Arianna's POV
"May susuotin na ba kayo sa Sunday?" tanong ni Kylie sa'min ni Claire. Nasabi ko na kasi sakanila na invited kami sa birthday celebration ng mommy ni Cael. And it's Friday now, 5 days na rin yung nakakalipas simula nung mag confess si Ethan sakin. Nandito kami ngayon sa dorm and hinihintay na mag 6:00 PM para mabuksan na yung gate ng
school."Yup, meron na'ko." tamad na sagot ko.
"Meron na rin ako." sagot ni Claire.
"How about gifts?" tanong nanaman ni Kylie.
"Yup, bumili na rin ako nung day na nagpatulong si Cael." sagot ko ulit sakanya.
"How about you Claire?" tanong ni Kylie kay Claire.
"Wala pa e. Ikaw ba?"
"Great! Wala pa din ako! Bumili na kaya tayo ngayon? Let's go sa mall!" parang batang sabi ni Kylie.
"G ako, ikaw Ann?" tanong ni Claire sakin kaya napatingin din si Kylie sakin tsaka nag puppy eyes.
"Pretty please?" nagpapa-cute na sabi niya pa sakin.
Wala rin naman akong gagawin sa bahay kaya sasama nalang ako.
"Fine." bored na sagot ko.
"Yaayyy! Great! Tara na bumaba na tayo malapit na mag open gate." excited na sabi niya.
"Wait! Magpalit muna tayo ng damit! Naka PE pa tayo e." sabi ko sakanila.
"Osige sige mauna na'kong magpapalit." nagmamadaling sabi ni Kylie tsaka siya pumasok sa banyo.
"Tsk, parang bata." natatawang sabi ni Claire.
Umupo muna ako sa kama ko tsaka ako nagtext kay Kuya na di ako makakauwi ng maaga. Di niya rin naman kasi ako masusundo kasi busy daw siya kaya magtataxi nalang ako pauwi. Naghanap muna ako ng damit na isusuot ko tsaka na'ko pumasok sa banyo after lumabas ni Kylie. Nagsuot lang ako ng maong shorts tsaka white shirt, di ko na pinalitan yung white rubber shoes na suot ko kanina sa PE, pinonytail ko lang yung buhok ko tsaka na'ko lumabas sa CR.
Pagkalabas ko sa CR nabigla ako kasi nakabihis na din si Claire.
"Diyan ka nagbihis?" gulat na tanong ko sakanya.
"Oo, e paano nagmamadali 'tong babaita na'to!" turo niya kay Kylie.
"Wala namang masama e. Tayo tayo lang naman dito!HAHAHAHA. Tara na nga!" tumatawang sabi ni Kylie.
Kinuha ko na yung Duffel Bag ko tsaka ko na sinabit sa balikat ko tsaka na kami naglakad palabas ng dorm.
"Ano ba yan Ann! Naka pang alis ka nga, pero may duffel bag ka naman na bitbit! Mukha kang galing sa practice! HAHAHAHA" tumatawang sabi ni Kylie kaya natawa din kami ni Claire.
"Di ko naman pwedeng iwan e, maduduming damit ko'to tsaka uniform, ipapalaba ko'to agad syempre." pagde-defend ko sa sarili ko.
"Dapat uniforms nalang na muna yung dinala mo tsaka mo nilagay sa bagpack." suggestion ni Kylie.
"So ako pa mag a-adjust? Sino bang nagyaya ha?" tanong ko sakanya.
"Oh ano ka ngayon?" natatawang sabi ni Claire kay Kylie.
"Sabi ko nga." mahinang sabi ni Kylie. Natawa nalang kami ni Claire sakanya.
Nung makalabas na kami sa school nag-abang agad kaming tatlo ng taxi. Nung makasakay kami sinabi namin agad yung mall na pupuntahan namin, tsaka na nagdrive yung driver. After lang ng ilang minuto nasa mall na kami.
BINABASA MO ANG
Sealed With A Kiss (COMPLETED)
RomanceIt was all started when i was 16.... Cover is not mine, credits to the rightful owner. Date Started: May 27, 2020 Date Ended: November 17, 2020 Highest Rank Achieved #1 in sealedwithakiss