Arianna's POV
Nagising ako sa ingay kaya binuksan ko yung mga mata ko. Ang sama parin ng pakiramdam ko pero pinilit ko paring umupo, nung makaupo ako nakita ko yung lima kaya nagtaka ako.
"Nasaan ako? Bakit nandito ako?"nanghihinang tanong ko sakanila.
"Nakita kita kanina sa hallway na nahimatay. Dahil 'di ko alam yung dorm mo dito na kita dinala." sagot ni Cael sa'kin.
"Ganun ba? Thank you ah. Pero kailangan ko ng umalis baka hinahanap na'ko nung dalawa." aalis na sana ako pero pinigilan nila ako.
"No, stay here. It's raining outside." sabi ni Ethan.
"Dito ka na matulog, aalagaan ka naman ni Cael e." natatawang sabi ni Ivan kaya tinignan siya ng matalim ni Cael.
"Mukhang di ka pa ok kaya magpahinga ka muna." sabi ni Yuan.
"Call mo nalang sila." suggest naman ni Felix.
"Mahiga ka na diyan, heto yung phone mo." abot ni Cael sa phone ko.
Kinuha ko yun tsaka ko inopen, pagka- open ko puno ako ng missed calls tsaka texts sa dalawa kaya tinawagan ko agad si Kylie.
Pagkasagot niya agad akong napangiwi sa sigaw niya.
[My ghad Ann! Where the hell are you?!]
"S-sorry nahimatay kasi ak-" di ko natuloy yung sinasabi ko kasi sumigaw ulit siya.
[What?! So nasaan ka ngayon? Kanina ka pa namin hinahanap ni Claire.]
"Ah ano... Nandito ako kila Cael. Siya yung nakakita sakin sa hallway kanina."
[Really? So how are you? Ok ka na ba?]
"Uhm masama pa yung pakiramdam ko e."
[Ganun ba. Sige magpahinga ka na, ako na bahala magsabi kay Claire.]
"Sorry ulit." guilty na sabi ko.
[It's ok. Get well soon. Huwag ka na pumasok bukas kami ng bahala magsabi ni Claire sa mga teachers natin, bye.]
"Thanks, bye." then the call ended. Pagkababa ko ng phone ko nagsalita agad si Cael.
"Kukuha lang ako ng pagkain sa baba, dito ka na kumain, baka mamaya mahilo ka nanaman. Kayong apat tara na." nung lumabas na siya ng pinto sumunod na sakanya yung apat.
Nung makalabas sila sumandal ako sa headboard ng kama tsaka ko tinignan yung buong kwarto.
"So kwarto pala ni Cael 'to." sabi ko nung makita ko yung family picture na nakapatong sa side table."Solong anak pala siya."
Napalingon ako sa pinto nung pumasok si Cael na may bitbit na bed table tapos nandun na yung pagkain. Tsaka niya pinatong sa kama.
"Kumain ka na tsaka ka uminom ng gamot." sabi niya tsaka siya umupo sa sofa.
BINABASA MO ANG
Sealed With A Kiss (COMPLETED)
RomanceIt was all started when i was 16.... Cover is not mine, credits to the rightful owner. Date Started: May 27, 2020 Date Ended: November 17, 2020 Highest Rank Achieved #1 in sealedwithakiss