Chapter 37:Finale

414 57 0
                                    

Arianna's POV

Akala ko hindi na kami magkaka-ayos ni Cael. Akala ko tapos na talaga kami. Akala ko hindi ko na siya mahal, akala ko hindi niya na'ko mahal. Pero akala ko lang 'yon lahat. Sa buhay hindi mawawala yung mga pagsubok. Sa buhay hindi puro saya lang, asahan mo na lungkot yung kasunod ng saya.

Ganun din sa pag-ibig. Hindi puro tamis, kailangan may pait din. Walang relasyon na perpekto. Basta ang mahalaga ay mahal niyo ang isa't isa. At ang pinakamahalaga sa lahat ay ang TIWALA. Huwag nating madaliin ang lahat ng bagay. Kung nahihirapan ka ngayon ayos lang yan. Dahil sa dulo worth it lahat yan.

"Ano sis may nabili ka na bang regalo?" tanong ni Kylie kay Claire. Nandito kasi silang dalawa sa office ko dahil wala silang duty kaya ako yung ginugulo nila. Si Dianne naman busy kaya wala siya dito.

"Wala pa. Bibili palang kami ni Ivan mamaya. Ikaw ba?"

"Si Yuan na yung bahala dun. Ikaw Arianna? May regalo ka na ba sakanya?" tanong ni Kylie sakin kaya tumingin din si Claire. "Oh, bat ganyan yung itsura mo? Don't tell me na hindi ka aattend sa birthday ni Cael?" hindi ako sumagot sakanila. Nagkunwari akong busy sa pagta-type sa laptop.

"Hindi porket ex mo siya hindi ka na aattend. Hoy hindi ka na teenager para umakto ng ganyan sis!" sa loob loob ko gusto ko ng tumawa ng malakas. Isang buwan na kasi yung nakakalipas simula nung nagkaayos kami ni Cael. And wala pang nakakaalam sa squad na nagkabalikan na kami. Gusto kasi namin ni Cael na isurprise sila. Ang hirap pala kapag patago kayong nagkikita. Ilang beses ng nagtangka si Cael na sabihin pero lagi ko siyang pinanlalakihan ng mata. But don't worry guys. Bukas ko balak sabihin sainyo na "Surprise! Kami na ulit ni ex!" HAHAHAHAHAHAHA.

"Don't worry pupunta ako bukas. And hindi naman ako ganun ka-immature duh." sagot ko habang busy parin sa pagta-type. Magkachat kasi kami ni Cael and ang hirap magpigil ng ngiti sa totoo lang.

"Oh sige na sis, aalis na kami. Busy ka e." sarcastic na sabi ni Claire kaya wala sa sariling tumango ako dahil kinikilig ako sa chat ni Cael. "Seriously?" rinig kong bulong niya kay Kylie. "Okay byeee."

"Look, she's so busy. May dinedate na ba siya? Kanina ko pa napapansin na pinipigilan niya yung ngiti niya. At hindi man lang siya nagpaalam satin hmp!" bulong ni Kylie pero naririnig ko parin. Hindi lang ako sumasagot sakanila dahil baka kapag nagsalita ako maupo ako sa hotseat at malalaman na nila. Ilang oras nalang din naman at malalaman na nila e. Kaya konting tiis nalang girls.

Nung nakalabas na sila ng opisina agad na'kong nagtext kay Cael na uuwi na'ko dahil may mga aasikasuhin pa'ko sa bahay. Pero yung totoo kukunin ko na yung ireregalo ko sakanya sa mall. I have no idea kung ano yung gusto niya. But he's thoughtful. Kaya alam kong maa-appreciate niya kahit ano pang ibigay ko sakanya. Pagdating ko sa mall pumasok ako sa Carat Shop tsaka ko na kinuha yung pinagawa kong dalawang singsing. 1 week ago pumunta na'ko dito at bumili ako ng dalawang singsing na size ng finger ko at finger ni Cael. Simple lang siya na gold ring na naka engraved yung name ko sa singsing niya and naka engraved naman yung name niya sa singsing ko. How sweet right? Pagkatapos kong makuha yung singsing umuwi na'ko samin para iprepare yung isusuot ko bukas.

Kinabukasan tanghali na'kong bumangon dahil hindi ako makapagdecide ng isusuot ko para mamaya. At isa pang dahilan is sabay naming sinalubong ni Cael yung birthday niya through video call kaya parehas kaming puyat. Pagkagising ko naghilamos lang ako tsaka ako nag-work out dahil medyo matagal tagal narin nung last na nag-exercise ako. Pagkatapos ko kumain na'ko tsaka naligo. Paglabas ko ng CR naka bathrobe lang ako dahil ayokong malukot yung isusuot kong dress habang inaayusan ko yung sarili ko. Nag apply lang ako ng light make-up tsaka ko kinulot yung buhok ko and sinuot na yung damit ko.

Sealed With A Kiss (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon