Arianna's POV
"Parang kailan lang nung lagi tayong gumagala ni Arianna sa University. Hanggang sa makilala natin yung grupo nila Cael and si Dianne. Tapos ngayon i-ikakasal ka na." umiiyak na sabi ni Claire kay Kylie. Pati kami ni Dianne hindi na namin mapigilan yung mga luha namin. Ngayong araw na'to na kasi yung kasal nila Kylie and Yuan. At kasalukuyang andito kami sa kwarto kung saan inayusan yung bride.
"Ano ba, huwag na nga kayong umiyak. Baka masira yung mga make-up natin e. Gusto niyo bang mag-mukhang chaka sa wedding ko? Gusto niyo 'yon? Ayoko 'yon!" natawa naman kami sa sinabi niya. "Tsaka hindi naman ako mawawala mga sis! Ikakasal lang ako."
"We're just happy for you." nakangiting sabi ko sakanya. "Basta tuwing sinaktan ka ni Yuan sabihin mo agad samin para sabay sabay naming bubugbugin." natawa kaming apat dahil sa sinabi ko. "Just kidding, alam ko namang hindi gagawin ni Yuan sa'yo yun. He loves you so damn much. Basta i'm happy for the both of you, best wishes." tsaka ko siya yinakap.
"Ano ba kayo, pinapaiyak niyo'ko e. Magsalita ka na rin Dianne para isang iyakan nalang." biro ni Kylie.
"Wala akong masabi e. Pero i just want to say na thank you guys for accepting me sa grupo. Hindi niyo hinayaan na ma-left behind ako. Lalo na sa'yo Kylie, you're always making me happy when i'm sad, you're always cheering me up. And now ikakasal ka na. I know na magiging mabuti kang asawa at ina sa asawa mo at sa magiging anak niyo. We wish you all the best! I love you sis!"
"Thank you guys. But i hate the three of you for making me cry! But seriously thank you guys. Thank you for appreciating me, thank you for loving and treating me like your sister. Thank you sa lahat kahit na minsan ang childish ng actions ko pero hindi yun nagkaroon ng negative effect sainyo, mas lalo niyo pa akong minahal dahil sa pagiging childish ko. Thank you kasi pinaranas niyo sakin yung magkaroon ng totoong kaibigan. I love you guys!"
"Group hug!!" sigaw ko tsaka kami nagyakapang apat doon. Bumitaw lang kami sa pagkakayakap nung may kumatok sa pinto at pagtingin namin yung organizer.
"Ma'am magready na po tayo dahil malapit ng mag-start yung wedding." tinanguan namin yung organizer kaya sinara niya na yung pinto.
"Ilang minuto nalang at magiging Mrs. Ramos ka na. Paano ba yan? Kailangan na naming pumunta sa venue. See you there." tsaka ko siya bineso. Ganun din yung ginawa nung dalawa tsaka na kami sabay sabay na umalis dun at nagready na sa venue.
Ilang minuto lang at nagsimula na yung event. Si Julian yung partner ko kaya sabay kaming naglakad sa aisle hanggang sa maghiwalay na kami at nagpunta sa upuan namin. Agad kong tinignan kung sino na yung next na naglalakad at si Cael yun and yung partner niya si Amber. Nakangiti ako habang nakatingin sakanila at nagtama yung tingin namin ni Amber kaya tinanguan ko siya at ganun din siya.
Ilang minuto lang yung nakalipas at si Kylie na yung naglalakad kasama yung mga magulang niya. Lalong lumitaw yung hubog ng katawan at ganda niya dahil sa suot niyang gown. Nakangiti siya habang naglalakad kaya napangiti rin ako. Sana mahanap ko na rin yung lalaking papakasalan ko. Lilingon na sana ako para tignan si Yuan pero nahagip ng paningin ko si Cael na nakatingin sakin kaya nginitian ko siya at ganun din siya sakin. Ang gwapo niya sa suot niyang polo. Mukha na talaga siyang matured.
Nung nakarating na si Kylie sa harap ng altar nagsimula agad yung pari sa maikling misa kaya umupo na kami.
"Ms. Kylie Lim, do you take Mr. Yuan Ramos as your lawful husband, to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish until death do you part?" tanong ng pari pagkatapos ng maikling misa.
BINABASA MO ANG
Sealed With A Kiss (COMPLETED)
RomanceIt was all started when i was 16.... Cover is not mine, credits to the rightful owner. Date Started: May 27, 2020 Date Ended: November 17, 2020 Highest Rank Achieved #1 in sealedwithakiss