Sabrina's POV
Kaya pala parang hindi sure si Gabin kung Mommy niya nga ba o hindi ang na sa ibaba dahil si Tita Clarice ang kasama ng Daddy niya. Ang biological mother niya.
Mabilis itong napatayo nang makita silang pababa ng hagdan at sinalubong ng yakap. Gumanti rin siya ng yakap dito. Matagal naman na niyang natanggap na ito ang tunay niyang ina. Base na rin sa kwento ni Mickey, sapilitan daw siyang kinuha ng Lolo Damian niya dito. Siya ang nakuha dahil siya ang hawak noon ni Tita Clarice. Hindi raw alam ng Lolo niya na kambal sila ni Mickey. Nagdamdam siya sa Lolo niya. Lalo na nang malaman kung ano-ano ang mga kinailangan ni Tita Clarice para lang mahanap siya. Napabayaan nito si Mickey. Siya ang nawala pero parang si Mickey ang nawalan. Nawalan si Mickey ng kapatid at Ina.
"S-Si Mickey?" umiiyak na tanong nito. "Hindi ba siya uuwi?"
"Susunod sila ni Jude," aniya.
"Ang mga apo ko kasama ba?" Kita niya ang pananabik nito kay Mickey.
Napatingin siya sa Daddy niya na nakamasid lang sa kanya. Siya na ang kusang lumapit at yumakap dito. "I miss you, Dad." Naiiyak siya. Kahit hindi sila naging close ng Daddy niya na miss niya ito, gaya rin nang pagka-miss niya sa Kuya Sean niya at sa kinilalang Ina.
"I miss you too, Sab. I'm sorry for neglecting you. I'm so sorry, anak..." Naramdaman niya na umalog ang balikat ng Daddy niya dahil sa pag-iyak.
Hindi niya na rin napigilan ang mapaiyak. Sa buong buhay niya ngayon lang siya nito tinawag na anak. Ngayon lang niya naramdaman na Ama niya ito. Dahil lang sa salitang 'Anak'.
Walang katapusang kamustahan at iyakan ang naganap. Di niya akalaing magiging ganito. Akala niya baliwala lang na bigla siyang nawala sa buhay ng mga ito. Hindi pala.
Doon na nagpalipas ang mag-asawa ng gabi at dahil hindi pa malinis ang isang bakanteng kwarto sa kuwarto nila ni Leticia pinatulog ang dalawa at sila naman ng anak ay sa masters bedroom.
Pinainom niya ng gatas ang anak bago sumunod sa itaas. Pagpasok nila nakahiga na si Gabin. Wala itong pang-itaas na damit at pajama lang ang suot. Nakasandal ito sa headboard ng kama habang hawak ang remote ng TV. Nakatingin din ito sa kanya pero hindi niya ito pinansin. Badtrip pa rin siya dito. Hindi niya gusto ang ginawa nito. Nanliit siya dahil sa inasal nito kanina. Bumalik yung pakiramdam niya ng iwan siya nito sa bar pagkatapos may mangyari sa kanya. And she hated it. Feeling so small and dirty. Nakaka-degrade ng pagkatao. Kaya bahala muna siya diyan. Magpapabebe muna siya hanggang sa maalis na yung pagtatampo niya.
Inihiga niya sa gitna nila si Leticia. Kung pwede nga lang sa sahig na lang siya matulog, kaya lang di naman niya maatim. Nahiga na rin siya.
Pinatay naman ni Gabin ang TV at tumagilid paharap sa kanila.
"Goodnight, princess," anito sa anak. "I love you..." ani pa nito pero sa kanya nakatitig. Parang sa kanya sinasabi.
Pinigil niya ang sariling kiligin. Hindi pwede! Ma-pride na kung ma-pride. Basta hindi pwede. Nagtatampo pa rin siya. Ipinikit niya ng mariin ang mga mata at pinilit na lang na makatulog. Nakatulog naman siya agad kaya lang nagising naman siya na may nakadagan sa kanya at pinaliliguan siya ng halik sa mukha at leeg. Napadilat siya at nasalubong ng mga mata niya ang mga mata ni Gabin. Halos maduling na siya sa sobrang lapit nito sa kanya. Tatalakan niya sana ito pero mabilis nitong tinakpan ang bibig niya sabay senyas na manahimik siya at itinuro ang anak nila. Maraming unan ang nakaharang sa kabilang parte ng kama para pigilan ang pagkahulog ng anak nila na nasa sulok na.
Pinanliitan niya ng mga mata ni Gabin at pilit inaalis ang kamay nito sa bibig niya. Pero mahigpit ang pagkakadakip nito. Yumuko ito at bumulong sa tainga niya. "Baka magising ang anak natin," anito. Napakiling naman siya dahil tumama ang mainit na hininga nito sa leeg niya na nakapagpakiliti sa kanya. Agad na kumalat ang init sa katawan niya. Bigla ring nawala ang pinaglalaban niyang pride. Nakakawala kasi sa katinuan ang mainit na hininga ni Gabin at ang matiim nitong tingin.
Kaya naman ng hilahin siya nito papasok sa banyo ay buong puso siyang sumama. Mabilis na isinara nito ang pinto at hinalikan siya. Bukas na lang uli siya magagalit. I-e-enjoy niya muna ang pinagsasaluhan nila ni Gabin.
Hindi ito nag-aksaya ng oras. Mabilis na ibinababa nito ang pajama niya. Pinaharap siya nito sa sink na may malaking salamin. Kitang-kita niya pa ang reaksyon ni Gabin ng pumasok ito sa kanya. Nakapikit, at bahagyang nakaawang mga mga labi nito. Nagtagpo ang mga mata nila ng magmulat ito. At mas nakakadagdag iyon sa nararamdaman niyang sarap
Parehong habol ang paghinga nila ni Gabin. Kita niya sa harap ng salamin ang butyl-butil na pawis nito sa noo habang bumabayo ito sa likuran niya. Napahigpit ang kapit niya sink dahil naging marahas na ang pag-indayog ni Gabin. Kakaibang sarap ang nararamdaman niya dahil sa malalakas at marahas na paggalaw nito hanggang mabaliw baliw siya ng sabay silang sumabog.
Nanghihina ang tuhod niya kaya naman napasubsob siya sa sink. Yumuko rin si Gab at niyakap siya mula sa likuran.
"I'm... sorry..." anito sa hingal na boses. "Nagpunta ako kanina sa inyo para ipaalam sa Daddy mo na ikakasal na tayo. Gusto ko sanang mamanhikan na kaya lang sa makalawa pa ang dating ni Mommy at Daddy. Sumama sa akin ang parents mo dahil gusto ka nilang Makita," paliwanag nito at mas lalo pa siya niyakap. "Kaya lang ng makita kitang halos hubad kanina nakalimutan kong kasama ko sila." Marahan itong natawa. Umangat ito umalis sa likod niya saka siya inabutan ng tissue. "Naalala ko lang ng matapos tayo. I'm sorry," hinging paumanhin nito. Nakaayos na ang mga damit nila. Hinapit siya nito at niyakap. Idinikit nito ang noo sa noo niya.
Napangiti na rin siya. May dahilan naman pala si Gabin e.
"Nakakabaliw ka, alam mo ba 'yon?" anito na nakapikit. Parang inaantok na ewan.
"Because I'm sooooo pretty and hot?" aniya.
"Mmhmm, so freaking hot!" sang-ayon nito. "Tampo ka pa?" pagkuwan ay tanong nito.
Ngumiti siya at umiling.
Hinaplos nito ang pisngi niya. "Hindi ka na uli aalis di ba? Hindi mo na ako uli iiwan?"
Parang kinurot naman ang puso niya sa nakikitang takot sa mga mata nito.
"Kahit anong problema, sasabihin mo na sa akin 'di ba? Hindi mo na sosolohin? Hindi naman kita pababayaan kahit ano pang maging problema mo--"
Pinigil niya ng halik ang ano pa mang sasabihin nito. Ang sakit makita na helpless itong nakikiusap sa kanya. Takot na takot ito at parang batang nakikiusap.
"Hinding-hindi na ako aalis. Hangga't hindi mo sinasabi hinding-hindi kita iiwanan," aniya dito at masuyo itong hinalikan.
"That will never happen. Hinding-hindi kita paalisin sa tabi ko dahil di ko na kakayanin kapag nawala ka pa. Kahit gabi-gabi ka pang magsasayaw sa loob ng kuwarto ko na naka-Tback okay lang."
Lumabi siya. "Bet na bet mo naman," tudyo niya dito.
He just grinned like a silly boy.
![](https://img.wattpad.com/cover/212623555-288-k390024.jpg)
BINABASA MO ANG
The Crazy Tease (completed)
RomanceLANDIIN si Gabino Melchor! Di baleng bumaksak ang grade basta pasado kay crush! Kaya lang hindi pala pwedeng maging sila.... First love ni Sabrina si Gabino kaya naman ng maging sila ay nakalimutan niya ang problema sa sariling pamilya.. Mahal na m...