Arianna's POV
Kinabukasan maaga akong gumising kasi maaga akong natulog kagabi. After kasi naming mag dinner ni Kuya kagabi umakyat na agad ako sa kwarto tapos naligo tsaka natulog. Nasabi ko na din sakanya na aalis ako ngayon.
6:00 AM palang bumangon na'ko kasi balak ko mag jogging ngayon. Nagsuot lang ako ng black leggings, tsaka nike na sports bra, and sneakers. Sinuot ko din yung earpods ko, tsaka ko na nilagay yung phone ko sa lalagyan sa may braso ko.
Lumabas na'ko ng bahay namin tsaka na'ko tumakbo. Iikutin ko lang 'tong buong subdivision tapos uuwi na'ko, malaki kasi 'tong subdivision namin e. Konti nalang yung mga nakakasalubong ko na nagjo-jogging kasi maliwanag na.
Nung pabalik na'ko, nakasabay ko si Ethan na nagjo-jogging din.
"Hey!" bati niya sakin.
'Shems! Taga dito din ba siya?'
"Hey." bati ko din.
"So taga dito ka din pala?" sabi niya habang tumatakbo parin kami.
"Uhm yeah. Ikaw din?" sabi ko tsaka ko siya tinignan. Nakasuot siya ng sando na adidas color black and adidas shorts din, tsaka black sneakers.
'Ang gwapo talaga ng lalaking 'to! Isali mo pa na medyo wet look siya dahil sa pawis niya shems!'
"Yup, so every weekend nagjojog ka?" tanong niya.
"Depende kapag sinipag ako HAHAHA."
"Nagbreakfast kana? Kain tayo?" tanong niya sakin kaya nabigla naman ako.
"Hindi pa e, sure. Diyan nalang sa harap ng subdivision?" tanong ko.
"Sige, diyan nalang tayo sa cafe?"
"Sige."
"Daan muna tayo sa bahay namin, may kukunin lang ako. Malapit na din naman tayo e."
"Ah sige." sagot ko tsaka kami huminto sa harap ng malaking bahay.
Malaki yung bahay nila katulad ng samin. Ang lawak ng garden nila, tapos may pool area din sila.
"Tara pasok ka muna." sabi niya. Nung pumasok na kami sa loob ng bahay nila pinagmasdan ko 'yon. Malaki yung sala nila, meron silang grand piano. Tapos sa may dulong banda siguro yung kitchen and dining area.
"Let's go." sabi niya kaya lumabas na ulit kami sa bahay nila. "Here, isuot mo." abot niya ng gray hoodie sakin.
'Why so sweet Ethan? Kaya lalo akong nahuhulog sayo e.'
"Thanks." sabi ko sakanya after ko masuot yung hoodie. Lalakarin lang namin yung cafe dahil malapit lang naman siya sa village namin. Nung nadaanan namin yung bahay namin tinuro ko sakanya. Medyo magkalapit lang kami ng bahay.
Nung makarating kami sa coffee shop pinaupo niya na agad ako dun sa may table, siya na daw yung mag oorder. After ng ilang minuto nilapag niya sa harap ko yung pan cake tsaka black coffee, same order kami.
"Here, may treat, ako naman nagyaya e." nakangiting sabi niya.
"Thank you, sa susunod ako naman manglilibre ah?."
"Sure, so may next time pa?"
Nagblush ako nung sinabi niya yun, di ko tuloy alam yung sasabihin ko. Baka mamaya isipin niya na gusto ko pa siyang makasama ulit mag breakfast, pero totoo naman e, gusto ko pa HAHAHA.
BINABASA MO ANG
Sealed With A Kiss (COMPLETED)
RomanceIt was all started when i was 16.... Cover is not mine, credits to the rightful owner. Date Started: May 27, 2020 Date Ended: November 17, 2020 Highest Rank Achieved #1 in sealedwithakiss