Arianna's POV
"Hey? Are you sure you're okay? Kaya mo bang pumasok?" worried na tanong ni Kylie sakin.
"I'm okay, sipon lang 'to." sagot ko nalang sakanya habang naglalakad kami papunta sa room.
Kaninang nagising kasi ako ang sama na ng pakiramdam ko. Feeling ko lalagnatin ako, pero ayokong umabsent kasi kasisimula lang ng klase. Pagkapasok namin sa room nakita ko ng naka-upo si Cael dun sa upuan niya. Umupo na din ako sa pwesto ko tsaka nag nap.
Nung pumasok na yung teacher namin, umayos na'ko ng upo tsaka ako nakinig sa discussion. Ganun din sa mga sumunod pang subjects. Pero nung last period na ng morning class nakaramdam ako ng lamig kaya yinakap ko yung sarili ko.
'Nilakasan ba nila yung aircon?'
"Hey, are you cold?" tanong ni Cael sa'kin. Ano namang nakain nito at mukhang concern? Pero wala na akong balak makipagtalo sakanya kasi kailangan ko na talaga ng jacket.
"May jacket ka bang dala?" tinignan niya muna ako sandali tsaka siya naghanap sa bag niya. Nung nakita niya na, inabot niya sakin.
"Thanks." pagkabigay niya sinuot ko na yun agad. Hoodie siya na color black at may pocket, kaya dun ko nilagay yung dalawang kamay ko.
"Are you sick? You look pale."
"Why? Are you concern?" tanong ko sakanya.
"Of course not! Malay ko ba na may sakit ka tapos mahawa mo pa'ko."
Di ko nalang siya pinansin dahil baka mahuli pa kami ng teacher namin na nagdadaldalan.
Nang sumapit yung lunchtime di na'ko sumama kila Claire kasi wala akong gana kumain. Nagpabili nalang ako ng mineral water sakanila kapag aakyat na ulit sila dito sa room.
Dahil lunchbreak, naiwan ako mag-isa dito sa room. 1 hour yung lunchbreak kaya iidlip muna ako.
***
Nagising ako nung may yumugyog sakin.
"Ann ito na yung tubig mo." abot ni Kylie ng mineral water sakin.
"Thank you." kinuha ko yon tsaka ko agad inubos.
"Sure ka bang okay ka lang? Gusto mo hatid ka na namin sa clinic?" nag-aalalang tanong ni Claire sakin.
"Okay lang ako. Last three subjects nalang rin naman e, kaya ko pa." nakangiting sabi ko para di na sila mag-alala.
"Sure kang okay ka lang?" tanong ni Ethan. Kaya napalingon ako sakanya.
"Okay lang nga ako." natatawang sabi ko.
'Actually di ok, ang bigat ng pakiramdam ko'
Nung pumasok na yung next teacher namin nagsi- ayos kami ng upo. Medyo hindi na ako nakapag focus sa mga sumunod na subjects kasi nahihilo na'ko tapos naiihi pa. Tapos yung mas badtrip pa dun nag over time pa 'tong last period namin. Halos nagsilabasan na yung ibang estudyante, samantalang kami nakatanga parin sa dinidiscuss ng teacher sa harapan.
After ng ilan pang minuto nag class dismissed na, kaya agad nagsi-labasan yung mga classmates ko.
"Grabe 30 minutes siyang nag overtime!" rinig kong sabi ni Claire kay Kylie.
BINABASA MO ANG
Sealed With A Kiss (COMPLETED)
RomanceIt was all started when i was 16.... Cover is not mine, credits to the rightful owner. Date Started: May 27, 2020 Date Ended: November 17, 2020 Highest Rank Achieved #1 in sealedwithakiss