Arianna's POV
"I want to see him." napabangon yung dalawa sa sinabi ko.
"Nasisiraan ka na ba? 11:00 PM na!"
"Please, gusto ko siyang makausap, gusto kong itanong kung nagkabalikan na ba sila. Ang daming tanong sa isip ko, gulong gulo na'ko!" nahihirapang sabi ko.
"Pero sabi ng Kuya mo huwag kang aalis dito. Magpahinga ka muna, kung gusto mo bukas nalang natin siya puntahan. Huwag lang ngayon please Arianna."
"Okay fine! Kung ayaw niyo akong samahan ngayon ako nalang mag-isa yung pupunta doon!" sabi ko sakanila tsaka na'ko tumayo.
"Okay, okay, okay! Sasamahan ka na namin, wait lang." nagmamadaling sagot ni Kylie tsaka na rin sila tumayo.
"Gigisingin ko lang muna si Julian." pinigilan ko agad si Claire sa paglabas niya sa pinto.
"Don't. Tayong tatlo nalang. For sure di papayag si Julian." nagtitigan muna kami ni Claire bago siya tumango. "Thanks."
Dahan dahan kaming tatlo na lumabas sa kwarto ko. Pinipilit namin na huwag gumawa ng ingay dahil malapit lang yung guest room sa kwarto ko. Nung makababa na kami nagmadali kaming lumabas tsaka ko dahan dahan na binuksan yung pintuan.
"Nandito yung kotse ni Kuya. Sinong magda-drive?" bulong ko sakanila.
"Hindi ako marunong magdrive." bulong ni Kylie kaya napapikit ako. Tinignan ko si Claire at nakatingin din siya samin ni Kylie. Umaasa ako na sana marunong siyang magdrive.
"Fine ako na." sagot niya tsaka na kami agad sumakay sa sasakyan.
Habang papunta kami kina Cael di ko parin mapigilan yung pagpatak ng luha ko. Umaasa ako na sana hindi niya ako niloloko dahil pinagkatiwalaan ko siya. And i'm still hoping na sana dati pa yung picture na yun or edited lang or what! Basta sana hindi sila magkasama ni Amber.
"Girl andito na tayo. Look, patay na yung mga ilaw. Are you sure na gusto mong ituloy to?" tanong ni Kylie sakin nung makarating kami dun. Pumikit ako tsaka ako huminga ng malalim bago tumango.
"I need to do this." sagot ko tsaka na'ko bumaba ng sasakyan. Pagkababa ko agad kong dinial si Cael. Medyo natagalan bago niya sagutin.
[Hey luv. Why are you c-calling? It's la--]
"N-nandito ako sa labas ng b-bahay niyo. Can we t-talk?" pinipigilan ko na huwag humikbi kahit na mahirap.
[What?! Wait a minute, lalabas ako.] sagot niya bago patayin yung tawag.
"Anong sabi?" tanong ni Claire.
"He's coming." pagkasabi ko nun biglang nagbukas yung front door nila at lumabas si Cael.
"Luv!" tawag niya tsaka binuksan yung gate nila. "Anong ginagawa mo dito? Is there a problem?"
"Yeah, i think WE have a problem." di ko nanaman napigilan yung paghikbi ko.
"What do you mean luv --" di niya natapos yung sasabihin niya dahil biglang may sumingit sa usapan namin.
"Ooh, so we have visitors pala. Bakit hindi mo sila papasukin? Malamok pa naman diyan sa labas."
"S-so it's t-true." sabi ko tsaka ako ngumiti ng sarkastiko. "Kailan pa? Kailan mo pa'ko niloloko Cael?!!" sigaw ko.
"Let me explain luv--"
BINABASA MO ANG
Sealed With A Kiss (COMPLETED)
RomanceIt was all started when i was 16.... Cover is not mine, credits to the rightful owner. Date Started: May 27, 2020 Date Ended: November 17, 2020 Highest Rank Achieved #1 in sealedwithakiss