Arianna's POV
"Hey girl, napapansin ko lang bakit kanina ka pa tulala ha? Simula kaninang nag dinner tayo ang tahimik mo na. Tapos ngayon tulala ka." tanong ni Kylie sakin tsaka siya umupo sa kama ko, sa tabi ko.
"May problema ba?" tanong din ni Claire tsaka siya umupo sa may harap ko.
Tinignan ko muna sila tsaka ako bumuntong hininga.
"S-si Amber..."
"Oh napano siya? Sinaktan ka ba niya ha? Tara reresbakan ka namin!" natawa ako sa sinabi ni Kylie. Kahit papaano medyo gumagaan na yung pakiramdam ko.
"Baliw hindi niya ako sinaktan. May sinabi lang siya sakin." sagot ko sakanila.
"Anong sinabi niya sayo? About ba kay Cael?" seryosong tanong ni Claire kaya tumango ako. Narinig ko na bumuntong hininga pa siya. "Anong sinabi niya?"
"May balak ulit siyang kunin si Cael sakin."
"I knew it! Gusto niya pa si Cael kaya ganun nalang siya makayakap kanina sa Cafeteria tsk." bulong ni Kylie.
"So anong plano mo?" tinignan ko si Claire sa tanong niyang yun.
"Wala. Ano ba dapat ang gawin ko?"
"Eh bakit kanina pa malalim yung iniisip mo?" -Kylie
"Natatakot ako na baka iwan ako ni Cael. Baka bigla niya nalang akong ipagpalit kay Amber." malungkot na sabi ko.
"Ano ba, hindi gagawin ni Cael sayo yun. Obvious naman na mahal ka niya e. Wala ka bang tiwala sakanya?"
"Syempre sakanya may tiwala ako, pero kay Amber wala."
"Edi mag usap kayo ni Cael bukas. Sa ngayon matulog na tayo dahil maaga pa yung pasok natin bukas. Basta tandaan mo lang yung salitang Trust yan yung nagpapatibay ng relasyon." tumango ako sa sinabi ni Claire. Tama siya, kailangan may tiwala kami sa isa't isa ni Cael.
"Thank you girls. Goodnight."
"Goodnight." -Kylie/Claire.
***
Kinabukasan pagkatapos ng morning class namin inaya ko si Cael na mag lunch kami sa rooftop.
"Bakit dito ka nag-aya ng lunch?" tanong ni Cael sakin pagdating namin dun.
"Bakit ayaw mo ba? Pwede naman tayong bumaba kasama yung iba."
"Ikaw ha? Gusto mo'kong ma-solo." tsaka niya sinundot sundot yung tagiliran ko.
"Sira! Ang feeling mo, kumain na nga tayo." natatawang sabi ko sakanya tsaka na kami sumubo ng binili naming pagkain.
"May problema ba?" tanong niya kaya napatigil ako sa pagsubo. Bumuntong hininga ako bago ako magsalita.
"Hindi mo naman ako sasaktan diba?" tanong ko sakanya na ikinakunot ng noo niya.
"Bakit naman kita sasaktan?" tanong niya tsaka siya lumapit sakin at hinawakan ako sa balikat.
"Natatakot ako na baka iwan mo'ko at ipagpalit mo'ko kay Amber." hindi ako makatingin sakanya habang sinasabi yun dahil nahihiya ako.
BINABASA MO ANG
Sealed With A Kiss (COMPLETED)
RomanceIt was all started when i was 16.... Cover is not mine, credits to the rightful owner. Date Started: May 27, 2020 Date Ended: November 17, 2020 Highest Rank Achieved #1 in sealedwithakiss