Chapter 7: Boyfriend?

539 117 15
                                    

Arianna's POV


Kinabukasan maaga akong bumangon, hindi na umuulan kaya may pasok na. Pagkagising ko naligo na agad ako tsaka ko sinuot yung P.E uniform ko dahil Friday ngayon! After ko mag-ayos lumabas na ako ng kwarto ni Cael. Pagkalabas ko ng kwarto niya kakalabas lang din ni Ethan sa kwarto niya.


"Good morning." bati niya sakin. Ang ganda tuloy ng araw ko! Mukha niya agad yung una kong nakita.



"Good morning din." nakangiting sabi ko.


"Okay ka na? Wala ka ng lagnat?"


"Wala na. Magaling na'ko." sabi ko habang pababa kami ng hagdan.



"Mabuti naman kung ganun." sabi niya. Di nalang ako sumagot, nagtuloy tuloy nalang kami sa kusina. Yung tatlo naka-upo na dun at kumakain, si Cael naman nasa may sink at naghuhugas ng kamay.



"Good morning Arianna!" nakangiting bati sakin ng tatlo. "Dito umupo ka na, kain na tayo."



"Good morning din. May coffee ba kayo?" tanong ko.


"Oo, gusto mo ipagtimpla kita?" tanong ni Ethan sakin.


"Hindi na, ako nalang salamat." after ko sabihin yun, naglakad ako palapit kay Cael dahil nasa may tabi niya yung tasa tsaka kape.


"Hi! Good morning!" bati ko sakanya, habang nagtitimpla ng kape ko.


"Good morning din." bati niya. "Ayos ka na?"


"Mm, thank you ha?"


"You're welcome. Basta 'wag mong kalimutan yung usapan natin bukas." sabi niya habang papunta na kami sa table.


"Oo naman! Basta sunduin mo'ko! HAHAHA"


"Oyy ano yan ha?! Anong pinag- uusapan niyo? Anong usapan bukas tsaka sunduin?" chismis ni Ivan.


"May

"Ah, pupunta kasi kami sa mall bukas ni Cael kas--" di ko natuloy yung sinasabi ko kasi nagsalita agad si Ivan.


"HA?! MAG DE-DATE KAYO?!" sigaw niya.


"Huh? Wala akong sinabing date." sagot ko sakanya.


"Eh bakit aalis kayo ng kayong dalawa lang?" tanong ni Felix.


"Birthday kasi ng mom niya next Sunday kaya nagpapatulong siya sakin bumili ng gift. You know, girly stuff." sabi ko.


"Ah, ganun ba? Sayang akala ko naman date e." mahinang sabi ni Ivan pero rinig ko naman.


"Hindi ah! Friends na kaya kami ni Cael." nakangiting sabi ko sakanila.


"Talaga? So friends ka na rin namin, I mean kayo ng mga friends mo?Ayos!" masayang sabi ni Ivan.


"Sure!" nakangiting sabi ko. Nagkwentuhan lang kami habang nagb-breakfast, after namin kumain sabay sabay kaming pumunta sa main building! Pinagtitinginan tuloy kami. Paanong hindi e kasabay ko silang pumasok?! Hanggang sa makarating kami sa room nakatingin parin yung mga classmates namin samin, mostly sakin.


"Ann!!!" sabay na tawag sakin nila Claire and Kylie kaya tumakbo ako papunta sakanila tsaka ko sila niyakap.


"Oh my! Namiss ka namin! Are you okay na ba?" tanong ni Kylie.


Sealed With A Kiss (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon