Chapter 4: Rooftop

562 123 16
                                    

Third Person's POV


Nung matapos yung klase, pagkalabas na pagkalabas palang ng teacher sa room, inayos na agad ni Arianna yung gamit niya. Tsaka siya lumabas agad ng room. Hindi na siya nakapag-paalam kina Claire at Kylie. Dumiretso siya sa locker niya tsaka niya iniwan yung ibang gamit niya don. After niya maglagay ng gamit sa locker, tumakbo siya kaagad papunta sa rooftop.

"Bwisetttt!!" sigaw niya agad pagkalabas ng rooftop.

Pinatong niya yung dalawang kamay niya sa railings at pinagmasdan niya yung mga tao na naglalakad sa baba.

"May araw ka rin saking bwisit ka! Nakakainis ka talagang pusit ka! Bakit ba trip na trip mo'ko ha?! Bored?!! Dahil lang bored ka aasarin mo na'ko? Siraulo ka pala e! Nanggigigil ako sayo!" inis na sigaw ni Arianna.

"HAHAHAHA, paano yung gigil?"

Nabigla si Arianna nung may nagsalita sa likod niya kaya lumingon siya.

"K-kanina ka pa d-diyan?" utal na tanong ni Arianna.

"Oo, napanood ko yung entrance mo,gigil na gigil ka kaya di mo'ko napansin HAHAHAHA"

"S-sorry." nahihiyang sabi ni Arianna.

'Ano ba naman yan!Nakakahiya kay Ethan, nakita niya lahat. Ang tanga mo talaga Arianna!' bulong ni Arianna sarili niya.

"Ano palang ginagawa mo dito?" tanong ni Arianna kay Ethan.

'Ang cute talaga ng babaeng 'to' sabi ni Ethan sa isip niya.

"Upo ka muna dito." turo ni Ethan sa tabi niya. Kaya umupo si Arianna sa bench.

"Lagi akong nakatambay dito after class." sagot ni Ethan habang nakatingin siya sa langit.

"Ah ganun ba? Edi everyday nandito ka?" tanong ni Arianna habang nakatitig sa mukha ni Ethan.

'Kung araw-araw na nandito ka, baka araw-araw na rin ako dito.'

"Hmm... Depende, pero madalas nandito ako, bakit?" sagot ni Ethan sakanya, tsaka siya lumingon kay Arianna kaya umiwas ng tingin si Arianna.

Biglang nag- init yung pisngi niya kaya tumayo ulit siya tsaka naglakad papunta ulit dun sa railings.

"Wala lang, natanong ko lang. Wala bang pumupunta na mga students dito sa rooftop?" nagtatakang tanong ni Arianna. Nabigla nalang siya na katabi niya na pala si Ethan na nakatingin na din sa baba.

"Meron naman, minsan."

Hindi na sumagot si Arianna. Sabay nalang nilang pinanood yung ibang students na naglalakad sa baba.

After ng ilang minuto, tumingin si Ethan kay Arianna, pinagmasdan niya yung mukha ni Arianna habang nakatingin sa baba.

'Grabe, kahit naka sideview ang ganda niya!' sabi ni Ethan sa sarili niya. Hindi niya namalayan na ang tagal niya na palang tinititigan si Arianna.

Ramdam na ramdam ni Arianna na nakatitig sakanya si Ethan pero di niya nalang pinansin nung una. Pero makalipas yung ilang minuto lumingon na siya kay Ethan.

Sealed With A Kiss (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon