Chapter 20: Can we talk?

348 76 3
                                    

Arianna's POV

"Amber." rinig kong sabi ni Cael. So, Amber pala yung name niya?.

Nakatingin lang kami kila Cael and Amber. Naguguluhan ako sa mga nangyayari, at alam kong ganun din yung mga kaibigan namin at yung mga tao sa loob ng Cafeteria. Gaya ko iniisip din nila kung bakit niyakap ni Amber si Cael.

'Magkakilala ba sila?' yan yung kanina pa laman ng isip ko pero alam ko na si Cael lang yung makakasagot ng tanong ko.

Nabigla ako nung tinanggal ni Cael yung pagkakayakap sakanya ni Amber tsaka siya tumakbo palabas ng Cafeteria. Tinawag pa namin siya pero nagtuloy tuloy lang siya. Nung makalabas si Cael napatingin ako kay Amber na nakayuko at umiiyak parin.

"Sino siya? Ano siya ni Cael?" bulong ni Kylie sakin.

"Siya si Amber, pero di ko alam kung magka-ano ano sila ni Cael." sagot ko sakanya tsaka ko nilapitan si Amber.

"Amber..." di ko natapos yung sasabihin ko dahil inunahan niya na'ko sa pagsasalita.

"Uhm, thank you sa time ah? Sorry aalis na'ko may gagawin pala ako." tsaka siya tumalikod at naglakad palabas sa Cafeteria. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa mawala na siya sa paningin ko tsaka ako bumuntong hininga. Tinignan ko yung mga kaibigan ko tsaka ko nakita na naguguluhan din sila gaya ko pero di ko na pinansin 'yon.

"Sorry guys, di na'ko sasabay sa lunch. I'm going to find Cael." tsaka ko na sila tinalikuran. Lakad lang ako ng lakad habang lingon ng lingon, nagbabakasakaling mahanap si Cael. Hanggang sa makita ko siya na nakaupo sa ilalim ng puno kaya tumakbo ako papunta dun.

Nung malapit na'ko sakanya bigla siyang lumingon sa gawi ko. "Nandito ka lang pala, napagod ako kakahanap sayo." sabi ko sakanya tsaka ako umupo sa tabi niya.

Wala munang nagsalita samin kaya ang tahimik. Hindi ako sanay na tahimik siya kapag magkasama kami, dati lagi niya akong tinatanong pero nakakapagtaka dahil ang tahimik niya ngayon. Dahil ba kay Amber? Di ko na kinaya yung katahimikan kaya nagsalita na'ko.

"Uhm, sino si Amber?" deretsong tanong ko sakanya dahilan ng paglingon niya sakin.

"She's my ex." sagot niya na ikinagulat ko.

'So ibig sabihin siya yung tinutukoy ni Amber kaninang magkausap kami?'

"Ah, kaya pala. P-paano kayo nag-b-break?" utal-utal na tanong ko sakanya. Nahihiya ako dahil di ko alam kung tama ba na itanong ko 'yon. Pero dahil curious ako, tinanong ko na.

Kaya kinuwento niya sakin yung nangyari sakanila ni Amber. Ang sakit ng ginawa ni Amber sakanya. Naawa ako sakanya after niyang ikwento 'yon. Parang bigla nalang din akong nasaktan. Kaya siguro naging ganun yung attitude niya. Naging bully siya and cold. Buti nalang bumalik na ulit siya sa dati, i guess?

"S-sorry, hindi ko sinasadya." yan nalang yung nasabi ko after niya magkwento.

'Kailan ka pa ba kasi naging reporter Arianna?! Dami mong tanong!'

"It's okay. Matagal na din naman yun e." sagot niya sakin. Di ko alam pero liningon ko siya. May gusto akong itanong sakanya pero di ko alam kung dapat ko pa bang itanong 'yon, natatakot ako sa magiging sagot niya. Pero kailangan kong itanong para malaman ko yung sagot.

Sealed With A Kiss (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon