Chapter 4

6.3K 295 3
                                    

Maaga pa lang nagising na si Sabrina para maghanda ng susuotin niya para mamaya, ngayon kasi sila mamimili ni Gab para sa rekado ng menudo.

Miniskirt at red gap backless ang sinuot nya at rubber shoes. Naglagay siya ng sunscreen saka polbo at lipgloss. Tinali niya pataas ang buhok niya.

Nang makonteto kinuha niya ang maliit na sling bag niya na kasya lang ang cellphone at wallet.

Lumabas na siya ng kwarto at dumiretso sa kusina, naroon na ang Daddy, Mommy at pati ang Kuya niya, nag-aalmusal na ang mga ito.

"Good morning!" masayang bati niya dahil parang ang tahimik nila.

"Morning..." bati ng kapatid niya.

"May lakad ka ba, Sabrina?" tanong sa kanya ng Daddy niya na hindi inaalis ang mata sa binabasang diyaryo.

Naupo siya sa tabi ng kuya niya bago sumagot, "Yup!" aniya saka tinusok ang hotdog at nilagay sa plato niya.

"Saan naman ang punta mo?" tanong ng Mommy niya.

"Magkikita kami ni Gabin, mamimili kami ng rekado kasi magka-partner kami sa TLE, magluluto kami ng menudo," paliwanag niya sa Mommy niya na halatang hindi naman interesado sa sinasabi niya. Nagkibit-balikat na lang siya. "Ahm, My, penge akong pera mag-aambagan kami eh."

Naglabas naman ng three hundred ang Mommy niya at inabot sa kanya.

Nagpasalamat siya at kumain na. Wala ng umiimik sa kanila habang kumakain. Sanay naman na siya sa mga magulang nila. kahit kailan di pa niya nakitang sweet sa isa't-isa ang mga ito. Nag-uusap lang ang mga ito kapag may pinagtatalunan.

Ang Daddy niya ang unang umalis sa lamesa, mayamaya ang Mommy naman niya.

"Sab..." pukaw sa kanya ng kapatid, nilingon niya ito at napakunot ang noo niya nang makitang parang problemado ito.

"Oh?" nakataas ang kilay na tanong niya dito.

"Baka maghiwalay na sila Mommy," malungkot ang boses na anito. Sa kanilang dalawa ang kuya niya ang mas apektado sa sitwasyon ng mga magulang nila, kaya di na siya nagtataka na mukhang depress ito sa mga nangyayari sa magulang nila.

"Yaan mo sila," balewalang sabi niya. Sa tingin niya naman wala namang magbabago kung maghiwalay ang mga magulang nila. Para sa kanya selfish ang mga magulang nila. Kahit kailan wala siyang natandaan na lumabas o namasyal silang pamilya na magkakasama. Halos si Aling Belen na rin ang nagpalaki sa kanila ng Kuya niya. Dahil lagi namang busy ang mga magulang nila.

"Parents pa rin natin sila..." patuloy nito. "'Di ba dapat gumawa tayo ng paraan para hindi sila maghiwalay?"

Naaawa siya dito minsan, mas malambot pa ang damdamin nito kaysa sa kanya, parang ito ang babae sa kanilang dalawa. Parang siya nga rin ang panganay dahil madalas niya pa itong ipagtanggol.

"Alam mo, di ka naman siguro bulag. Ayaw nila sa isa't-isa. 'Di nga sila makatagal na magkasama sa isang lugar eh," iritang sabi niya. Kung siya ang tatanungin mas gusto niya pa na maghiwalay ang mga magulang nila, kasi gano'n din naman, parang wala silang magulang.

Pagkatapos silang abutan ng pera magsisilayas na, tapos babalik na lang uli para bigyan sila.

Di na umimik ang kapatid niya kaya tumayo na siya at umalis.

Sumakay siya ng tricycle papunta ng bayan, nag-text na sa kanya si Gabin na nando'n na daw ito.

Ten minutes lang na sa bayan na siya. Nagbayad siya sa tricycle at bumaba na. Naglakad siya papunta sa bakery, ando'n daw si Gab.

Natanaw niya naman kaagad si Gab. Kumakain pa ng tinapay at may hawak na softdrinks.

"Tara na?" aya niya dito paglapit niya.

The Crazy Tease (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon