Chapter 39;

9 1 14
                                        

I Love You 


After a few days our final exam finally ended, our practice for our graduation is soon to end too. Aaminin ko ayaw ko muna, I'm happy thanks to Senior High School... Nung una para sa akin kalokohan lang ito, but I didn't expect Senior High School made me have new found friends that I never expected to happen.


Also, akala ko ready na akong mag-college... pero nung nag Senior High ako dun ko na realize na ang dami ko pang kaylangan matutunan. And know at least I know I will last in college right? I wanted to be with my friends kaya ngayon pa lang pinag-sisisihan ko na hindi ako nag enroll sa University kung saan sila nag enroll.


But their actions says that we were going to be fine, mag-kikita at mag-kakasama pa rin kami. I hope so...


Maddie, Blair, Shannon and I decided to keep it to ourselves na bati na kaming lahat, it was a sudden decision to be honest. Sa library pa rin ako nag ta-take ng exams at hindi kami nag u-usap sa school, may bodyguards pa rin ako tulad ng plano. We don't want Seifer to know na nag-kausap na kami.


Napag-kasunduan namin na i-surprise si Seifer, para makapag-usap at magka-ayos na kami. Well, I hope its not too late... Madalas ko pa rin silang nakikita mag-kasama ni Danica, I don't know why pero hindi ko na lang iintindihin yun. In fact, kaya lang naman hindi makalapit si Seifer sa akin dahil sa mga body guards ko, pero that Danica? Tss!


I brushed away that thought, konting tiis na lang naman.


Hindi talaga siya titigil hanggat hindi bumabalik si Seifer sakanya no? Blair told me that the boys don't know about our plan, they don't have any idea. And I think its better to keep it that way, mas konti ang may alam mas okay. 


I'm excited! Ang kaylangan ko lang mag-tiwala kay Seifer na ako pa rin ang mahal niya at a-antayin niya ako, that's easy... I trust Seifer that much. He loves me and he already prove that to me.


Kaya ko to, konting tiis lang!


He has done so many things for me para hindi ako mag tiwala. I try to convince myself, because of course, sino ba naman ako para hindi mag-overthink diba?


Pero may tiwala ako sakanya.


I kissed Mama Clara after we said our good bye, as usual aalis ulit siya for a business trip. Papunta siyang Russia ngayon, she will be there for almost three days.


Umakyat na ako sa kwarto para tignan ang oras, its Sunday. And maya-maya lang darating na sila Maddie and Blair. They visit me everyday, and that's okay. Sayang lang si Shannon lang hindi nakaka bisita. Busy daw siya at babawi na lang, naalala ko pa dati kung paano ako mainis nung napili nila na tumambay sa bahay. Ah I missed those days, miss ko na rin si Seifer, sa Friday na ang graduation namin.


And yeah the day before the graduation magaganap ang surprise para kay Seifer, I'm excited miss ko na siya!


Aah! Na pagod ako, sumilip ako bintana ng van papunta na akong school ngayon. Galing akong mall para bumili ng piece offering para kay Seifer, hindi naman kaylangan pero why not? Naalala ko na madalas niya akong binibigyan ng regalo nung panahong kaka-transfer ko pa lang ng Hisui, siya ang laging nag-bibigay ng gift so bakit hindi na ako naman ang mag bigay ngayon diba?

The Unpaid Therapist!Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon