Cael's POV
"So how are you? I miss you guys!" masayang sabi ni Arianna pagbalik namin sa may table. Hindi ko maalis yung tingin ko sakanya simula nung dumating siya.
"Ano ba, walang englishan dito! Nasa Pilipinas ka kaya magtagalog ka!" sagot ni Ivan sakanya.
"Why? Is there a problem?" tanong ni Arianna tsaka tinaasan ng kilay si Ivan. Shit! Ang ganda talaga...
"No is problem..problem is no.. ay teka mali. none problem." di sure na sagot ni Ivan.
"What the hell Ivan? HAHAHAHAHA" tsaka sila sabay sabay na tumawa kaya nakigaya ako kahit na kay Arianna lang yung atensyon ko. How i miss her laugh.
"MATUTUNAW!" sigaw ni Ivan kaya iniwas ko agad yung tingin ko. "Matutunaw na yung yelo sa alak, inom na hehe" f*ck you ka talaga Ivan! Pahamak!
"Woah! Straight agad Arianna ah! Arianna lang malakas!" Felix cheered.
"Walwalera ka siguro sa America no? Ikaw ha."
"Baliw hindi, minsan kasi inaaya ako ni Julian uminom. Hindi naman ako umiinom kapag hindi ko siya kasama." nainis ako sa narinig ko. Sila na ba? Mas lalo akong nainis sa naisip ko na yun kaya inistraight ko yung nasa baso ko.
"Hinay hinay, mahahalata ka niyan e." bulong ni Ethan kaya nilingon ko siya.
"Anong pinagsasabi mo diyan, uhaw lang ako."
"Uhaw sa alak?"
"Shut up." banta ko.
"Uhaw kay Arianna pre." singit ni Ivan tsaka sila sabay na tumawa.
"Care to share? Huwag kayong magsolo uy. Anong pinag-uusapan niyo?" tanong ni Kylie kaya agad akong sumagot.
"N-nahihilo na daw si Ivan. Tinamaan na ata ng alak." sagot ko tsaka ko tinignan ng masama si Ivan.
"Ang hina talaga ng lalaking 'to! Pang ilang shot mo palang yan ah?" sita ni Kylie sakanya. "Tinamaan ka na agad?"
"Oo. Tinamaan agad ako sayo." banat ni Ivan tsaka ginawa yung pose ni mimiyuuuh na rawr.
Agad kong binato ng table napkin si Ivan dahil kinilabutan ako sa ginawa niya. "Nakakadiri ka ulol." sabi ko tsaka sila tumawa.
Arianna's POV
I was so excited when the plane landed here in the Philippines. Pero mas na-doble yung saya ko ngayong sama sama na ulit kaming magbabarkada.
Nung papunta ako sa bahay nila Claire kanina sobra akong naeexcite pero may halo paring kaba dahil after 6 years magkikita na ulit kami. Hindi ako nakapagpaalam ng maayos sakanya kaya natatakot ako sa magiging reaksyon niya. 6 years din kaming walang communication kaya ganito yung kaba ko. Pero nawala lahat ng kaba ko nung makita ko na sila at nakahinga ako ng maluwag dahil hindi nag walk out si Cael.
Habang nag-uusap usap kami dito sa table ramdam ko yung mga titig ni Cael sakin pero hinahayaan ko nalang.
"So ano? May boyfriend ka na ba ngayon girl? Imposibleng wala, sa ganda mong yan?!" tanong nila Dianne sakin.
"Busy." i said.
"Edi ikaw na! Pero do you have special someone?" they asked again but i didn't answer because i don't know what to say. Instead of answering them, i changed the topic.
"How about you guys? How's life?" i asked.
"Heto, kami ni Claire going strong HAHAHA. Ganun din naman sila Kylie and Yuan, ikakasal na nga e. Tapos engaged na din sila Ethan and Dianne. Tapos si Felix may girlfriend na rin. Tapos si Cael dading dadi na HAHAHA."
BINABASA MO ANG
Sealed With A Kiss (COMPLETED)
RomansaIt was all started when i was 16.... Cover is not mine, credits to the rightful owner. Date Started: May 27, 2020 Date Ended: November 17, 2020 Highest Rank Achieved #1 in sealedwithakiss