Arianna's POV
Simula nung matapos yung scene namin ni Cael sa rooftop lalo kaming naging close. Tapos every break time and lunch sabay sabay kaming 9, kaya tuloy tumitingin samin yung ibang students. Lalo kaming naging close lahat. And okay na'ko kay Ethan, masaya na'ko para sakanila ni Dianne.
"Class dismissed." pagkasabi nun ng teacher namin nag ayos na kami ng gamit namin. Sawakas natapos na rin 'tong afternoon class!
"Uy ano? Tara na pag-planuhan na natin yung group project na gagawin natin." pagpapaalala ni Ivan samin. Magkaka- groupmates kasi kaming 9 e. E dahil 39 lang kami sa room 4 groups lang kami and kami yung last group. Buti nalang sa likod din nakaupo si Dianne kaya kaming 9 yung magkakagrupo.
"Saan tayo?" tanong ni Kylie.
"Sa cafeteria nalang kaya?" suggest ni Felix.
"Maingay di tayo makakapag focus." sabat ni Claire.
"Sa rooftop?" suggest din ni Yuan.
"Agree! Para presko." pag-sang ayon ko kay Yuan.
"Isasara na din 'tong building di tayo pwedeng magtagal." sabi ni Ethan. Oo nga pala! Edi saan kaya?
"Edi saan tayo?" nawawalan na ng pag asang tanong ni Dianne.
"Sa bahay nalang." sabat ni Cael kaya napalingon kaming lahat sakanya.
"Oo nga no?! Bakit di ko naisip yon?" takang tanong ko.
"Wala ka kasing isip, kaya tara na." pang aasar niya sakin tsaka niya ginulo yung buhok ko.
"Excuse me??!" asar na sabi ko sakanya. Tsaka siya biglang tumabi sa gilid.
"Tabi kayo, dadaan siya." sabi niya sa 7 kaya sumunod naman sila.
"What are you guys doing?" nagtatakang tanong ko sakanila.
"Sabi mo excuse me e. HAHAHAHA. Daan ka na." tumatawang sabi ni Ivan.
'What the hell?'
"Tsk! Bahala nga kayo diyan!" sabi ko sakanila tsaka na'ko lumabas ng room. Narinig ko pa silang nagtawanan bago sumunod sakin. Simula kasi nung naging close kaming 9 lagi nalang ako yung inaasar nila! Ang pikon ko daw kasi. Pati si Dianne nahawa na nila! Badtrip.
Nagulat ako nung may umakbay sakin. "Ang pikon mo talaga kahit kailan." sabi ni Cael. Di ko nalang siya pinansin, nagtuloy tuloy lang ako sa paglalakad. Isa pa'to, simula nung naging close kami lagi nalang siyang naka-akbay sakin. Ang bigat kaya ng kamay niya! Nagmumukha tuloy akong maliit kapag siya yung katabi ko.
Nung makalabas kami ng building namin nagtuloy tuloy na kami papunta sa bahay nila. Nauuna kami ni Cael sakanila. Ang babagal kasi nilang maglakad, una pa yung harutan nila tsk.
"Grabe excited na'ko! Ngayon lang ako makakapunta sa tinutuluyan niyo!" rinig kong sabi ni Kylie.
"Syempre paano ka makakapunta don e di ka naman nakatira don! Engot." pambabara ni Claire sakanya.
"Hmmp, ewan ko sayo. Buti pa si Arianna nakapunta na!HAHAHA" pang-aasar ni Kylie.
"Weh? Kailan? Buti nakapunta na siya don?" tanong ni Dianne sakanila.
"Nahimatay kasi siya nun, di alam ni Cael yung dorm niya kaya dun niya inuwi." kwento ni Ethan sakanila.
"Alagang alaga pa ni Cael yan! Di yan nagpapapasok ng tao sa kwarto niya kasi ayaw niya. Kaya malaki yung pasasalamat ko dahil unggoy ako, kaya nakakapasok ako!HAHAHAHAHAHA" tumatawang sabi ni Ivan kaya pati ako natawa.
BINABASA MO ANG
Sealed With A Kiss (COMPLETED)
RomanceIt was all started when i was 16.... Cover is not mine, credits to the rightful owner. Date Started: May 27, 2020 Date Ended: November 17, 2020 Highest Rank Achieved #1 in sealedwithakiss