Sabrina's POV
Halos mabaliw na siya sa kakaisip kung saan niya hahanapin ang anak. Halos mag-iisang buwan na itong nawawala sa kanya. Walang gabi at araw na hindi siya umiyak kakaisip kung kumain na ba ito, kung may natutulugan ba ang anak niya o kung maayos ba ang kalagayan nito.
Lumapit na siya sa mga pulis. Pati si Jude ay nagpatulong na sa boss nito pero hanggang ngayon wala pa ring lead kay Gavin.
Sinisisi niya ang sarili. Kung hindi siguro siya nagpabaya hindi aalis si Gavin. Kulang na lang i-umpog niya ang ulo niya. Hindi niya magawang makatulog at kumain. Bumagsak na ang katawan niya dahil sa sobrang pag-aalala sa anak.
Kinausap siya ni Mickey at Jude na mas mabuting puntahan na niya si Gabin at sabihin dito ang totoo. Ayaw niya nung una dahil natatakot siyang masumbatan. Baka sakalin siya nito kapag nalamang nawawala ang anak nila, at na may anak sila!
Pero sa huli naisip niya tama ang mga ito. Karapatan ni Gabin at ng mga anak niya na magkasama-sama. Kaya heto siya ngayon lakas loob na umuwi ng San Ignacio para makausap si Gabino at aminin na dito ang totoo.
"Kaya mo 'yan..." ani ni Jude sabay tapik sa braso niya. Sinamahan siya nito para daw moral support.
Alanganing nginitian niya ito saka bumaba sa sasakyan nito at lumakad papunta sa pinto ng restaurant.
"Manong nandiyan ba si Gabino?" tanong niya sa guard ng Chef Melchor. Galing sila sa San Felipe sa bahay nila Gabin at napag-alaman niyang matagal ng naibente ang bahay ng mga Melchor doon. Sabi nang napagtanungan niya lumipat na raw ng San Ignacio ang magkapatid at na sa ibang bansa naman ang mag-asawang Melchor. Natuwa siya ng malamang may sarili ng restaurant si Gabin. Natupad din ang pangarap nito. Kahit papaano nagbunga ang paglayo niya.
"Ano pong kailangan niyo, Maam?" magalang na tanong ng security guard.
"G-Gusto ko sana siyang makausap... Ahmm... pakisabi si... si Sab, Sabrina Arcega."
Abot-abot ang kabang nadarama niya. Halos pigil-pigil niyang huminga ng tawagin nito ang isang staff na babae at sabihin sa boss ng mga ito na hinahanap niya ito. Halos mabali na ang kuko niya kakakutkot sa gilid ng jeans niya. Nang lumabas ang babae mula sa isang opisina at ituro sa kanya ang opisina raw ni Gabin parang gusto niyang tumakbo palabas.
Makailang ulit siyang huminga ng malalim. Pinagpag-pagpag niya rin ang kamay na para bang mababawasan no'n ang kaba niya. Umusal siya ng maikling dasal bago kumatok at pinihit ang pinto.
Malamig na aircon ang sumalubong sa kanya na mas lalong nagpanginig sa kanya sa kaba. Literal na huminto ang tibok ng puso niya nang makita ang lalaking nakayuko sa desk at abala sa pagbabasa. Nang mag-angat ito ng paningin nakita niya ang gulat sa mga mata nito. Bahagya pang napa-awang ang labi nito pagkakita sa kanya.
"S-Sab..." anas nito.
Hindi niya alam kung imagination niya lang o talagang gumaralgal ang boses nito. Nakagat niya ang pang ibabang labi upang pigilan ang paghagulgol at takbuhin ito para sugidin ng yakap.
Bigla itong tumayo dahilan para matumba ang inuupuan nito. Malalaki ang hakbang na tinawid nito ang distansiya nila saka siya hinila at mabilis na niyakap.
Hindi na niya napigilan pa ang mga luha. Gumanti siya ng yakap dito at umiyak nang umiyak. Lahat nang naramdaman niyang pangungulila sa napakaraming taon na malayo siya dito ay pinakawalan na niya. Para siyang batang humagulgol nang iyak habang mahigpit na yakap-yakap ito.
Naramdaman niya rin ang pagyugyog ng balikat ni Gabin.
"Bakit ang tagal mo... ang tagal ko nang nag-iintay sayo ditto," anito.
Hindi niya magawang magsalita nanatili lang siyang nakayakap dito.
"I'm glad you're back..." anito saka sinapo ang mukha niya. Nakita niyang namumula din ang mga mata nito. Halo-halong emosyon ang nakikita niya sa mga mata nito.
Ibubuka niya sana ang bibig para magsalita ng tumunog ang cellphone nito. Lumayo lang ito sa kanya ng kaunti sapat para makuha nito ang cellphone sa bulsa at masagot iyon. Nakatingin pa rin ito sa kanya.
"Hel--" hindi nito natuloy ang sasabihin, bigla itong natigilan at namutla ang mukha. Nangunot naman ang noo niya. "Saang hospital?" Patlang. "Okay, okay, pupunta ako!"
"Anong nangyari?" takang tanong niya pero may kabang umaahon sa dibdib niya.
"Si Gavin..." wala sa sariling anito. "Dinala nila Jasmine sa hospital," anito at nagmamadaling bumalik sa lamesa at kinuha ang susi.
Nanlaki ang mata niya sa sinabi nito. "S-Sino?"
"Mamaya ko na ipapaliwanag sumama ka sa akin." the urgency and panic is in his voice. Namumutla na rin ito. Hinila siya nito sa kamay. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanya na para bang tatakas siya. Mabibilis ang mga hakbang na lumakad ito papalabas ng restaurant. Agad naman silang natanaw ni Jude kaya mabilis itong lumabas ng kotse at sinalubong sila.
"Sab!" tawag ni Jude sa kanya.
Agad naman na hinila siya ni Gabin nang akmang sasalubungin niya si Jude.
"Who is he?" tanong ni Gabin na nakakunot ang noo. Hindi niya ito sinagot. Hinarap niya si Jude.
"Pupunta kaming hospital... Si... si G-Gavin--"
"Kung gusto mong sumama sumunod ka na lang, sa akin sasabay si Sab!" putol ni Gabin sa sasabihin niya. Marahas na hinila siya nito papalapit sa isang pulang range rover. Tinanguan niya na Lang si Jude at sinenyasan na sumunod na Lang sa kanila.
"Sino 'yon?" agad na tanong ni Gabin nang makasakay sila. "Boyfriend mo?" anito na Hindi nakaligtas ang pang-uuyam sa boses.
Nangunot naman ang noo niya dito. "H-Hindi-"
"Never mind," putol nito saka mabilis na pinasibat ang sasakyan.
Gusto niyang kiligin at isiping baka nagseselos ito nang makita si Jude pero nangingibabaw ang kabang nadarama niya. Paano kung ang Gavin na binanggit nito ay ang Gavin na anak niya?
Oh god please sana nga po...
Dasal siya nang dasal hanggang sa makarating sila sa hospital. Pagbaba nila ng sasakyan, siya namang dating din ni Jude. Mabilis itong bumaba at humabol sa kanila papasok sa loob ng emergency.
Nakita nila doon si Arjhay at isang babae na akbay-akbay ni Arjhay. Nanlaki ang mga mata ni Arjhay nang makita siya. Agad siya nitong sinalubong nang yakap.
"Sab! Tang'ina buhay ka pa nga!" anito sa kanya.
Napatitig siya dito. Ito pa naman ang dating Arjhay na kilala niya pero... Napasinghap siya. "Nagmukha kang tao!" bulalas niya.
"Ikaw nga si Sab!" anito na tuwang-tuwa kulang na lang ay magtatalon. "Bastos pa rin ang bunganga mo hanggang ngayon, manang-mana ka sa pinsan mo!"
Natawa siya sa sinabi nito. Ang natatandaan niyang Arjhay ay payat at laging may headband sa buhok. Wala na itong headband at mas lalong hindi na payat. Malaki na ang pangangatawan nito.
Tumikhim si Gabin sa likuran nila. "Asan si Gavin?" tanong nito kay Arjhay.
"Ay, Oo nga pala. Ando'n pa. Bigla na lang nahirapang huminga at namantal kaya isinugod namin ditto," sagot naman ni Arjhay.
"A-asan siya?" singit niya sa mga ito nang maalala ang anak. Malakas ang kutob niya na baka si Gavin nga at ang tinutukoy ng mga ito ay iisa.
"Papa!" napalingon silang lahat. Nakita niya si Gavin na nakaupo sa wheelchair at may nakakabit na dextrose sa kamay habang yakap-yakap ni Jude. Nag-uunahang pumatak ang luha niya at nanghina ang tuhod niya saka nandilim ang paningin niya.
BINABASA MO ANG
The Crazy Tease (completed)
RomanceLANDIIN si Gabino Melchor! Di baleng bumaksak ang grade basta pasado kay crush! Kaya lang hindi pala pwedeng maging sila.... First love ni Sabrina si Gabino kaya naman ng maging sila ay nakalimutan niya ang problema sa sariling pamilya.. Mahal na m...