Malakas siyang napadighay pagkatapos niyang maubos lahat ng inorder niyang pagkain. Pero feeling niya kulang pa yung kinain niya. Parang di siya nabusog.
"Ano busog ka na?" tanongi ni Gab.
Nakangiti siyang tumango, kahit gusto niyang umiling. Gusto niyang humirit ng isa pang order ng spagetti.
"Tara na?" aya nito saka kinuha ang bag niya at ito na ang nagbuhat. Wala na siyang nagawa kundi ang tumayo na rin at sumama dito.
Nakasabay pa nila si Arjhay at Mateo sa hallway. Bigla ang pagkainis na naramdaman niya nang makita ang dalawa. "Ang papanget niyo!" inis na pagsusungit niya sa dalawa na nagulat sa biglaang pagtataray niya.
"Luh? Problema mo?" ani ni Mateo na nakasimangot.
"'Yang mga mukha niyo. Nakakaalibadbad!" aniya saka inirapan ang mga ito at nauna nang maglakad. Kumukulo ang dugo niya at hindi niya alam kung bakit inis na inis siya sa mukha ni Mateo at Arjhay. Parang ayaw niya ni marinig man lang ang paghinga ng mga ito.
"Huy, anong problema mo? Bakit mo naman ginano'n sila Mateo sumama tuloy ang loob nung dalawa," ani ni Gab ng maabutan siya nitong nakaupo na sa loob ng room nila.
Bigla siyang nakaramdam ng guilt at gusto niyang maiyak. Bigla-bigla ang bugso ng konsensya sa kanya at awa para kay Mateo at Arjhay. Suminghot niya para pigilan ang luha.
"Oh bakit ka umiiyak?" nagtatakang tanong ni Gab na naupo sa tabi niya.
"N-Naaawa a-ako kina Mateo... "pag-amin niya. Tuluyan na siyang naiyak at Hindi niya mapigilan ang mapahagulgol. Napatingin na tuloy sa kanila ang mga kaklase nila. Natataranta naman siyang inalo ni Gabin.
"Uy, tahan na. Sorry na... Hayaan mo na 'yon, talaga namang pangit yung dalawa na 'yon..." anito para mapagaan ang loob niya pero lalo lang bumigat ang loob niya sa sinabi nito kaya lalo siyang napaiyak.
"Gab, 'wag kang ganyan..." nanguusig na aniya kay Gab. "Mga kaibigan natin sila, 'wag mo silang pagsalitaan ng ganyan!" sermon niya dito.
"Ha?" Naguguluhang napakamot na lang ito sa ulo. "Naka-drugs ka ba?" tanong nito na nakakunot na ang noo. "Ang lakas ng amats mo e."
Napahampas siya sa desk dahil sa sinabi nito. "Mukha ba akong adik? Hoy, Gabino, kahit kailan hindi ako nag-adik!"
"Ah! Ewan ko sa'yo!" inis na ani ni Gab saka tumayo at bumalik sa pwesto nito sa harap ng upuan niya.
Nagalit siya sa inasta nito sa kanya. Malakas na sinipa niya ang upuan nito.
"Sab!" anito na nanlalaki ang mga mata sa gulat dahil muntik na itong masubsob.
"'Wag mo 'kong kausapin! Letse ka!" galit na aniya saka ito inirapan.
"Ang agang L.Q. naman niyan," ani ni Jannah na kakadating lang. Naupo ito sa tabi niya. "Ano? Magbe-break na ba kayo?" tanong nito na nakataas ang kilay.
"Hindi!/Of course not!" - Sabay na sabi nila ni Gab.
Natatawang itinaas naman ni Jannah ang dalawang kamay. "Relax... Hindi na kung hindi, okay?" anito at ipinaikot pa ang eyeballs sa kanila.
Hindi na siya nakakibo ng dumating na ang teacher nila.
Wala siya sa mood hanggang mag-breaktime. Nakadagdag pa ang hindi pagpansin sa kanya ni Gab at nila Mateo at Arjhay ng na nsa canteen na sila. Magkakatabi ang tatlo sa upuan at na sa harapan naman siya ng mga ito katabi si Jannah, Erika at Manolo. Katapat niya si Gab na nakayuko lang sa pagkain nito, gano'n din sina Mateo at Arjhay.
"Bakit ang tatahimik niyo ata?" puna ni Jannah sa mga ito.
Sabay-sabay na nag-angat ng tingin ang tatlo at pare-parehong tumingin sa kanya. Pinag-iirapan niya naman ang mga ito. Mas lalo siyang nabubwisit. Halatang pinagtutulungan siya ng mga ito. Anong magagawa niya kung nagiging moody siya? Kung napapangitan siya sa mga ito?
BINABASA MO ANG
The Crazy Tease (completed)
Любовные романыLANDIIN si Gabino Melchor! Di baleng bumaksak ang grade basta pasado kay crush! Kaya lang hindi pala pwedeng maging sila.... First love ni Sabrina si Gabino kaya naman ng maging sila ay nakalimutan niya ang problema sa sariling pamilya.. Mahal na m...