Chapter 22: Kylie & Yuan

334 64 6
                                    

AN: Pahinga muna tayo sa love story nila Cael and Arianna. Tignan naman natin yung love story ng mga barkada nila. Ayieee, nakakakilig 'to guys! Enjoy reading ;)

Kylie's POV

"Hey Ky! Saan ka pupunta?" tanong ni Yuan nung nagkasalubong kami.

"Diyan lang sa field, magpapahangin." may ginagawa kasi sila Arianna and Claire kaya iniwan ko na muna sila sa dorm.

"Let's go, magpapahangin rin ako." sagot niya, kaya sabay na kaming naglakad papunta sa field. Simula nung naging close na yung grupo nila samin nila Arianna lagi na akong ina-approach ni Yuan, hindi ko alam kung bakit. Minsan lagi niya akong sinasamahan kahit saan ako magpunta dito sa school, nagmumukha tuloy siyang buntot ko HAHAHA.

Nung makadating kami sa field umupo kami dun sa damo tsaka namin pinanood yung mga naglalaro ng soccer dun. Jusko umagang umaga nakakakita ako ng mga fafa! Omyy.

"Why are you smiling? I know that i'm handsome, kinikilig ka dahil kasama mo'ko no?" nilingon ko siya dahil sa sinabi niyang 'yon.

"Akala ko lagi ka lang tahimik at seryoso, feeling ka rin pala Yuan." natatawang sabi ko sakanya, tsaka ko siya nakitang napangiwi sa sinabi ko. Oo pogi si Yuan, actually silang lahat pogi e. Pero wala akong gusto sakanya o kung sino man sa grupo nila dahil magbabarkada lang kami. Oo minsan pinagpapantasyahan ko sila, ay hindi pala minsan,madalas pala hihihi. Pero ganun talaga ako, may makita lang akong pogi kikiligin na'ko but i know my limitations naman. Hanggang kilig lang, yun lang.

"E bakit ka nakangiti diyan?"

"Ang ganda ng view e." sagot ko habang nakatitig sa mga soccer players. Nagulat at napaatras ako nung bigla niyang hinarangan yung view, tsaka ang lapit ng mukha niya sakin.

"Don't stare at them like that. I'm... i'm--"

"P-pwede bang u-umatras ka Yuan? Ang l-lapit mo e." awkward na sabi ko. Buti nalang agad siyang sumunod sa sinabi ko. Hindi ko rin naintindihan yung sinabi niya dahil sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa.

"Tara na nga! Ang pangit dito!" tsaka siya tumayo.

"Huh? Pero di pa tapos yung mga soccer players maglar--" di ko na natapos yung sasabihin ko kasi bigla niya na akong hinatak patayo.

"Tara na, ako nalang yung tignan mo kung gusto mo ng magandang view!" tsaka niya na ako hinatak.

Madalas talaga ang corny nitong si Yuan.


***

Kinabukasan sabay sabay kaming naglulunch sa cafeteria. And as usual katabi ko si Yuan. Tahimik lang kaming kumakain nung biglang nagsalita si Felix.

"Tignan niyo yun." turo niya sa may bandang likod namin nila Yuan kaya lumingon kami. Nakita ko na may tatlong nagtutulakan na mga lalaki dun, yung tinutulak nila may hawak pang chocolate. "Kanina pa nagtutulakan yang mga yan. Mukhang gustong lumapit dito pero nahihiya."

"Ooh, look may hawak pang chocolate yung isa oh!" -Dianne.

"Tawagin niyo, tignan natin kung saang table siya pupunta. Kapag dito sa table natin ibig sabihin may pagbibigyan siya dito." suggest ni Julian. Di ko nalang pinansin yung mga boys dun kaya nagsimula na ulit akong kumain.

"Game, game! Ako na tatawag sakanila." sagot ni Ivan. "Psst, mga pre? Kanina pa kayo diyan, lapitan niyo na yung pagbibigyan niyo niyan, malulusaw na yan sayang!" natawa ako sa sinabi ni Ivan kaya liningon ko ulit yung tatlong lalaki. Nakita ko na may binulong yung dalawang lalaki sa may hawak nung chocolate kaya medyo kumalma yun at huminga ng malalim. Maya maya lang naglakad na yung lalaki na may hawak ng chocolate at nag stop sa tapat ng table namin.

Sealed With A Kiss (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon