Chapter 21

5.4K 235 27
                                    

Mahigpit na hawak-hawak ni Sabrina ang pregnancy test sa kamay niya, habang inaantay sa harap ng entrance ng school si Gabin. Balak niyang ayain itong mag-cutting. Gusto niya itong makausap tungkol sa problema nila, para kasing sasabog na siya sa dami ng mga dala-dala niyang problema. Gusto niyang mabawasan iyon kahit papaano. Gusto niyang may mapaghingahan ng lahat ng na sa loob niya.

Halos wala nga siyang tulog kagabi, nakaupo lang siya sa kama habang nakatulala sa kawalan. Ang gulo-gulo ang isip niya. Gusto niyang umiyak sa lahat ng nangyayari pero walang luha na pumapatak sa mga mata niya, kaya naman mas lalo siyang nafu-frustrate.

Napangiti siya nang matanawan si Gabin pero agad ding nawala ang ngiti niya ng makitang kasama ito ni Millet. Masayang nagkukuwentuhan ang dalawa. Tawa nnag tawa ang mga ito habang si Millet naman ay may pahampas-hampas pa sa balikat ni Gabin. Napasimangot siya. Gusto niyang sugudin ang mga ito pero nagpigil siya.

Tumalikod na lang siya at pumasok na sa loob ng school dahil baka di siya makapagpigil at masugod niya si Millet.

Dumaam muna siya sa restroom at doon pinakalma ang sarili. Nang okay na siya saka lang siya lumabas, nakabungguan niya pa si Manolo paglabas niya ng restroom.

"Nagtatanga-tangahan ka na naman!" inis na asik niya dito sabay bunggo sa braso nito at nilagpasan ito. Mga bwusit!

Nakasambakol ang mukha niya na nagtuloy siya sa canteen. Nagugutom siya at mas nakakadagdag pa 'yon sa init ng ulo niya.

"Sab!" tawag sa kanya ni Gabin na nasa table na laging pinupwestuhan nila kasama si Erika, Arjhay at ang hitad na si Millet.

Inirapan niya ito at hindi niya pinansin. Pumila siya sa counter at umorder nang umorder. Idadaan niya sa pagkain ang lahat ng inis niya. Nagulat pa siya ng paglingon niya ay na sa tabi na niya si Gabin. Ang luwang nang pagkakangiti ng gago sa kanya.

Inunahan siya nito sa pagkuha ng tray. "Mauubos mo ba 'to?" natatawang tanong nito habang nakatingin sa mga kinuha niya.

Nakaramdam naman siya ng pagkapahiya, agad na nag-init ang pisngi niya. "Wala kang pakialam!"

"Bakit ba mainit na naman ang ulo mo?" anito na natatawa. "Nagseselos ka 'no?" tudyo pa nito.

"Bakit naman ako magseselos?"

"Kasi kasama ko si Millet. Nakita kita sa entrance kanina. Inaantay mo ba ako?"

"Bakit naman kita aantayin?"

"Kasi patay na patay ka sa akin," anito sabay taas-baba ng kilay nito.

"E, kung patayin kaya kita?" inis na sagot niya naman dito.

Tawa lang ang isinagot nito sa kanya. Tahimik na naupo siya sa lamesa katabi ni Erika. Tumabi naman sa kanya si Gabin saka inilapag ang tray niya sa harap niya.

"Hi, Sab," bati ni millet sa kanya na nasa tapat nila at katabi si Arjhay.

"Hi you're face!" masungit na sagot niya dito sabay irap. Napatingin naman sa kanya ang mga kasama nila sa mesa pero wala siyang pakialam. Naiirita siya at wala siya sa mood makipag-plastikan ngayon. Nawalan naman ng imik si Millet. Sa sulok ng mata niya, nakita niya si Gabin na nginitian si Millet na parang hiyang-hiya ito sa huli. Lalo naman siyang nabwisit.

"Problema mo?" bulong sa kanya ni Erika.

Hindi niya ito pinansin at nagtuloy lang sa pagkain. Maski ng dumating si Manolo at Mateo ay di siya nag-angat ng mukha para batiin ang mga ito.

"Nagluto ako ng fish fillet na may white souce," pagkuwan ay ani ni Gabin saka inabot ang microwavable na tupperware sa kanya. Ito pa ang nagbukas ng tupperware.

The Crazy Tease (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon