Chapter 5

6.2K 254 10
                                    

Wala na silang imikan hangang makarating sila sa bahay nila Gabino.

Badtrip talaga siya dahil sa sinabi nitong akala nito insecure siya kay Millet. Si Millet na naging muse lang dahil hindi siya nakasama sa mga pagpipilian, dahil sa higher section lang kumukuha ang school nila? Ha!

Bungalow ang style ng bahay nila Gabino, simple pero makulay dahil sa pintura ng bahay nila na blue, pink, at yellow. Idagdag mo pa ang mga naggagandahang bulaklak na alaga ng mama ni Gabin.

Nakita niya kaagad ang mama ni Gabino na nagdidilig ng mga halamang tanim nito, kaya lumapit siya dito at nagmano. Kilala niya na ang mama ni Gab dahil nung second year magkakaklase sila nila Gab at ng kuya niya, kaya madalas silang magkapatid dito para gumawa ng mga project at report. Lagi rin kasing may pamiryenda ang mama ni Gab kaya naman nawili sila dito.

"Kamusta po, Tita Grace, lalo kayong gumaganda ah," nakangiting bati niya dito.

"Ito talagang si Sabrina napakabolera," natatawang sabi nito. Maganda naman talaga si Tita Grace para nga lang silang magkapatid ni Gab.

"True naman 'yon, Tita, hindi bola," aniya pa dito. Nakakatawa lang dahil mas close pa siya dito kaysa sa Mommy niya. Hindi kasi sila nakakapag-bonding ng Mommy niya.

"Ma, pasok muna kami," paalam ni Gab na humalik sa pisngi ni Tita Grace saka hinila na siya papasok sa bahay diretso sa kusina.

"Asan si Jasmine?" tukoy niya sa kapatid nitong mas bata sa kanila ng anim na taon.

"Baka na sa kuwarto niya," sabi nito saka inilapag ang mga pinamili namin sa lamesa at isa-isang tinanggal sa plastic ang laman. "O, ikaw ang magbalat ng carrots, pa cube ha..." utos nito sabay abot ng peeler at kutsilyo saka ng sangkalan. Pumunta ito sa lababo at hingusan ang karne.

Parang nawala ang inis niya dito habang pinapanood niya itong kumikilos sa kusina. Ang smooth ng galaw nito at halatang-halata na sanay kumilos sa loob ng kusina.

Napaka-guwapong chef siguro nito kung may soot na chef uniform.

"Hindi ka pa ba sinasagot ni Millet?" pagkuwan ay tanong niya dito. Naupo siya sa upuan na nakaharap sa lamesa at inumpisahan na niyang balatan ang carrots.

"Bakit mo natanong?" sagot nito na hindi man lang lumilingon sa kanya.

"Wala naman curious lang ako." Kibit-balikat niya.

"Hindi pa," anito.

Hindi pa - Ibig sabihin lang may tiyansa pa siyang ipagpatuloy ang paglalandi dito at kailangan niyang magmadali na ma-develope sa kanya si Gab bago pa siya maunahan ni Millet! Napangiti siya.

"Anong nginingiti-ngiti mo diyan," nakakunot ang noo na tanong nito. Nakatingin na rin pala ito sa kanya.

"Cute mo kasi eh," wala sa sariling nasabi niya.

Nagulat naman ito pero natawa lang. "Uy, crush niya 'ko," pabirong sabi nito habang tumatawa.

"Crush ka diyan. Gusto kaya kita," sabi niya nakatingin sa mga mata nito.

Uy kikiligin na yan... Natatawang bulong niya sa isip. Natigilan naman ito at sumeryoso ang mukha kaya medyo kinabahan siya. Baka mabigla ang loko at ma-friendzone siya. Uso pa naman 'yon.

"Joke!" dugtong niya na lang sabay tawa. Napakatabil niya talaga.

NAPAPAILING na lang siya dahil sa kalokohan ni Sab. Kinabahan siya do'n ah, akala niya talaga seryoso na ito sa sinabi nito. Shit sayang!

Naaaliw na pinagmamasdan niya ito habang hirap na hirap sa pagbabalat ng carrots, kahit peeler na nga ang gamit nito. Halatang walang alam sa pangungusina si Sabrina. Di niya maiwasang mapangiti lalo na kapag kumukunot ang noo nito kapag dumudulas ang peeler.

The Crazy Tease (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon