Prologue
Traniyha's PoVNagsisimula ang lahat sa kasiyahan papuntang kalungkutan. Mahirap maging masaya, balang araw ay magiging kahinaan mo rin 'yan.
Pagod man sa kakatakbo ay nagpatuloy parin ako, naghahanap ng matataguan.
"Tulong!" Malakas na sigaw ko para lang may makarinig sa akin. Sa kasamaang palad ay napadpad pa ako sa madalang ang bahay.
Ayos lang na madapa na ako sa kakatakbo ko huwag lang maabutan ng tatlong lalaking humahabol sa akin.
Nagkaroon ako ng matinding pag-asa ng makakita ng isang sasakyan na paparating. Huminto naman ito sa harap ko, halos kalampagin ko na ang kotse niya labasin lang niya ako.
"Miss?" Aniya at bumaba nga ng kotse. Umiiyak na nagpunta ako sa likod niya at doon nagtago.Hindi ko na inuna pa ang hiya,dumikit na ako sa kanya kahit puro dumi ang suot ko.
Iniangat naman niya ang tingin sa daan at doon nga niya nakita ang tatlong lalaki na humahabol sa akin. Nakita ko kung paano kumunot ang noo niya at bumaling ulit ng tingin sa akin.
"K-kuya, t-tulungan niyo po ako." Pagmamakaawa ko. Wala na akong pakialam kung marumi ako at wala ng sapatos na suot.
"Hoy! Nagtawag ka pa talaga!" sigaw ng nasa gitna sa kanila. Lalo naman akong nagtago sa likod ng lalaki na kinakapitan ko.
Hingal, kaba at takot na ang nararamdaman ko. Halo-halo at halos hindi ko na mapagsabay-sabay.
"Anong kailangan niyo?" sabi ng lalaking kinakapitan ko.
Humalukipkip pa ang nakagitna at natatawang tumingin pa sa akin."Yung katawan ng babae na 'yan!"Direktang sabi ng isa sa kanila.
Sa kaba ko ay lalo kong hinigpitan ang pagkakakapit sa suot nito. Nanginginig man sa takot ay pilit kong pikinakalma ang sarili ko.Ngayon lang sa akin nangyari ang ganitong bagay,sa simula pa lang ay hindi ko na alam ang gagawin ko.
Buong katawan ko ay pagod na pagod na. Mula ulo hanggang paa ay pagod na. "Halika," sabi ng lalaking nasa harap ko at itinuro pa ang kamay niyang lumapit sa amin.
"What are you doing?" natatakot na tanong ko dito. Lalo pa niya akong inilagay sa gawing likod niya.
"Basta, magtiwala ka lang." Bulong nito,tumango na lang ako sa kaniya.
"Ibibigay mo ba sa'min 'yan?" Ani pa nang nasa gitna.
"Basta lumapit kayo," naiinip ng sabi nito.
Dahan-dahan naman silang lumapit habang nakangiti pa sa akin. Paglapit sa amin ay isa-isa niyang nileegan iyon,kaya lahat ng iyon ay nakatulog. Wala man lang kalaban-laban ang mga 'yon, hindi ko naman magawang maawa.
"Tatawag ako ng pulis," ani nito at kinuha ang cellphone sa bulsa niya. Tumango ako at nanginginig na umupo sa sahig. Wala na akong pakialam kung ano ang itsura ko, dahil sa pagod ay hindi ko na naisip kung ano ang dapat gawin.
Hanggang ngayon ay nandito parin ang kaba sa loob ko, hindi nawawala. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung saan ang hantong ko kung naabutan nila ako. Natatakot ako.
Itinayo ako ng lalaki at tiningnan ang kabuuan ko. "May ginawa ba sila sa'yo?" Mabilis na umiling naman ako sa kaniya.
"Hinabol lang nila ako,"kahit papaano ay may pagkakalma naman na ang pagsasalita ko.
Dumating ang mga pulis ilang sandali lang. Ang lalaki na ang nakipag-usap sa kanila. Habang wala pa ang pulis kanina ay tinanong niya ako ng tinanong,dahil don ay nakahinga ako ng maluwag.

YOU ARE READING
Huling Sandali
Novela JuvenilTraniyha, who fear to fall in love. Losing someone is one of her weakness. But she love the person so much, that she wish everything for him. She found the person that will treat her the way she dreamed of being treated. Having Joshua in her life, s...