Chapter 34:Real Feelings

319 58 4
                                    

Arianna's POV

Tatlong linggo na yung nakakalipas simula nung medyo nagkasagutan kami ni Cael. Iniiwasan ko siya sa site tuwing nagpupunta ako dun. Ilang beses niya ng tinangka na lapitan at kausapin ako pero biglang may kakausap or tatawag sakin kaya nakakahinga ako ng maluwag. Hindi ko lang kasi siya maintindihan e. May pamilya na siya, may anak na sila ni Amber pero bakit ganun parin siya umasta? Na parang single siya? Atsaka hindi ko siya maintindihan sa sinabi niyang naguguluhan siya sa mga sinabi ko. Hindi niya ba talaga ako maintindihan? O nagkukunwari lang siya na hindi niya ako naiintindihan?


On the way ulit ako sa Pampanga ngayon dahil tatlong araw na'kong hindi pumupunta sa Company at siguradong tambak na'ko ng mga paper works niyan. At humihingi din si daddy ng picture sa ginagawang part ng company kaya kailangan ko pang pumunta sa site. Sana lang wala si Cael dun, or kahit hindi lang kami magkita. Kung ayaw niya akong iwasan ako nalang yung mag-aadjust. Ako nalang yung iiwas para walang problema. Ayoko namang dumating sa point na ico-confront ako ni Amber dahil dito. Baka mamaya ma-misinterpret niya kapag naging close ulit kami ni Cael at ayokong mangyari 'yon.

Pagdating ko doon napansin ko na maraming tao kaya agad akong nag-park ng sasakyan at dali daling sinundan yung mga tao. Tsaka ko nakasalubong si Claire at parehas kaming gulat na nakita yung isa't isa.

"Hey Claire! What are you doing here?" tanong ko sakanya paglapit ko. Nakasuot pa kasi siya ng pang trabaho niya. "Anong ginagawa mo malapit dito sa site? Baka mamaya maalikabukan yang suot mo, all white pa naman HAHAHA." I joked.

"Ikaw, what are you doing here?" I rolled my eyes dahil sa tanong niya.

"Hindi ba obvious?" sagot ko sakanya na sinagot ko din ng tanong.

"I mean, sabi nila these past few days di ka pumapasok, so why are you here now?"

"Pumasok na'ko kasi alam kong natambakan na'ko ng mga paper works. Tsaka may inuutos si dad dito sa site kaya pumasok na'ko. Ikaw, bakit ka andito? Wala ka bang duty?" sunod sunod na tanong ko sakanya.

"Ooh, dahil kadadating mo lang of course wala ka pang alam. May nangyari kasi sa site e. May emergency na nangyari. Dahil kami yung malapit na hospital dito, kami yung pinapunta." nabigla naman ako sa sinabi niya. Emergency??

"Wait? Emergency? Anong nangyari sa site? Kamusta yung mga nagtatrabaho dun?" tatakbo na sana ako pero agad akong napigilan ni Claire. "I need to check the workers Claire." nag-aalalang sabi ko.

"Don't worry, ayos lang sila. Wala namang may malala na kondisyon. Tsaka hindi ka rin papalapitin dun dahil inaayos na nila Cael and Ivan yung problema. Just calm down okay?."

"Ivan's here too?" tanong ko.

"Oo, tinawagan siya ni Cael nung nangyari yung incident. Pero huwag kang mag-alala, okay na." tumango naman ako sa sinabi niya. Di na rin ako nagpumilit na magpunta sa site dahil iniiwasan ko nga si Cael.

"I'm glad na walang nasaktan." sagot ko sakanya tsaka bumuntong hininga. "By the way, saan ka na niyan? Babalik ka na sa hospital?" tanong ko sakanya.

"Nope, break time ko na. Sabayan mo'ko mag merienda tara." hindi na'ko naka-angal dahil pinulupot niya na yung kamay niya sa braso ko tsaka niya na'ko hinatak papunta sa restaurant kung saan kami kumain ni Cael nun.

Pagpasok namin agad kaming naghanap ng table tsaka na kami agad nag-order ng food namin.

"Oh, nag-text si Ivan sakin. Tinatanong kung nasaan ako." sabi niya habang naghihintay kami ng order namin.

Sealed With A Kiss (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon