Arianna's POV
3:30 AM tumunog yung alarm ko kaya bumangon na'ko. Una kong ginawa is prinepare ko na yung mga dadalhin ko. Chineck ko na yung laman ng small backpack na dadalhin ko.
√Wallet
√Extra Shirt
√Foods
√Powerbank
√Airpods
√Phone
√School IDAfter ko ayusin yung laman ng bag ko, inayos ko naman yung susuotin ko ngayon. Nilagay ko na sa taas ng kama ko yung shirt, hoodie, pants and shoes na susuotin ko ngayong araw. Nung matapos ko ng ayusin yung mga gamit ko nagprepare na'ko ng almusal naming tatlo. Nauna kasi akong magising sakanila e. Nagluto lang ako ng itlog na palaman namin sa pan namin tsaka ko kinuha yung freshmilk sa ref tsaka ko na yun pinatong sa coffee table namin.
"Hoy, magsigising na kayo! Malapit na mag 4:00! Maliligo pa tayo." tsaka ko sila niyugyog.
"Hmm, heto na gising na'ko." sabi ni Claire tsaka siya umupo sa kama niya habang nagkukuskos ng mata.
"Huy Kylie malelate ka na niyan, bahala kang maiwan!" pananakot ko sakanya nung di pa siya bumabangon.
"Gising na'ko." rinig kong sabi niya kaya pumunta na'ko sa may coffee table.
"Nagprepare na'ko ng breakfast natin. Bilisan niyo baka ma-late na tayo." sabi ko sakanila habang kumakain na'ko. Binilisan ko lang yung pagkain ko tsaka na'ko naligo agad.
Pagkalabas ko ng CR, next na pumasok si Claire. Inayos ko muna yung sarili ko. Tinuck-in ko yung shirt ko sa pants ko tsaka ko na sinuot yung hoodie ko dahil malamig. Sinuot ko na din yung white shoes ko, tsaka ako nag apply ng light make-up.
Nung tapos na'ko mag ayos, nag phone muna ako habang hinihintay na matapos si Kylie. Nagreply muna ako sa text sakin ni Cael.
From: Cael
Ready na kayo?
To: Cael
Patapos na si Kylie. Nasa labas na ba kayo?
From: Cael
Oo, para mauna kami sa bus. Para makapagreserve kami ng seats natin. Sa likod tayo banda and tabi tayo.
To: Cael
Sige, text kita kapag papunta na kami.
From: Cael
Copyyyy.
After 15 minutes sawakas natapos na rin si Kylie. 4:50 AM na kaya nagmadali na kami. Sinundo muna namin si Dianne sa dorm niya tsaka ko tinext si Cael na papunta na kami. Nag call na rin ako kay Ian kanina kung nandun na ba siya and sabi niya magkakasama na sila nila Cael.
Nung makapunta na kami sa parking agad naming nakita yung 6 kaya dumiretso na kami sakanila.
"Wow naman! Pare-parehas ng outfit! Pinag-usapan HAHAHAHAHA." bungad agad samin ni Ivan nung makita niya kami.
"Hashtag bespren goals!HAHAHAHAHA" gatong ni Felix kaya natawa kami.
"Ano nakahanap na ba kayo ng pwesto natin?" tanong ko sakanila.
"Oo may upuan na tayo, tara na pumasok na tayo sa loob baka maagaw pa." sagot sakin ni Cael kaya pumasok na kami sa bus.
"Oh? Sinong magkakatabi?" tanong ni Ivan.
BINABASA MO ANG
Sealed With A Kiss (COMPLETED)
RomanceIt was all started when i was 16.... Cover is not mine, credits to the rightful owner. Date Started: May 27, 2020 Date Ended: November 17, 2020 Highest Rank Achieved #1 in sealedwithakiss