Arianna's POV
Hindi ko alam kung paano ako nakauwi ng ligtas habang pauwi ako galing sa site. Buong biyahe ko patak lang ng patak yung luha ko kaya malaki yung pasasalamat ko na hindi ako naaksidente. Simula pauwi ako hanggang sa makauwi ako wala na akong ibang ginawa kundi umiyak. Wala ng tigil yung mata ko sa kaiiyak.
"W-why Cael?! After how many years, I still love you. K-kaya ba hindi ko kayang tanggapin yung pagmamahal ni Julian dahil sayo? Dahil i-ikaw parin hanggang ngayon?" but I'm sorry, hindi na talaga pwede. You have Amber, at may a-anak na kayo.
Hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na ako sa kaiiyak ko. Kinabukasan, 11:15AM nalang ako nagising, as expected namamaga yung mata ko kaiiyak kaya tumawag ako sa secretary ko na hindi ako papasok dahil masama yung pakiramdam ko.
Pagkatapos kong tawagan yung secretary ko naligo na'ko tsaka ako nagluto ng noodles para makakain na'ko.
"Hello? Napatawag ka?" sagot ko sa tawag ni Julian habang hinihipan yung noodles.
[Hindi ka daw pumasok?]
"Y-yeah, masama kasi yung pakiramdam ko."
[Are you alright? Gusto mo puntahan kita diyan?]
"No, no. Pagod lang 'to kailangan ko lang magpahinga." hindi ko alam kung ayaw ko lang ba talagang pumasok dahil ayokong makita si Cael o dahil masama lang talaga yung pakiramdam ko. But I think both.
[Okay, just rest. I'll visit you later.]
"Okay, bye."
[Bye] then he ended the call.
Agad ko na ulit pinagpatuloy yung pagkain ko habang naiisip nanaman yung mga nangyari kagabi. "No Arianna. Tapos ka ng umiyak, tama na." pilit kong kino-convince yung sarili ko pero nahulog parin yung mga luha ko. Pinunasan ko lang ulit yun dahil may tumatawag sakin.
"Oh, ano nanamang nakalimutan mong sabihin Julian--"
[It's me, Amber.] agad akong natigilan sa narinig ko. A-amber? B-bakit? Bakit niya'ko tinawagan?
"I-i'm sorry Amber. I-i thought it's Julian. Is there a problem?"
[Can we talk?] hindi agad ako nakapag-salita dahil last na tanong niya sakin niyan is pangit yung kinalabasan.
"S-sure."
[Good. Where are you? I'm on my way.]
"House."
[Okay, see you.] tsaka niya na pinatay.
A-anong pag-uusapan namin? Is it about Cael?
Ilang minuto lang yung nakalipas nakarinig na'ko ng busina sa labas kaya agad akong tumakbo palabas. Agad kong pinapasok sa bahay si Amber, mukhang galing pa siya sa trabaho.
"Have a seat." sabi ko sakanya pero imbes na sundin niya ako sinampal niya ako ng malakas. Agad akong napahawak sa pisngi ko dahil sa sakit. Hindi rin agad ako nakapag-salita dahil sa gulat. "What was that for?" tanong ko nung maka recover na'ko sa nangyari.
"Really? Hindi mo alam kung para saan 'yon?!" sigaw niya.
"Kung about 'to kay Cael, I'm sorry. I promise, hindi ko na kayo guguluhin. You can go now."
"What are you talking about?" naguguluhang tanong niya na ikinagulo ko rin.
"Ikaw yung hindi ko maintindihan Amber." tinignan niya lang ako ng nagtataka bago bumuga ng hangin at inirapan ako.
"Bakit ba kasi bumalik ka pa ha?!" same question Amber. Bakit ba kasi bumalik pa'ko? "Alam mo bang lasing na lasing daw umuwi si Cael kagabi? At ikaw yung bukhang bibig niya! Arianna, Arianna, Arianna! Puro nalang Arianna! Tapos anong sabi mo? Hindi mo na kami guguluhin? As long as na nandiyan ka Arianna nagugulo si Cael! Mahal na mahal ka ni Cael, Arianna!" hindi ko na napigilan yung paghikbi ko dahil sa sinabi niya.
"P-pero hindi na pwede..." mahinang sabi ko.
"P-paanong hindi na pwede? Bakit? Kayo na ba ni Julian? Kung kayo na ni Julian, bakit binibigyan mo pa ng false hope si Cael? Bumalik ka ba dito for revenge? Pinapaasa mo nalang si Cael, so stop that shit!" sunod sunod na tanong niya.
"No! Hindi kami ni Julian! At hindi rin ako bumalik dito para maghiganti! Umuwi ako dito dahil k-kailangan ako ng company namin. Pero nagulo nanaman lahat dahil kay Cael! I love him, i still love him. P-pero di na pwede."
"Paanong hindi na pwede? Hindi kita maintindihan Aria--"
"Dahil may anak na kayo! Pamilya na kayo. Ayokong sirain yung p-pamilya niyo. Nakita ko kung gaano kayo kasaya kasama yung a-anak niyo nung namimili kayo sa mall. At hindi kaya ng konsensiya ko na masira yung pamilya nung batang 'yon dahil lang sakin!" sunod sunod na sabi ko habang umiiyak. "K-kaya ikaw yung hindi ko maintindihan Amber. Bakit mo pinagtutulakan sakin si Cael?" nakita ko na pumatak na ng sunod sunod yung mga luha niya.
"Wanna know the truth Arianna?" tanong niya habang lumuluha. Kita ko yung sakit sa mga mata niya. "Nagkakamali ka. Nagkamali ka sa lahat." sabi niya na ipinag-taka ko.
"W-what do you mean?"
"Hindi kami ni Cael. At yung batang sinasabi mo, pamangkin ko 'yon. Busy yung mga magulang niya kaya ako yung nagbabantay." hindi ako nakakibo dahil sa sinabi niya. All this time mali ako. "At never naging kami ni Cael after mong umalis." sa sinabi niyang 'yon narinig ko na yung paghikbi niya. "S-sana nga totoo yung mga sinabi mo. P-pero hindi e. Kasi simula noon hanggang ngayon, ikaw parin Arianna. Ikaw parin yung mahal niya." lumakas yung paghikbi ko dahil sa narinig ko. All this time ako yung nananakit kay Cael.
"B-bakit mo sinasabi lahat ng 'to?" tanong ko.
"Para magising ka Arianna. Are you numb? Alam kong nararamdaman mo na mahal ka pa niya pero bakit pilit mo parin siyang sinasaktan? You're lucky because until now he loves you. So please, huwag niyo ng pahirapan yung isa't isa." hindi na'ko nagsalita dahil agad akong tumayo palapit sakanya para yakapin siya.
"Thank you Amber. Thank you so much." naramdaman ko din na yinakap niya ako.
"No worries. Gusto ko ding mag-sorry sa lahat ng nagawa ko dati. Sorry dahil sa'kin nasira kayo ni Cael. I'm so sorry."
"It's okay. You're forgiven." sagot ko sakanya kaya lalo niyang hinigpitan yung pagkakayakap niya sa'kin.
"Thank you Arianna. Ngayon yung kailangan mo nalang gawin is puntahan mo si Cael at mag-usap kayo." sabi niya tsaka niya kinalas yung pagkakayakap niya sa'kin. "And wait, never kang niloko ni Cael. It's all my fault. Hindi na ako yung magk-kwento nun. Hayaan mong siya nalang. Basta ayusin niyo 'to okay?" tumango ako sakanya tsaka na tumakbo pero tinawag niya ulit ako kaya nilingon ko siya. "Napalakas ata yung sampal. Namumula yung pisngi mo e hehe." tsaka siya nag peace sign. Napahawak naman tuloy ako sa pisngi ko. Pero nginitian ko lang siya.
"Thanks for the slap. Nagising ako dahil don." tumango ako sakanya tsaka na lumabas ng bahay.
"Go Arianna! I know you can do it!" rinig kong sigaw niya kaya nakangiti akong pumasok sa sasakyan ko.
Just wait Cael. Itatama ko lahat ng mali ko. Sana hindi pa'ko huli.
BINABASA MO ANG
Sealed With A Kiss (COMPLETED)
RomantikIt was all started when i was 16.... Cover is not mine, credits to the rightful owner. Date Started: May 27, 2020 Date Ended: November 17, 2020 Highest Rank Achieved #1 in sealedwithakiss