Arianna's POV
4 days na yung nakakalipas after namin mag mall ng squad, and Wednesday na ngayon. Nung Saturday gumawa lang ako ng mga projects and assignments ko, and nung Sunday tinulungan namin ni Kuya Zach si Julian na maglipat ng mga gamit niya sa dorm sa school. And guess what? Kaklase namin si Julian! 40 students na kami ngayon sa room, kompleto na kami.
Ngayong week na'to naging busy yung buong school and students because next week na yung exam namin. Nung Monday and kahapon focus talaga kami sa mga lessons, and sometimes nag o-overtime pa yung iba naming teacher, kahit ngayon.
And by the way guys, kaya nag-mamadali yung mga teachers na matapos agad yung lesson it's because sa Friday na yung field trip namin!! I'm so excited, kaso ang pangit ng timing e. Kung sanang nauna nalang yung exam then after nalang ng exam yung field trip para wala ng po-problemahin pa e. Pero kaya daw ginawang Friday yung field trip para sa Saturday and Sunday daw makapag review kami. Hayyss, bahala na, basta mag eenjoy talaga kami sa field trip!
*Lunch Time*
Kaming apat lang nila Claire, Kylie, and Dianne yung sabay na nag-lunch ngayon dahil yung anim na lalaki inutusan sa library ng adviser namin.
"Sobrang pangit talaga ng timing ng field trip natin! Paano natin ma-eenjoy 'yun kung may exam after nun?! Ano 'yun, after mong sumaya may kapalit agad?!" frustrated na sabi ni Kylie habang kumakain kami. Halos lahat kasi ng students excited na sa Friday. Sino bang hindi e sa Enchanted Kingdom yung field trip namin!
"I agree, tapos bukas may test pa tayo." dagdag ni Dianne. May test kasi kami sa lahat ng subjects bukas, kumbaga review na din namin 'yun.
"Mabuti nalang shortened period lang tayo bukas." sabi ko sakanila. Shortened lang kasi yung class namin bukas, dahil after class pwede kaming lumabas ng school para bumili ng mga snacks na dadalhin namin para sa field trip or kung ano pa yung mga pwede namin bilhin na magagamit namin. Pero kailangan din namin bumalik agad sa school after namin mamili, di kasi kami pinayagan na matulog sa mga bahay namin dahil sa school din naman yung meeting place, dahil sa school didiretso yung mga inarkila na bus ng school.
"Sabay sabay ba tayong mamimili bukas?" tanong ni Claire.
"Ako kasi papasundo ako sa Kuya ko e, para mauwi ko na din yung mga gamit ko sa bahay, para sa sabado makapag-review na agad ako." sabi ko sakanila.
"E kung mag meet nalang tayo bukas sa mall? After natin magpahinga sandali sa mga bahay natin kita tayo sa mall and sabay sabay na tayong mamili, para sabay sabay na din tayong bumalik dito?" suggest ni Dianne.
"Yup! Ganun nalang nga yung gawin natin. And huwag na nating sabihin sa boys. Girls bonding muna HAHAHA."-Kylie.
"Agree!" sabay na sabi namin nila Dianne and Claire.
Nung palabas na kami ng cafeteria nung tatlo, papasok palang sa cafeteria yung anim na lalaki. Mukhang ngayon lang sila natapos sa pinagawa sakanila ng adviser namin.
"Tapos na kayong mag-lunch?" tanong agad ni Cael sakin kaya tinanguan ko siya.
"Kakatapos lang namin, kayo ngayon lang kayo maglu-lunch?" tanong ko din sakanya and tumango din siya. "Ano bang pinagawa ni Mrs. Aguilar sainyo?"
"May pina-ayos lang samin sa library tsaka sa faculty."
"Matagal pa ba kayo mag-usap? Kanina pa'ko nagugutom dito e." pagpaparinig ni Ivan.
"Osige na kumain na kayo, bilisan niyo malapit ng mag time." sabi ko sakanila, tsaka na kami naglakad nila Claire papunta sa room.
BINABASA MO ANG
Sealed With A Kiss (COMPLETED)
RomantizmIt was all started when i was 16.... Cover is not mine, credits to the rightful owner. Date Started: May 27, 2020 Date Ended: November 17, 2020 Highest Rank Achieved #1 in sealedwithakiss