Chapter 12: Jealous

439 88 8
                                    

Cael's POV


Nung matapos na namin silang mahatid naglakad na ulit kami ni Ethan pabalik sa bahay.


'Sawakas nasabi ko na rin sakanya. Di na'ko makapaghintay bukas'


"Gusto ko si Arianna, actually nililigawan ko na siya." basag ko sa katahimikan, napahinto sa paglalakad si Ethan tsaka niya ako nilingon. Huminto din ako sa paglalakad tsaka ko din siya tinignan ng seryoso.

"Bakit mo sinasabi sakin yan?" tanong niya tsaka na naglakad ulit.

"Nililinaw ko lang. Alam ko na nagustuhan mo din siya, baka kasi gusto mo pa siya."

Napatingin ako sakanya nung bigla siyang tumawa ng mahina.

"Seriously Cael? Kami na ulit ni Dianne. And yeah gusto ko si Arianna..." sabi niya kaya tinignan ko siya ng masama. "Dati, pero di na ngayon." pagpapatuloy niya kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Buti naman, but thank you, and kay Dianne." sabi ko sakanya tsaka ako natawa.

"For?"

"I don't know?" natatawang sabi ko. "Baka dahil kung hindi ka umamin that night na gusto mo na ulit si Dianne malamang hanggang ngayon ikaw parin yung gusto niya."

"Wait, what do you mean that night? And ano? Hanggang ngayon ako parin yung gusto niya?"

"Nung birthday ni mom, nung lumabas ka sinundan kita, and narinig ko yung pinag-usapan niyo ni Arianna. Diba nung turn niya na para sabihin sayo yung balak niyang sabihin, sinabi niya na may iba siyang gusto? Pero yung totoo, sasabihin niya na dapat na gusto ka din niya. Kaya nung umalis ka na pinuntahan ko agad siya, pero di agad ako nakalapit kasi umiiyak siya. Nakayuko lang siya, tahimik na umiiyak. That's the first time i saw her crying. Nasaktan din ako nung mga oras na yon. Yung babaeng gusto ko iniiyakan yung iba. Yup tama, gusto ko na siya sa simula pa lang." kwento ko sakanya tsaka ako ngumiti ng mapait.

"I know." sagot niya na ipinagtaka ko.

"Know what?" tanong ko sakanya.

"Na gusto mo siya sa simula pa lang. Kaya nga tinigilan ko na siya e. Nung gabi na yon. Hindi totoo yung mga sinabi ko sakanya, kaya ko lang sinabi yon para makalayo na'ko sakanya, ginawa ko lang na excuse si Dianne, but don't get me wrong. Mahal ko talaga si Dianne, and i'm happy na kami na ulit ngayon. Kaya pasalamat ka talaga sakin kasi nagparaya na'ko." sabi niya tsaka siya tumingin sakin.

"HAHAHHAAHAHAHA" sabay na tawa namin.

"Okay na sana e. Kayo ang corny nung last sentence." natatawang sabi ko. Pero nagulat ako sa sinabi niya na kaya niya sinabi yon kay Arianna dahil sakin? Dahil alam niya na gusto ko si Arianna sa simula pa lang? Edi may chance pa na gusto niya parin si Arianna?

"But wait, sure na bang wala ka ng gusto kay Arianna? Kasasabi mo lang e, na hindi totoo yung mga sinabi mo sakanya that night." tanong ko sakanya.

"Ang kulit mo talaga kahit kailan Cael. Di ko na nga siya gusto ngayon, si Dianne na. Isa pa uupakan na talaga kita."

"Okay sabi mo e. Basta siguraduhin mo lang." pagbabanta ko sakanya.

"Bahala ka! Basta goodluck sa panliligaw mo hahaha." sabi niya tsaka niya tinapik yung balikat ko tsaka na siya pumasok sa loob ng bahay.

"Tss, di ko namalayan na nandito na pala kami." sabi ko sa sarili ko. "Tama si Ethan, goodluck sakin." tsaka na'ko pumasok sa loob ng bahay.




Sealed With A Kiss (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon