Chapter 28

5.9K 284 51
                                    

Sabrina's POV


Doon niya nakilala si Jude. Ang lalaking nakabungguan niya noon sa St. Catherine, yung tall, dark and handsome na may hawig kay Aga.

Noong una ay ayaw siyang isama nito pero nagmakaawa at pinilit din ito ni Mickey. Nalaman niya rin na hindi pala ito ang ama ni Patricia, kundi ang nakatatandang kapatid nito na balak ng mga itong hanapin sa Manila. Hindi rin ito nag-aaral sa St. Carherine. Nang makabungguan niya ito, pumuslit lang ito sa loob para makausap si Mickey. Isang snatcher sa pier si Jude katulad ng kapatid nito. Pero kahit ganoon ay hindi niya ito hinusgahan. Dahil paglipas ng mga taon naging mabuti ito sa kanilang magkapatid at sa mga anak nila. Ito na nga ang tumayong Tatay ng mga bata.

Kahit papaano naging isang buong pamilya silang tatlo kasama ng mga anak nila. Kahit madalas na mapaaway si Mickey dahil lagi silang natsitsismis na pareho daw silang asawa ni Jude. Wala naman siyang pakialam sa mga tsismis na kumakalat. Hanggat alam niya sa sarili niya ang totoo wala siyang dapat ipaliwanag sa ibang tao.

Hindi niya rin akalain na makakasundo niya si Mickey. Dito niya rin nalaman na kambal sila. Hindi nga lang identical.

"Don't you know that we're twins?" anito ng nakaupo na sila sa close van na maghahatid sa kanila sa divisoria. Kaibigan raw ni Jude ang may-ari ng van.

Gulat na napalingon siya dito.

"Isang oras lang ang tanda ko sayo," nakangiting anito. "Alam mo rin ba na simula second year high school sinusundan na kita sa loob ng St. Catherine? Hindi mo nga lang ako napapansin." Nagkibit ito ng balikat. "Siguro dahil masyado akong plain. Unlike you, I'm just plain like a bond paper. Simple as a word it is." Umwiwas ito ng tingin. "I envy you from a far, we're twins pero mas close pa kayo ni Erika. I saw how you treat her like a sister... but me, you don't even know my existence. I got mad at you, I feel betrayed by my own sister. That's why I set you up the first morning I'm with you." Ngumiti si Mickey ng malungkot sa kanya. "I'm not sorry for that."

"Maldita..." aniya sabay akbay dito. "I'm happy knowing that I have a twin. Shocking, but at least I have you."

NANG gabing yon marami pa siyang nalaman dito. Pati na rin sa tunay nilang ama. Parang gusto niyang pagsisihan na tinarayan at nagalit sa kay Tita Clarice - na tunay niya pa lang ina.

Pero di bale. Pagdumating ang panahon na makabalik na siya sa San Felipe kasama ito sa babalikan niya. Pati na rin ang harapin ang tunay niyang ama.

Pinilit niya ng pumikit at makatulog. Kahit na sa pagpikit ng mata niya si Gab ang nakikita niya. Ang mainit na pinagsaluhan nila kagabi.

ILANG araw siyang naghintay na muling bumaik si Gabin sa bar. Yung araw naging linggo, hanggang sa naging buwan. At eksaktong tatlong buwan nalaman niyang buntis na naman siya. Iyak siya nang iyak. Naligo rin siya ng sermon kay Mickey at Jude. Pero hindi naman siya pinabayaan ng mga ito.

Isang babae ang naging bunga ng muling pagkikita nila ni Gabin. Leticia ang ipinangalan niya sa anak nila.

"Alam mo dapat malaman na ng Tatay nila na nakakatatlo na siya sa'yo," ani ni Mickey sa kanya habang karga-karga si Baby Leticia.

Bumuntong-hininga siya.

"Gusto ko munang ayusin ang buhay ko, Mik. Mag-aaral ako kahit vocational lang. Gusto kong magkaroon ng isang disenteng trabaho. Gusto kong paghumarap ako sa kanya, hindi ako naging pariwara." Naalala niya ang pera na iniwan ni Gabin ng may mangyari sa kanila sa bar. Ayaw niyang maging isang mababang uri ng babae sa paningin nito.

"Puro pride ang iniisip mo! Sana isipin mo rin ang mga anak mo. Tatlo na 'yan Sabrina, lumalaki na sila na hindi pa nakikila ang ama nila. Napaka-unfair naman no'n para sa mga bata," sumbat nito sa kanya.

Napakagat siya sa labi. May punto ito, pero iniisip niya na lang na magkakakilala din naman ang mag-aama. Hindi naman siya habang buhay na magtatago e, babalikan nila si Gab. Nilapitan niya ang kambal na nakahiga sa papag habang mahimbing na natutulog. Hinaplos niya ang buhok ng mga ito.

"Sana wala kang pagsisihan sa lahat ng nagiging desisyon mo ngayon, Sab. Kapatid kita kaya kung makikita kitang masasaktan - na sigurado naman akong mangyayari bandang huli dahil sa tigas ng ulo mo. Masasaktan din ako," anito saka iniabot sa kanya si Leticia. "Isipin mo yung kapakanan ng mga anak mo, 'wag puro si Gabin ang isipin mo," anito saka lumabas ng slid nilang mag-iina.

Natigilan siya sa sinabi nito. Bigla ang sundot ng konsensya sa kanya. Tama ito. Tinatanggalan niya ng magandang kinabukasan ang mga anak para sa magandang kinabukasan ng ama ng mga ito. Pinagdamutan niya ng ama ang mga anak niya para malayang makalipad ang ama ng mga ito.

Selfish siya. Tama si Mickey. Puro si Gabin lang ang iniisip niya. Pero anong gagawin niya? Nagawa niya ng ilihim at itago ang mga anak niya. Ang hirap ng bumalik dahil naharangan na siya ng mga naging desisyon niya.

Ah siguro itutuloy niya na lang hanggang sa marating niya yung oras na handa na siyang harapin ang lahat. Ang magiging reaksyon ni Gabin kapag nalaman nito may tatlong anak na ito sa kanya.

Hinalikan niya si Leticia na kalong-kalong niya. Kamukhang-kamukha rin ito ng ama. Ang malalagong pilik at ang ilong nito ay kuhang-kuha kay Gabin. Napangiti siya. Paano niyang maikakaila sa lahat na si Gabino Melchor ang tatay ng mga anak niya?

Sa ngayon aayusin niya muna ang lahat. Priority niyang makahanap ng disenteng trabaho saka siya mag-iipon ng lakas ng loob para muling bumalik sa bayan na kinalakihan niya. Sa lugar kung saan niya iniwan si Gabin.

Umingit si Leticia at nagising no'n si Gabriel. Pupungas-pungas itong gumapang sa paanan at kinuha ang baby bottle ng kapatid at iniabot sa kanya.

"Thank you, kuya," aiya at ginulo ang buhok nito. Ngumiti lang ito sa kanya at pinanood ang kapatid habang dumedede.

"Nanay, kahit mas mahal mo si Tatay, okay lang po," nakayukong ani ni Gabriel. Nawalan naman siya ng imik dahil sa sinabi nito. Napatitig siya sa anak. Maglilimang taon pa lang ito pero parang matanda na ang kaharap niya. Seryoso ang mukha nito. "Hindi po ako galit sa'yo, Nay."

Napaiyak siya sa sinabi nito.

The Crazy Tease (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon