Chapter 14: Back

437 89 9
                                    

Cael's POV


Kagaya nga ng inaasahan ko maaga akong nagising. 3:28 AM nung nagising ako kasi nakaramdam ako ng gutom. Mahaba haba na din naman yung tulog ko kaya bumangon na'ko tsaka ako nag hilamos sa banyo.

After ko maghilamos, bumaba na'ko papunta sa kitchen tsaka ako naghanap ng pagkain sa fridge. Ininit ko lang sa microwave tsaka na'ko kumain. Actually kagabi excited akong pumasok, pero ngayon kinakabahan ako. Sana naman di na siya galit sakin.

Pagkatapos kong kumain nag browse lang ako sa internet tsaka na'ko naligo. Balak ko kasing pumunta sa Girls Dormitory, susunduin ko siya para maaga akong makapag sorry sakanya.




Arianna's POV

5:00 AM palang bumangon na'ko, balak ko kasing maunang mag-almusal tsaka pumasok sa dalawa. Alam ko kasing kapag sumabay ako sakanila di nila ako tatantanan ng mga tanong nila, lalo na si Kylie.

Kaya after ko mag-ayos dahan dahan kong binuksan yung pinto, palabas sa dorm.

"AY BUTIKI!" nabigla ako nung nakita ko si Cael na nakasandal sa pader sa gilid ng pinto.

"Go-good morning." sabi niya tsaka alanganin na ngumiti.

Natatawa ako sakanya pero di ko pinahalata.

'Mukha kang tanga HAHAHA.'

Di ko nalang siya pinansin tsaka na'ko nag tuloy tuloy sa paglalakad. Di ko parin makalimutan yung sinabi niya sakin kahapon duh! Ang sakit kaya sa bangs ng mga sinabi niya. Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makapasok ako sa elevator, sunod lang din siya ng sunod sakin.

Actually di naman na ako galit sakanya e. Pero syempre di ko muna siya papansinin para di niya na ulitin.

"Arianna sorry na, di ko naman sinasadya e." sabi niya nung nasa loob na kami ng elevator.

Pero di ko parin siya pinapansin.

"Arianna please, kausapin mo na'ko di ko talaga sinasadya yung k--" natigil siya sa pagsasalita nung nilingon ko siya tsaka siya tinignan ng masama.

'Tama yan, makuha ka sa tingin, ingay mo e.'

Nung bumukas yung elevator, lumabas na'ko. Nakasunod lang ulit siya sakin hanggang sa makarating kami sa cafeteria.

"Ako na yung mag-oorder, umupo ka na." pagkatapos niyang sabihin yun tumakbo na siya papuntang counter.

'Himala, anong nakain ng lalaking 'to at pumila siya?.'

Kagaya ng sinabi niya umupo nalang ako, hinintay ko nalang siyang matapos sa pag oorder.

"Here." abot niya sakin ng sandwich tsaka tubig.

"Thanks."

"Sawakas nagsalita ka rin! Sorry na talaga pleaseeee. Promise di na mauulit. Kausapin mo na ulit ako." sabi niya tsaka siya nag-puppy eyes.

"Sila na ba?"

"Grabe! Tignan mo si Cael! Mukhang may LQ sila. Ang kyuttt mag puppy eyes!"

Sealed With A Kiss (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon