Chapter 33: Plan

299 58 3
                                    

Arianna's POV



Nagising ako dahil naramdaman kong kumikirot yung ulo ko. Umupo ako sa kama tsaka ako kumuha ng tubig sa side table at ininom yun. Nasamid ako nung naalala ko yung mga ginawa ko kagabi.



"What the hell?!" pinunasan ko yung bibig ko dahil sa natapon na tubig.



'I miss you..'



"Holy shit?! S-sinabi ko ba talaga 'yon? N-no! Baka panaginip lang? Right! Panaginip lang kasi si Julian yung naghatid sakin dito!" pagkukumbinsi ko sa sarili ko.



"Oh, gising ka na pala. Hinahanap ka ni Julian kagabi sakin kasi di ka daw niya mahanap, tapos nakita namin nandito ka na pala. Ang himbing ng tulog mo ah." para akong pinagbagsakan ng langit at lupa dahil sa narinig ko kay Claire.



"H-hindi si Julian yung naghatid s-sakin dito?" kinakabahang tanong ko.



"Hindi. Sabi niya binalikan niya daw yung phone niya sa sasakyan tapos iniwan ka niya sandali sa tapat ng elevator. Tapos pagbalik niya wala ka na daw. Tapos ayun nga nakita ka na naming natutulog dito. Buti nga hindi ka naligaw e."



So hindi panaginip yung nangyari? Si Cael yung naghatid sakin dito at totoo yung sinabi kong I miss you sa elevator??!



Napasabunot nalang ako sa buhok ko dahil sa ginawa kong katangahan. Ang tanga mo talaga Arianna! Baka mamaya ano yung isipin ni Cael e! P-paano ko na siya haharapin niyan?




"Mag-ayos ka na. Naghihintay na sila sa baba kakain na tayo." hindi ko alam kung anong isasagot ko sakanya. Sasama ba ako o gagawa ako ng excuse? Sigurado kasing nandun si Cael at nahihiya ako sa sinabi ko sakanya kagabi. Pero kapag hindi ako sumabay baka naman makahalata siya na iniiwasan ko siya. Bahala na nga!




"Sige, mag-aayos lang ako." sagot ko sakanya tsaka pumasok sa banyo.




Pagkatapos kong mag-ayos sabay kaming bumaba ni Claire at pinuntahan yung mga kasama namin.




"Oh, andito na pala si DI AKO LASHING e." bungad ni Ivan samin ni Claire tsaka sila nagtawanan dun. Kinunot ko yung noo ko para magpanggap na hindi ko alam yung tinutukoy niya.





"What do you mean?" kunyaring nagtataka na tanong ko pagkaupo ko dun.




"Wala kang naaalala?" tanong ni Dianne kaya tinodo ko pa yung pagpapanggap.




"W-wait, don't tell me na may ginawa akong kahihiyan kagabi?" pag-arte ko.




"Wala naman. Basta sabi mo lang hindi ka lasheng." natatawang sabi ni Ivan kaya natawa ako. Kakahiya ka self! Nakita ko sa peripheral vision ko na nakatingin si Cael sakin habang nakangiti pero hindi ko 'yon pinapansin.




Sealed With A Kiss (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon