Chapter 2: Seatmate

755 136 22
                                    

Ivan's POV


"Grabe namiss ko'tong university natin!" parang kahapon lang grade 10 kami na nangbubully! Tapos ngayon Seniors na kami! Akalain niyo yon? Nag moving up kami!HAHAHAHAHA.


"Anong tinatawa-tawa mo mag- isa diyan Ivan? Nababaliw ka na ba?" Curious na tanong sakin ni Yuan.


"Malamang yung mga kalokohan niya, ano pa ba?" singit naman ni Felix.


"Naisip ko lang na akalain niyo 'yon, nag moving up tayo, sa kabila ng kabaliwan na ginagawa natin dito! HAHAHA." tumatawang sabi ko sakanila.


Naglalakad kasi kami ngayon papuntang field, maglalaro kami ng Badminton. Ngayon nalang kasi kami ulit nagkasama - sama dahil may kanya kanya kaming ginawa nung bakasyon.


"Ulol, huwag niyo 'kong idamay. Kayo lang." depensa ni Ethan.


"Sus, huwag ka ng pa inosente diyan pareng Ethan! HAHAHAHA." sabi ni Felix sakanya.


"Can you guys lower down your voice? Natutulog ata yung babae." bulong ni Ethan.


"Ha? Nasaan?" tanong ko.


"Tanga nalagpasan na natin, tawa ka kasi nang tawa diyan e." singit na rin ni Cael.


"Chix ba pareng Ethan?" tanong ni Felix na nakangisi na ngayon.


"Basta talaga Chix di mo palalagpasin no?" nakangising tanong ko sakanya.


"Wow, coming from you!" sagot ni Felix sa'kin kaya tumawa kami ng malakas.


"Basta ako nananahimik ako diyan ah! Loyal ako" singit ni Yuan kaya nilingon namin siya.


"ULOL!" sabay naming sigaw ni Felix sakanya.


"Mga baliw, game na nga. Ang iingay niyo." naiinip na sabi ni Cael.


"Wait lang nasaan ba kasi? Porket kayong dalawa ni Ethan nakita niyo gumaganyan na kayo, chix siguro no?" bintang ko kina Cael tsaka Ethan. Gusto ko lang naman madiligan yung mata ko ng chix e, ang sungit.


"Ang ingay ng bunganga mo Ivan!" sigaw ni Ethan, halatang naasar na.


"Type mo no?" pang-aasar lalo ni Felix kay Ethan.


"ULOL!" sigaw ni Ethan kaya napapailing na'ko. 


"Si Cael nananahimik, baka siya yung may gusto! HAHAHAHA." pakikisali ko sa pang-aasar ni Felix. Kaya lahat sila tumingin kay Cael dahil sa sinabi ko.


Nilingon agad ako ni Cael tsaka babatuhin niya sana ako ng raketa pero buti nakaiwas ako. Kung hindi hindi ako nakaiwas sapul sa ulo ko yun, malaking bukol yun pre! Lalayuan ako ng mga Chix HAHAHAHAHA.


"WHAT THE FUCK?!!" rinig kong sigaw ng babae, kaya lumingon ako.


Pakshet! Natamaan yung babae na nakahiga sa ilalim ng puno! I guess ito yung babaeng sinasabi ni Ethan.


"F-fuck, natamaan mo Cael." obvious na sabi ko.


"Sakit nun pre, sa tiyan tumama." sabi naman ni Yuan.


Biglang tumayo yung babae habang dala dala yung Raketa ni Cael, papalapit na siya samin.


"Uh-oh" sabay sabay na sabi namin nila Yuan at Felix.


Sealed With A Kiss (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon