Chapter 2

9.1K 305 7
                                    

"Maghanap kayo ng ka-partner. At pag-usapan niyo kung ano ang lulutuin nyo," sabi ni Ma'am Colonel teacher nila sa TLE bago lumabas.

Napalingon si Sabrina kay Gabin na nakatingin din pala sa kanya parang pareho ang iniisip nilang dalawa.

"Partner tayo," sabi nito na walang boses na lumalabas sa bibig. Tumango siya at ngumiti. Buti na lang at ito na ang nagprisinta dahil wala naman siyang ka-close sa mga classmate niya, lalo na sa mga babae. Karamihan sa mga ito ilag sa kanya dahil siya daw kasi ang blacksheep sa room. Yung mas madalas mag-cutting at mapaaway, kumbaga bad influence ang tingin sa kanya ng mga classmate niya.

Buti nga nag-transfer dito si Erika kaya may babae na siyang kaibigan bukod kay Jannah, na ngayon ay suspended. Puro kasi lalaki ang barkada niya, mga barkada ng Kuya niya na lagi nilang nakakasabay sa pag-uwi.

Tumayo ito para lumapit sa kanya pero hinarang ito ni Sonia - ang classmate nilang talande, at isa sa mga hayagang lumalandi kay Gabin.

"Gabby, partner tayo!" sabi nito na umangkla pa sa kamay ni Gabin, halata namang asiwa na si Gabin dahil dikit na dikit na kasi ang dede ng gaga sa braso ni Gabin.

"Hoy, lande, kami ang partner ni Gabin!" sigaw niya. Tumingin sa kanya ang iba nilang classmate. "Gabino, baby, come here," malanding sabi niya at kiniling niya pa ang ulo niya. Halata namang nagulat si Gabin pero natatawa lang.

"Sorry, Sonia, kami na ni Sab ang partner eh," apologetic na hinging paumanhin nito sa talanding babae.

"Kay!" inis na sabi nito at inirapan pa siya ng gaga bago tumalikod.

Naupo si Gabin sa tabi niya dala ang ballpen at notebook nito. Na sa dulo siya ng row nakaupo malapit sa bintana.

"Anong lulutuin natin?" tanong agad nito.

"Scramble egg?"

Ha-ha lang ang sinagot nito.

"Menudo kaya?" suhestiyon ni Gabin at saka nagpaliwanag kung paano lutuin at kung ano-ano ang mga ingredients.

"Ayos ah, marunong ka magluto?" humahangang tanong niya. Hindi kasi niya akalain na marunong pala itong magluto, dahil kung siya nga hindi eh, kahit magsaing. Nangalumbaba siya sa desk ng upuan nito at pasimple niya pang pinapungay ang mga mata niya.

"Siyempre, chef ang Tatay ko eh. Kapag bumababa siya sa barko tinuturuan niya kami ni Jasmine magluto," kuwento nito na parang hindi naman pansin ang pagpapa-cute niya dito. Minsan talaga di niya alam kung manhid ba ito o sadyang tanga lang.

"Ahh..." Tumango-tango siya. Alam niya naman seaman ang Tatay nito pero hindi niya alam na chef pala sa barko ang future father-in-law niya.

"So, gusto mo din maging chef?" tanong niya dito. Pinagmamasdan niya ito habang nagsusulat ito sa notebook nito ng mga kailangang ingredients.

"Oo. HRM kukunin kong course," sagot nito na hindi tumitingin sa kanya. Nakaramdam siya ng inggit dito. Buti pa si Gabin alam ang gusto sa buhay, siya kasi di niya pa alam kung anong course ang kukunin niya sa college. Ni hindi niya nga sure kung makaka-graduate siya sa dami ng bagsak niya kaka-cutting.

"Ah," na lang ang nasagot niya dito habang tinititigan ito.

Guwapo talaga ang loko sarap titigin. Tumutok ang mata niya sa labi nito, natural na mapula, kahit pa naninigarilyo ito hindi man lang nangingitim ang labi nito gaya ng sa ibang kilala niyang nagsisigarilyo. Ano kaya ang lasa ng mga labi ni Gabin? Kasing sarap din kaya ng mga napapanood at nababasa niya?

"Ikaw?" biglang baling nito na huminto sa pagsusulat at tumingin sa kanya. Napakurap-kurap naman siya dahil parang malulunod siya sa ganda ng mga mata nito.

The Crazy Tease (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon