Chapter 30:Happy Family?

325 54 6
                                    

Happy 2K+ reads!! Happy reading :)



Arianna's POV

Ilang araw na yung nakalipas simula nung umuwi ako dito sa Pilipinas. Naka-stay ako ngayon dito sa bahay parin namin kaso mag-isa nga lang. Gusto ko ngang mag-condo nalang pero malalayo ako sa company namin, di gaya ng bahay namin medyo malapit nalang sa company.

May lakad kami nila Claire and Dianne ngayon dahil busy kami sa preparation ng wedding nila Kylie and Yuan. Ngayon susukatin ni Kylie yung gown niya kaya hindi siya makakasama samin. Garden Wedding yung kasal nila. Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na ikakasal na si Kylie. Parang kailan lang isip bata pa siya (well hanggang ngayon parin naman pero slight nalang lol) pero ngayon siya pa pala yung unang ikakasal samin nila Dianne and Claire. Masaya ako para sa mga kaibigan ko dahil nahanap na nila yung mga taong para sakanila talaga. Isa lang yung masasabi ko sakanila, "SANA ALL"

"Sorry I'm late, traffic e." agad na bungad ko sakanila pagdating ko sa coffee shop. "Oh, bakit andito kayo?" tanong ko kila Ivan, Felix, Cael, and Ethan.

"Eh kasi cancel muna yung lakad natin ngayon, isusukat na din kasi natin yung mga gown na isusuot natin pinapasabi ni Kylie kaya pumunta na din daw tayo doon." paliwanag ni Dianne kaya tumango ako.

"But what about Julian? Paano kung makakadating siya sa kasal?" i asked.

"Sus, walang problema yan, sila Yuan na yung bahala diyan sa boyfriend mo." natawa naman ako sa pag-eemphasize ni Ivan sa boyfriend.

"Tsk, Let's go. I have meetings to attend later." tsaka na lumabas si Cael ng coffee shop.

"Selos lolo niyo! HAHAHAHA" tumatawang sabi ni Ivan pero hindi ko nalang pinansin yung sinabi niya at lumabas na rin.


Cael's POV

Kahit kailan talaga alam na alam ni Ivan kung paano manira ng mood!

"Andito ka na pala pre, nasaan yung iba?" tanong ni Yuan pagdating ko.

"They're on their way." sagot ko tsaka ako umupo dun sa couch. Ilang minuto lang yung lumipas nagsidatingan na rin sila. Nung kompleto na kami may mga assistant na na lumapit samin para magfit ng damit namin. Simpleng polo and pants lang yung suot namin dahil garden wedding naman kaya hindi na namin kailangan mag suit. Agad kaming natapos na magfit kaya bumalik na agad kami dun sa couch kung nasaan sila Kylie and Yuan.

"Tara na Arianna bilis na, itanong na natin kay Kylie kung bagay ba sa'tin." rinig kong sabi ni Dianne.

"Oo na, heto na sandali lang."

Naunang lumabas sila Claire and Dianne tsaka sumunod si Arianna. Di ko alam pero nung siya na yung lumabas biglang nag slow motion, yung paglakad niya, yung pagkurap niya, yung pagngiti niya, at yung paggalaw niya nag slow motion lahat sa paningin ko.

"Bagay ba?" Claire asked.

"Wow girls! You look fabulous! I really love lavender talaga! Bagay na bagay sainyo!" pagpuri ni Kylie sakanila.

"Cael ikaw, anong masasabi mo?" tinignan ko agad ng masama si Ivan dahil sa tanong niya. "Maganda ba?"

"Oo maganda." sagot ko.

"Yung gown o yung nagsusuot?" mapang-asar na tanong niya.

Hindi ako nakasagot dahil biglang may phone na nagring and kay Arianna 'yon.

Sealed With A Kiss (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon