili ko na ano kayang pinakain niya sakin at patay na patay ako sakanya?



The first time I saw her beautiful face under the tree I know that something is wrong with me pero hindi ko lang 'yon pinansin. Hindi ko sinasadya na matamaan siya ng raketa that time but I'm thankful. Dahil dun nagkakilala kami.



"Kala mo naman ang pogi mo! Mukha ka namang pusit!" kapag naaalala ko 'yang sinabi niya napapangiti nalang ako ng hindi ko namamalayan. Dapat nga magalit ako dahil pinagkumpara niya yung mukha ko sa pusit pero hindi e. I love it. Nagpanggap ako na galit ako and I warned her. Binantaan ko siya na tandaan niya yung pagmumukha ko. Kaya ko siya binantaan para may chance pa'ko na makausap at makalapit sakanya kaya ko siya pilit na inaasar. Pero hindi ko alam na sa ginagawa kong 'yon, lalo pa'kong mahuhulog sakanya.




Hanggang sa nagpatulong ako sa mall sakanya para bumili ng regalo para kay mom kahit na may nabili na'ko. I just want to spend time with her. For me it's a date. As long as she's with me.



Hanggang sa nalaman ko na gusto niya si Ethan. I want to punch Ethan at that time for making my woman cry. Pero hindi pwede dahil hindi nila alam na gusto ko si Arianna. Kaya sinabi ko sa sarili ko na "Fine! Kailangan maiba ako!" Kung gusto niya si Ethan dapat mahigitan ko 'yon. Dapat Mahal niya ako, hindi sapat sakin na gusto niya lang ako. Dapat Mahal niya'ko. Hanggang sa naging kami na. The feeling is mutual. Hindi nalang ako yung nagmamahal saming dalawa. Parehas na naming mahal yung isa't isa.




But I'm a jerk! A total jerk! Sinaktan ko yung babaeng mahal ko! Nagsinungaling ako sakanya kaya iniwan niya'ko. Kaya sinabi ko sa sarili ko na kapag bumalik siya I'm going to make her fall in love with me again. Ilang beses ng may pinakilala yung mga magulang, kaibigan, katrabaho ko sakin na ibang babae but I refused. Kung hindi si Arianna huwag na. Ilang taon kong hindi narinig yung magandang boses niya, ilang taon kong hindi nakita yung mala-anghel niyang mukha. Ilang taon ko ring ipinagdasal na sana wala pa siyang iba. I know I was selfish, but can you blame me? I love her. I love her so damn much!




Pero mukhang tapos na nga talaga kami. Nung mga oras na hinalikan niya si Julian sa harap ko, alam kong wala na talaga akong pag-asa. I can't blame her. Hindi ko siya masisisi dahil hindi niya kasalanang magmahal ng iba at hindi niya kasalanan na hindi niya na'ko mahal. Kaya kahit na masakit pinakawalan ko na siya. Alam kong hindi siya sasaktan ni Julian kaya kahit papano panatag yung loob ko.




Nagising ako ng masakit yung ulo ko at likod. Kaya umupo ako at nilibot yung paningin ko habang nakahawak sa ulo ko. Hindi ko alam na dito na pala ako nakatulog sa sofa.





"Yan! Inom pa sige!" liningon ko si Ivan nung narinig ko yung boses niya. Pababa siya ng hagdan habang sila Felix at Yuan nakasunod sa likod niya.




"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ko sakanila tsaka ko pinulot yung mga bote ng alak na pakalat kalat sa sahig.





"Tinawagan kami ni Amber kagabi. Paano lasing na lasing ka daw umuwi kagabi sabi ng katulong niyo kay Amber kaya pinuntahan ka niya. Pero hindi ka niya kinaya kaya pinapunta niya kami." sagot ni Yuan tsaka padekwatrong umupo sa single sofa.




"Aish, napuyat ako sayo! Ngawa ka ng ngawa kagabi!" tinignan ko si Felix dahil sa sinabi niya. Kinunutan ko siya ng noo. "Oh? Ano? Huwag mong sabihin na hindi mo maalala?" Hindi ako sumagot sakanya dahil hindi ko nga alam kung ano yung mga pinanggagawa ko kagabi. Basta alam ko lang lasing na lasing ako.




Sealed With A Kiss (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon