Chapter 39

6.2K 278 36
                                    

Sabrina's POV

Halos araw-araw kasabay ni Gab umuuwi si Maria sa bahay. Laging nag-uusap ang mga ito sa opisina ni Gabin sa ibaba pagkatapos ay sasabay maghapunan sa kanila si Maria bago ihatid ni Gabin.

Hindi niya itinago ang inis sa pinsan niya. Harap-harapan kasi nitong nilalandi si Gab at parang okay lang iyon kay Gabin. Nakakapanggigil! Pati mga bituka niya nanggigil sa pinsan niya.

Madalas pa siyang ngisihan ni Maria na mas lalong kinaiinis niya. Katulad na lang ngayon na sa kusina siya habang umiinom ng kape. Lihim niyang binabantayan ang dalawa. Ngayon lang kasi inabot ng gabi ang mga iyon na nag-uusap. Na sa taas na ang mga anak niya at tulog na. Hinihintay niya na lang matapos mag-usap ang dalawa dahil gusto niyang makipaglinawan kay Gabin. Hindi uubra na harap-harapan siya nitong binabalewala lalo na sa harap ng pinsan niyang mahadera.

"Gusto ko ng kape," anito sa kanya. Nag-uutos at hindi nakikiusap.

"Di magkape ka," inis na aniya kay Maria.

Ipinaikot nito ang mga mata sa kanya. "Itimpla mo'ko, dalawa na dahil gusto rin ni Gab magkape," sarkastikong anito.

Ibinaba niya ang tasa ng kape niya at lumikha iyon ng ingay, bahagya pang natapon ang laman. Tinaasan lang siya ng kilay ng pinsan.

"'Wag mong ubusin ang pasensya ko baka di kita matantya," gigil na banta niya dito.

Tinawanan lang siya ng bruha. Dumukwang pa ito sa lamesa at inilapit ang mukha sa mukha niya. "Anong gagawin mo?" nakakalokong tanong nito na parang naghahamon pa.

Humigpit ang hawak niya sa tasa ng kape niya. Gustong-gusto niyang isaboy ang laman niyon sa pagmumukha nito.

"Puro ka lang salita," anito saka umayos ng tayo. Lumakad ito sa cupboard at kumuha ng tasa saka nagsalin ng kape na nasa perculator. Isang tasa lang ang sinalinan nito. Akala niya aalis na ito pero naupo pa sa harap niya ang hitad. Tinignan niya ito ng masama. Humigop ito ng kape habang nakatingin sa kanya. "Alam mo kung wala lang kayong anak baka inagaw ko na si Gabin sa'yo," anito.

Pagak siyang natawa. "At sa tingin mo papatulan ka niya?" mapanuyang aniya dito.

Nagkibit-balikat ito. "Hindi malabo... Baka nga may feelings na siya sa akin e, ako lang naman kasi ang kasama niya sa up's and downs ng buhay niya," anito saka muling humigop ng kape. "Sarap ng Timpla mo ha," puri nito sa kanya na mas lalong ikinabuwisit niya.

Ambisiyosa!

"Bakit ba kasi bumalik ka pa?" tanong nito sa kanya. "Nagsama ka pa ng mga padrino. Napipilitan tuloy si Gabby na pakisamahan ka para sa mga bata," nakaismid na anito.

"Ubusin mo na nga lang yang kape mo bago ko maituktok sa ulo mo 'tong tasa ko," inis na sikmat niya dito. Kung di niya lang pinsan to baka kanina niya pa ito sinakal. Kapag ng mukha!

"Feeling mo mahal ka pa rin niya?"

Natigilan siya sa tanong nito.

"Sa tingin mo ba pinakikisamahan ka niya hindi dahil sa mga bata kundi dahil mahal ka niya?" Napailing ito. "Ang hirap din pala ng kalagayan mo noh? Pinakikisamahan ka lang para sa mga bata, nasabi kasi ni Gabby na-- Fuck!" malakas na sigaw nito at napatayo pa ito dahil isinaboy niya dito ang kape niya.

"Anong nangyayari dito?" tanong naman ni Gab na bigla na lang sumulpot aa pintuan ng komedor at agad na lumapit sa pinsan niya. "Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Gabin kay Maria. Tinulungan pa nito ang huli na punasan ang sarili.

"Bitch!" galit na mura ni Maria sa kanya. Namumula ang leeg nito. Hindi naman na ganoon kainit ang kape niya kaya sigurado siyang hindi malalapnos ang balat nito pero dahil mestiza ito namula ang balat nito.

The Crazy Tease (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon